Show Me Your Talent #2 - Crocheting

in Steemit Philippines3 years ago

Kumusta All,

Maraming salamat sa patimpalak ni #olivia08 at madaming talento ng pinoy na dapat ipayapag sa buong mundo.

Ang ibahagi ko ngayon ay ang number one talent kong simula ng maliit pa ako nanakita ko sa Nanay ko, mga tiyahin sa side ng Tatay ko at Lola Diyang ko nanay ng aking Tatay.

Noong nasa elementaria pa ako siguro mga grade 3 nakatira kami sa Jolo, Sulu. Namangha na ako sa natanggap namin package snail mail pa noon, mga bonnets at tsenilas para sa akin at sa kapatid ko ginansilyo gawa ng Lola ko na nasa Bantayan Island, Cebu.

Noong panahon ding iyon ang Nanay ko ay nag gagsnsilyo na din ng. Sapin sa mesa namin at lagayan ng telepono. At may nag papagawa na din sa kanya. Kaya ang pag gagansilyo ay nasa dugo na talaga namin. Nang kami ay umuwi ng Cebu, lalo akong namanha ng makita ko ang kurtina ng dalawa kong tiyahin si Tiya Menang at Tiya Gloria na ang kurtina nila lahat ng kurtina ay ginansilyo na sa ngayon ay bihira mo ng makita. Karamihan ng kababaihan ngayon ay di marunong mag gansilyo.

Naipalabas ko ang aking talento sa larangang ito ng ako'y buntis sa aking eldest na si @aideleijoie dahil pag laki na ng tyan di na ako gaanong makagawa ng gawaing bahay kaya mas mainam ang pag gagansilyo nawala ang pagkabagot mag hintay manganak hehehe. Ang una kong ginawa mga ref towel para sa sarili lang sana ngunit pag may bisita ako sa bahay napansin nila gawa ko omorder sila dozen dozen. Doon nag umpisa ang konting dagdag ss budget, basta sabi ko wag lang madaliin dahil sa di naman makina kamay ko.

Ang hilig kong gawin para sa sarili ko ay damit ko o yong sinusuot gaya ng bag. Ito ang pinaka latest kong gawa ang Pangbahay kong damit na napaka koportable na isang bedsheet eh nagandahan ako sa strawberries at dahil wala akong makina tinahi ko lang gamit kamay.

inbound8283966997916007672.jpg

inbound5911728030873308436.jpg

At ito naman ang mga nagawa ko noong kasagsagan ng Pandemic.

inbound3352557573754350740.jpg

Ako ay nag gagansilyo 45 yrs na at ang nag pasaya sa akin ay ibahagi ko sa iba ang talentong ito. Nakapagturo ako ng LIBRE sa mga kananayan upang pang dagdag hanapbuhay nila at ngayon isinalin ko sa anak at mga apo ko. Walo anak ko, apat na babae at apat na lalaki silang lahat marunong din mag gansilyo pero ang nagpatuloy ngayon at ginawang business ay si bunso. Ito ngayon ang tumatanggap ng orders dagdag kabuhayan habang nag bantay ng anak may pinag kaabalahan. Dahil sa senior citizen na ako di na ako gumagawa para sa iba kundi para sa sarili ko na lang. Mahina na ang pulso kaya enjoy ko ang sarili kong gawa.

inbound5919328858752002131.jpg

Makita ang tutorials ko sa YouTube Channel ko
e search lang Jurich Crochet Studio.

Maraming salamat sa pag basa.

inbound8136217349522747314.gif

Sort:  
 3 years ago 

Galing nyo.dyan ate..very talented namn.

 3 years ago 

Thanks much @reginecruz practice lang talaga at focus sa talentong ipinagkaloob ng kalikasan na nasa dugo ng aming angkan.

Ang ganda ng mga gawa mo te.. sana makagawa din ako ng mga ganyan 💕😍

 3 years ago 

Sureness gyud na basta di lang mo stop, imo bonnets ibog nga ko kay perfect.

 3 years ago 

Iba iba takaga talento ninyo ang galing sister.

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53699.14
ETH 2213.00
USDT 1.00
SBD 2.28