RE: The Diary Game Steemit Philippines Contest Daily Update (Week 6) | Winners of "Daily Best Comment Contest" and New Topic
Topic Of The Day: My Love Life Story
Ang love life story ko is about my first boyfriend na naging asawa ko samakatwid my first and last for 46 yrs napagsasama.
Noong mag kaka college na ako, kami ay lumipat ng tirahan, doon sa lugar nila hubby, sila sa taas kami naman sa baba. Ako ay16 yrs old pa noon, si hubby naman 21 yrs old at nag rereview para sa board exam niya sa Mining Engineering. Nagkakilala kami dahil magkapitbahay nga. At mahilig akong mag guitara ngunit di ko pa kabisado ang mga chords ng kantang Everything I Own by the Bread kaya nagpaturo ako sa kanya dahil marunong din siya. At mahilig din ako mag basa ng mga pockets books noon na Mills n Boons. Isang araw sa school ng kunin ko ang pocket book may nahulog na papel, binasa ko. Kinutoban ako dahil nasilip ko ng my sinulat na I Love You. Pag tapos ko basa di ko na alam anong gagawin. Kikibuin ko pa ba siya o hindi. Dahil ang gustong gusto kong mapangasawa ay German o Amerikano. Alam.yan ng Nanay ko at ng mga tiyahin at mga pinsan. Kasi gusto ko noon blue eyes ang magiging baby ko.
Sa umpisa iniiwasan ko siya, ngunit ang kulit, sinusundo na ako sa school. At nakita ng mga classmates may school bus na ako. Yang ang tawag noon. Tawanan pa sila dahil talagang dress to kill at ang shoes ni hubby hang kintab ma slide talaga ang langaw. Di nag laon dahil sa ang kulit, napa OO ako, kay On na kami. Ngunit, patago dahil syempre 16 pa lang ako. But, gaya ng usok ito'y di matago nalaman ng both parents namin. Ayaw ng Nanay ko sa kanya, ayaw din ng parents niya sa akin. Ang solution kailangan lumipat kami ng tirahan. Kaya sa school na lang kami nag kikita at mag cutting class para manood kami ng sine. Di nag laon, ako'y na buntis ng wala sa oras at nakapasa siya sa board exam nag apply ng work at natanggap sa isang minahan sa malayong isla. Na stop ako sa pag aral, matagal wala kaming communication. Madaming chismis na ako'y magiging dalagang ina. Sabi ng Nanay ko di mag alala okey lang kung ganon ang mangyayari. Isang umaga habang nag exercise nag lalakad dahil kabuwanan ko na, may dumapo sa akin malaking brown na butterfly, isip ko ano kaya ibig dabihin nito. Pag kahapon, punta akong takipapa namili ng gulay. Pag uwi ko, habang nag linis ng gulay sa kusina ako'y kinabahan dahil may tao sa likod ko, paglingon ko, hala di ko nakilala si hubby dahil mahabang balbas sa mukha parang arabo.
Kaya ng ipinanganak ko si @aideleiJoie nandyan si hubby at para magkasama na kami nagtrabaho na lang din dito sa Cebu.
At ang isa, sa paglipas ng panahon na dagdagan pa ng pito. Sa ngayon may sarili na silang pamilya at may 19 na kaming mga Apo.
Hope na aliw kayo sa love story namin.
Wow hindi lang ako naaliw naiyak pa ako, madami maaaply sa story nyo:
And God bless you with 8 kids and 19 grandchildren pa, galing! congrats! Sana umabot pa ako sa ganyan na sitwasyon.
Talagang dyan naguumpisa yan sa mga paturo turo kuno pano mag gitara, iba na pala, aayaw ayaw pero gusto din naman pala ....... nyahahaha. Kakatuwa naman pla ang inyong love story ymmom. Natawa ako sa part na sabi mo dress to kill and dress to impress pala si Addy noon, sputing!😄
May mala teleserye pla ang dating both sides ayaw sa inyong pag-iibigan, tutol sila sa inyong dalawa pero matinik si Addy. Mahirap nga noon na bata kalang 18 tapos nabuntis na talk of the town ka talaga. I can't imagine the humiliation you have to go thru. Buti pala bumalik din si Addy at pinanagutan ka din nya at andun sya nung naging tao na ako. Omg! prang Pangako Sayo lang ah☺️.
Nice to know how it all began before ako naging tao. Conceived with love even if it is against all odds!
Wow I just knew ikaw pala anak nila mam and sir ,galing! And ngayon mo lang ba talaga nalaman love story nila? Nang dahil sa tanong ni @steemitphcurator? As a whole ng dahil sa pinakamamahal nating #steemit?
By the way have you read @steemitachievers intro post? it was mentioned there that the group is founded by love and respect and are composed of families and friends , it is very applicable sa inyo, you prove how SA is really composed of, I’m very happy to have you both in #steemitachievers community.
Yes sir, ngayon ko lang talaga nalaman whole love story nila, Glad to know it because I was their first offspring☺️. May mga ganun palang mala teleserye ang inabot ng love story nila.
Nakaka cringe pala kapag in a way patungkol sa akin na eto pinagdaanan nila bago ako naging tao.😄
my aim before was first and last love but that was not God's plan.. so blessed about your story! ung sundo sundo sa school jd ay... haha i remember a lot of things..
Ng dahil sa gitara. Heheh pwedeng pangMMK to Ate.
Okay ang alibi..Patudlo lain diay ang tuyu...hahaha.. Thanks for sharing your love story.
Napaka ganda naman po nang iyong love life story. The 1st love and definitely the last. Kinilig po ako noong meron kang nakitang papel na nahulog sa Pocket Book, natuwa ako sa reaction mo po... Hindi talaga matutumbasan mga magagandang estorya patungkol sa pag-ibig. Maraming salamat po sa pagbahagi.