Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and White Photography : Tatlong Decada

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

DSC06183.JPG

Mabilis akong naglalakad dito sa pinakalumang kalye ng bansa, dito sa Colon sa siyudad sa Sugbo. Bawat hakbang ko ay aking tiningnan, mata koy aking minulat at palingon lingon ako, dito sa lugar nato nabuo ang mga alaala ng ating pag iibigan. Ang mga poste at gusali ay naging saksi sa ating pagmamahalan. Sariwa pa sa aking isipan ang ating mga kwentuhan, mga halakhalakn, mga halik, ako'y napaisip, paano kaya kung tayo ay magkitang muli?

Tatlong decada na ang nakalipas mula ng huli tayong ngkita. Ako bay naalala mo, sinta ko? Minsan ba sa iyong pagtulog, naiisip mo ba ang ating nakaraan? Siguro ay meron kanang asawa at pamilya, may mga anak o siguro mga apo ka na. Habang ako ay nandito parin, umaasang sana ay minsan man lang mahagilap ko ang iyong mukha sa gitna ng napakaraming taong naglalakad dito sa kalyeng ito.

Mayroon akong mga nais na gagawin, may dapat bilhin, may dapat asikasuhin pero di ko maiwasang huminto at panandaliang dalhin ang aking imahinasyon sa panahong ang pag ibig natin ay buhay, masarap pero masakit na eto ay natapos sa isang di pagkakaunawaan lamang. Kapag naiisip ko eto ay ako'y naluluha na lang. Bakit naging ganun, irog ko? Bakit ako ay iniwan mo ng wala man lang paalam?

Naging alipin ako sa ating wagas na pagmamahalan, hindi ako kaylan man nagkaroon ng iba, ang aking puso ay sayu pa din, sinta.

"Lita, Loleta! Lita!"

Ako'y napamulat mula sa aking imahinasyon. Aking pinunasan ang luha na nasa gilid ng aking mga mata. Pag lingon ko, ako'y napanganga! Pamilyar ang mukha, ang mga mata, mga labi, matagal ko na ding hindi nakita ang pagmumukha mo. Tila ba huminto ang sandali, may edad ka na nga pero hindi ko makakalimutan kailan man ang iyong mga ngiti, aking Romeo.

"Kumusta ka na?"

Naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Batid ko ang panginginig ng aking mga daliri, habang aking hinawakan ang aking mukha, totoo ba eto?

Matapos ang maraming taon, nagkita ulit tayo. At kahit na meron akong mga dapat gawin, hindi ko palalampasin ang oras na eto, nais kong ipaalam sa iyo, aking sinta, na mahal pa din kita sa loob ng tatlong dekada.


Maraming salamat sa pagbasa nitong aking entry sa Steemit Philippines Photography Contest Week#4. Ang larawan ay nakunan ko nuong kami ng aking asawa ay nag Photowalk sa Colon Street, Cebu City. Gamit ko ay isang Sony A6000 at isang 55mm lens.

Iniimbitahan ko kayong sumali din @nikkabomb @gecellbeltran @g10a


xoxo,
junebride

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/406 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingVery Good
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme10
2. Creativity9.8
3. Technique9.8
4. Overall impact9.8
5. Quality of story10
Total Ratings/Score9.9
 3 years ago 

Photo perfection. Superb write-up. What more can I ask! Amazing!

 3 years ago 

grabeha mura man ug nagbasa ko ug nobela. kanindot.

 3 years ago 

Ngil ngig ang write ups abi nakog nag basa ko sa komiks.

 3 years ago 

Tinuod nga nindot gyud sis. Na tense ko ui,

 3 years ago 

ate nadugay jd kog pangita sa mga tagalog terms uy..english naas akong mind pero mas nice kun tagalog tungod kay need ug drama ang black and white

 3 years ago 

Hmmm maganda maganda! Kala ko nagbabasa ako ng nobela. Oo nobela nga nga dalawang magsing-irog na nagkatuluyan. Sana hanggang sa huling sandali...God bless!

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maganda ang pagkakagawa ng iyong inilahok na larawan na parang alon na dinuduyan ang mga kataga isinulat mo sa pamamagitan ng isang patulang katha ng imahinasyon na puno ng buhay na nakakaakit sa nagbabasa... Isa ka ring malikhaing nilalang na lumitaw sa kaibuturan ng mundo na likha ng Maykapal. Binabati kita sa iyong piyesa. Gusto kong mabasa muli ang mga susunod mong likha.

 3 years ago 

Grabe, intense jud kaayo ang story..
Pwd na pang drama..😁

 3 years ago 

Madala.man sad ta sa emosyon sis. Namugungbakonh tiel sa sunod nga pang hitabo. Na tense ko kadyot.

 3 years ago 

daghang salamat sa pagbasa maam.hahaha natense jd ka..

 3 years ago 

oo sis, feel nako ilang sitwasyun.. saynan ka anang 30 years ,

pero in ani gyud ko sis. maong di ko gapanan aw anang mga salida kay mag huot akong dughan. labi nag bitin o dili happy ending . pila ka days nako dala dalahon .

 3 years ago 

image.png

 3 years ago 

Sayang di nako ma open akong twitter.

 3 years ago 

sige ra maam..hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64615.49
ETH 3112.63
USDT 1.00
SBD 3.84