Steemit Philippines Photography Contest Week#3/Halo-Halo/September 02, 2021

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Kumusta kayo Steemians, ipagkaloob saan man tayo dako ay nasa mabuting kalagayan at iwas sakit tayo.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang pang himagas ng bayan, halo-halo, pinoy na pinoy ang pagkaing ito. Kada may okasyon hindi puede di kasali ang halo-halo. Tradisyon na ng pinoy ang halo-halo. Lalo ng tuwing summer mag silabasan ang mga lamesa sa tabi ng daan at halos magkatapat at nag tinda ng halo-halo. Dahil sa init ng panahon. Favorite ng lahat ang halo-halo, bata man o matanda.

inbound3218023383872564279.jpg

At sa restaurant naman faborito natin ang halo-halo ng Chowking. May mga version naman ng halo-halo ang iba't ibang restaurant, ngunit itong sa Chowking ang hanap hanapin.

Ang mga sangkap nito ay crushed ice, evaporated milk o condensada at hinalo -an ng ube, minatamis na beans, buko strips, gulaman, pinipig at mga fruit preserved at ang mga espesyal at lagyan ng peanut butter at ube ice cream sa ibabaw at letse flan.

Sa aking pagsaliksik doon sa Quinita Market sa Quipo Manila sa panahon pa ng Pre-war Japanese mga 1920's -1930's uso ito na tinatawag sa Japanese na Kakigori. At ang unang version ay Mongo beans na pula niluto ng minatamis at ipatong sa crushed ice na may gatas at asukal. Nauso ito dahil sa malapit sila sa plant ng yelo.

Ang kaibahan lang ito ay pinapatong sa crushed ice. Ang version ng halo-halo ay kanya kanya ng lagay ng sangkap na nasa ilalim bago ang crushed ice.

Noong high school pa kami, may classmate kami na nakatira sa Pasil, Cebu. Ang pangalan ng classmate namin ay Jessica. Siya nag sabi sa amin na may kapitbahay silang nag tinda ng masarap na halo-halo. Minsan walang pasok ng hapon na iyon napag usapan namin na dayohin namin ang halo-haloan, hala ang dami namin gi raid namin ang halo-haloan. Nong nandoon na kami na taranta ang tindera sa kadami namin.

Totoo nga hang sarap ng halo-halo nila. Kahit ubos na gusto mo pa ng pangalawa. Siguro dahil yon sa peanut butter at letse flan na hinalo nila. At saka may preserved langka pa, bumango ang halo-halo. Ng wala kaming pasok dinala ko doon ang Nanay ko at Auntie. Dahil sobrang sarap ng halo-halo nila.

Hanggang dito na lang, sanay na busog kayo sa halo-halo. May version ba kayo ng Halo-halo?

Inimbitahan ko si @jewel89, @aideleijoie @reginecruz na sumali dito

inbound1982556981272718968.gif

Sort:  
 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme7
2. Creativity7
3. Technique7.5
4. Over all impact7.5
5. Quality of story7.5
6. Total score7.3
 3 years ago 

Thank you

 3 years ago 

Ang halo-halo ay sikat na pamgmeryemdang pinoy. Lalo na kapag mainit ang panahon.

 3 years ago 

All time peyborit ng lahat ang halo-halo momshie @jurich60 pero yang sa mang inasal ang hindi kopa natitikman.
Noon nagwowork ako sa isang air-condition company, minsan akong isinama ng Boss ko sa Pampanga at nag stop over kame sa kilalang old restaurant doon. Buko at pinipig lamang ang sangkap PERO super super sarap talaga. 🍧

 3 years ago 

Pina creamy nila sa milk na ginamit

 3 years ago 

I agree! Isa Ang halo-halo sa mga ipinagmamalaki NG mga Pinoy sa buong mundo. 😊

 3 years ago 

Oo proud tayo sa Halo-Halo natin

 3 years ago 

kani moy na miss nako. wa nako kakaon ani sukad sa pandemic.

 3 years ago 

Pag gawa imong version iapil sa video nimo

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/392 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme8.6
2. Creativity8
3. Technique8.4
4. Overall impact8.5
5. Quality of story8.8
Total Ratings/Score8.46
 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

pinoy na pinoy nga ang halo-halo sis. totoong masarap at masahog ang halo halo ng chowking , para lang gaa sa bahay at di tinipid.

natapos na ang linggong ito at wala parin akong maisip na tradisyon ng pilipinas ns may kuha akong sariling larawan. di bale na at may sa susunod pa naman, good day

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 62241.82
ETH 2433.73
USDT 1.00
SBD 2.57