#Club5050//The Diary Game//Mt Manunggal Adventure//06/05/2022

in Steemit Philippines2 years ago

Hallo Steemians,

Kumusta kayo? Naway nasa mabuting kalagayan tayo at ligtas sa kapahamakan.

inbound8387334359951428775.jpg

Kahapon dumating sa Mactan International Airport ang bunso namin dala ang anak niyang two yrs old, galing pa silang Olongapo City. 3 yrs din di kami nag kita sa messenger video chat lang ang aming communication. Pero bago namin siya sinundo sa airport dinaanan namin muna ang Ate niya na nakatira sa Lapu-lapu City. Napadali ang aming biyahe dahil doon kami dumaan sa CCLEX, walang traffic.

inbound920702297073746518.jpg

inbound6375468240401889734.jpg

Pagka kita kita na namin sa airport. Masayang kuwentuhan tungkol sa flight nila. Dahil maaga pa nag suggest si hubby na gumala kami kaya dinaanan namin ulit sa bahay ang asawa at dalawang anak Ng Ate niya at naku sinali na si Baby Bibing Ang apo namin sa tuhod na 3 weeks old. Kaya punong puno Ang Van.

inbound5857668935240702599.jpg

Sabi ni hubby punta kaming Mt. Manunggal, kaya dumaan muna kami sa Yellow cab dahil gutom na ang lahat. Hahaha konti na Lang ang naiwan bago na picturan ang Pizza dalawang tag 18 inches talagang gutom na!

inbound7265833853713670368.jpg

Dumaan muna Ng Andoks at namili ng grilled chicken at puso para doon na sa bundok kainin para pananghalian. Ito Ang mga nadaan namin. Ang ganda tingnan Ng kabundukan.

inbound7001861149176745598.jpg

inbound6554138318770494310.jpg

Ng malapit na kami sa Baguio De Cebu, muntik Ng tumirik ang Van, nangamoy sunog na ang tires kasi sa sobrang tirik Ng bundok, buti nakayanan pa at nakarating din kami sa wakas. Maraming salamat at naka upo na kami sa lamesa Ng biglang nag fog almost zero visibility.

inbound8054842557877172161.jpg

Sus, buti na lang nakarating kami bago nag fog dahil di makita ang daan. Naku, hang lamig at excited ang lahat sa na experienced namin ang zero visibility. Maya maya nag normal din nawala na si fog. Hayon nakakain na kami. Pag dating Pala namin hang dami ng tourists, daming cars at motor nakaparada.

inbound1535785342894558569.jpg

At pansin ko agad ang magagandang bulaklak sa paligid .Mas madami bulaklak Ngayon kaysa noong unang punta namin Dito.

Pangatlong punta na namin ni hubby dito kasi siya ang foundation consultant ng view deck dito noong 2019. Ang mga anak ko at apo first time pa nila dito kaya excited sila at namangha sa ganda ng bundok.

At lalong na excited sila ng sabi ni hubby Ang lahat sasakay sa Sky Bike. Kaya nag pares kaming lahat. Yong anak kong babae at asawa niya, yong anak Kong lalaki pares ang anak niyang lalaki, yong dalawa kong apo at last kami ni bunso ang pares.

Ng kami na ni bunso ito pictures namin. Ang bayad pala ng Isang round ay 160 pesos.

inbound6631559830289052468.jpg

inbound5916653828060476371.jpg

inbound8502472742332966274.jpg

inbound5660626207899214618.jpg

Buti na lang di sumakit ang mga tuhod ko!

Pagkatapos naming sumakay Ng Sky Bike pumunta na kami sa View deck di Kasama si hubby kasi di na siya maka akyat sa bundok. Sa sunod kong blog naman ang tungkol doon. Bago kami umalis nag picture kami lahat para may remembrance. Mga bandang alas kuatro umalis na kami dahil baka mag fog nanaman delikado sa daan.

inbound2754270066820927351.jpg

Pagbaba namin nadaanan namin ang tanim na sayote puno Ng bunga. Napa wow kami. Sarap nila tingnan.

inbound750095722920557401.jpg

Ang last naming dinaanan ang mga tindang gulay sa tabi lang ng daan, namili kami Ng talong, avocado cabbage at ampalaya.

inbound2649861990848280162.jpg

Hinatid muna namin sa Lapu-lapu City ang anak Kong babae bago kami umuwi sa amin. Plakda ang apo Kong si Rocky pagod sa biyahe. Hanggang dito na lang sanay naaliw ko kayo sa aming adventure.

Thanks for dropping by ..
@jurich60

Sort:  
 2 years ago 

Ang saya-saya nyong tingnan sis lalo na siguro Kung complete ang byong pamilya! Mahirap mabyo pag may kanya-kanya nang hanapbuhay

 2 years ago 

Oo Sis Yan pangarap naming lahat kung kailan kaya mag pang abot na buo yong walo naming anak Kasi malaking gastos sa pamasahe kung mag tipon tipon Kasi may mga partner na at mga anak syempre kasama lahat. Need Manalo sa Lotto

 2 years ago 

Am pretty sure that they will set aside an amount for that once you sit down together and plan for your future engagements. Kanya kanyang gastos ika nga.

 2 years ago 

nice vacation!! good job

 2 years ago 

Thank you. Thanks for dropping by...

 2 years ago 

Buti dka takot sa heights. Naduduwal ako kaya kahit sa parasailing o ferris wheel dmi ako mahihikayat. That was a great adventure indeed.

 2 years ago 

Thanks, di Naman intawon, Ang tuhod ko Ina lala ko ni behave man din.

 2 years ago 

How about this one Sir @long888...

 2 years ago 

wow! ang Happy happy naman ng adventures ninyo. Naeexcite tuloy ako parang gusto ko ng lumipad papunta dyan😁😀. Ako'y sobrang natutuwa dahil nagkita kita din kayo ng bunso nyong daughter and yonf apo ninyong hindi nyo pa nakikita since birth. Life is truly amazing. God made it all happen.

 2 years ago 

Ang saya ng pag punta nyu sa Mt. Manunggal Mom @jurich60 bonding with adventure 😍🥰 Ganda din Ng place, foggy 🌫️❄️🌬️
Hopefully soon ipagkaloob kaming lahat Maka visit dyan uli sainyu mi 🤗✨

 2 years ago 

Kahappy sainyu lakaw, auntie ui. Grabe ang family bonding.

 2 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

DetailsRemarks
#steemexclusiveYES✅
At least #club5050YES ✅
Plagiarism FreeYES✅
Bot FreeYES✅
At least 300 WordsYES✅
Verified Member/VisitorYES✅

Congratulations!

Luzon Moderator
@kneelyrac

 2 years ago 

Thank you...

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 62617.55
ETH 2438.99
USDT 1.00
SBD 2.67