"Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 | Theme: Black and White Photography | BALAGHAN"

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw, salamat sa mga Steemian sa pagiging bahagi ng maringal na #SteemitPhilippinesComunity! Sa araw na ito ibabahagi ko sa inyo ang ginawa kong kuento gamit ang larawan na kuha ko sa aming hardin. Sana ay magustuhan niyo. Ito ay hango lamang sa aking malikot na kaisipan.


black and white rose.jpg


Salamat at natapos na ang pagtangis ng kalangitan at tumila na ang malakas na ulan. Nanaog si Ada sa silong at namasyal sa kanilang malawak na hardin ng mga bulaklak. Tulad ng mga halaman at mga bulaklak na sumasayaw sa saliw ng musika ng banayad na hampas ng hangin dahil sumilay na ang haring araw sumasayaw din si Ada at nagpa-ikot-ikot sa gitna ng hardin na parang princesa. Kay ganda ng panahon. Palinga-linga at pinagmamasdan ang bagong sibol ng mga bulaklak. Sa paglilibot niya sa kapaligiran di niya namalayang magtatanghali na at nanunuot na ang init ng araw na dumampi sa kanyang mamula-mulang pisngi. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad sa halamanan at pumitas ng isang tangkay ng mga rosas. Naipasya niyang umupo muna sa ilalim ng punong narra. Habang inaamoy niya ang mga bulaklak, ipinikit niya ang kanyang mapungay na mga mata at nahulog sa isang malalim na ulirat...

Sa paligid, nagkalat ang mga talulot ng rosas sa lupa. Naitanong niya sa kanyang sarili kung sino ang nagsaboy at nagkalat ng mga kaibig-ibig na bulaklak. Pinipitas niya ang mga talulot at inaamoy ang mga ito at para itong may lason ngunit napakasarap sa ilong na parang mahikang nagdala sa kanya sa isang magandang panaginip...

Naramdaman niyang may lalaking lumitaw. Dahan-dahan siya nitong binuhat at inilagay sa nakahimpil na dayaming nilatagan ng gintong tela, inaayos ng lalki ang kanyang damit at buhok habang nakahigang tulad ni "sleeping beauty". Nararamdaman niya na simpleng nakatingin ang lalaki sa kanya. Ang ritmong puso na iyon, ang mga matatag na paghinga, ay higit pa sa sapat upang magawang umibig ang lalaki sa kanya.

Lumapit ang lalaki sa kanya at hinalikan siya sa noo. Bumiling si Ada sa pagkakahiga at dahan-dahang binuksan ang kanyang mga mata. Nagulat at napaigtad si Ada ng makita ang napakakisig at guwapong lalaki, kaya ngumiti ito sa kanya...

"Sino ka?" Nagtatakang tanong ni Ada, "Nasaan ako?"
Tugon ng lalaki sa kanya, "Ikaw ay nasa aking palasyo."
Naguluhan si Ada, "Ano?"
"Hayaan mo akong tulungan kang makatayo, at ng tayo ay kumain" sabi ng lalaki sa kanya.
"Hindi ko alam kung sino ka ... Sino ka?" muli siyang nagtanong.
"Ang pangalan ko ay Rafael."
"Paano ako napunta dito? Wala akong ideya!" Bulong ni Ada.
Sinabi sa kanya ni Rafael, "Shhh ... huwag ka masyadong magsalita, mahal."

Inakay niya si Ada sa hapag kainan, kung saan naghihintay ang kanilang tanghalian. Nakaupo si Ada sa isang upuan na ginto na hinila niya. Naghanda si Rafael ng isang masarap na pagkain para sa kanila.

Tumayo si Rafael matapos kumain at hinawakan niya ang kamay ni Ada upang sila ay sumayaw habang tumutugtog ang isang magandang "love song". Mahigpit niyang hinawakan si Ada, at hinalikan ito sa noo. Nakaramdam ng kaunting pagkahilo si ada bunga ng alak. Inihatid ni Rafael si Ada sa isang upuan. Kinuha niya ang pulang rosas at inabot kay Ada. Inamoy ito ni Ada at siya'y nawalan ng ulirat...

"Ada! Ada! Ada!...Gising!Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap at mananaghalian na tayo" ani ng kanyang yaya...

Napansin ng kanyang yaya ang mga talulot ng rosas sa paligid. "Ada, bakit may mga talulot ng rosas dito. Sinayang mo ang mga rosas".

"Halika na nga at malamig na ang pagkain." Habang nilisan nila ang hardin, nilingon ni Ada ang punong-kahoy ng narra at napansin niyang may lalaking nakatayo at nakangiti sa kanya at kumakaway.

"Ada! Bilisan mo!" Tumakbo si Ada, at habang tumatakbo lumingon siyang muli at wala na duon ang lalaki.


Ang tunay na balaghan ay nagbubuklod ng kamalayan sa katotohanan sa isang bagong paraan, pag-aayos sa koneksyon upang maisulong ito.

Inviting @sarimanok, @olivia08, and @jurich60 to join this incredible contest.


Photo Taken Using ViVo Y51A
Los Banos, Laguna


#steemitphilippines #photography-contestph #steemph-blacknwhite #blacknwhite-photography #steemexclusive #steemitblog

Sort:  
 3 years ago 

Hello ate @joshuelmari 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong blacknwhite photography contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 4.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Napakagandang kwento po ate, gumagawa ng kwento sa bahay ay nagsisilbing libangan habang tayo ay nakakulong sa silid ng bahay dahil sa stay-at-home protocol, salamat sa pagbahagi ng orihinal mong kwento. Godbless you.

 3 years ago 

Salamat kapatid at nagustuhan mo ang aking ibinahaging kuento. God speed.

 3 years ago 

Ay totoo yan may kapitbahay kami noon sa Olongapo punta siya sa ilog dahil may puno doon but tingin niya ay palasyo, naging kaibigan niya yong lalaking engkanto, pinakain siya but di siya kumain talaga. Taka mr. niya ang mga kapitbahay namin saan siya galing lagi dahil nagkaputik ang mga paa niya, hang guapo daw ngblalaki.

 3 years ago 

Totoo ang engkanto dahil nagkaroon kami ng helper nung maliliit p kami. Niligawan ssiya at dinala sa palasyo nila. Sinusundo daw siya ng gintong sasakyan. Yung 7 Balite at talisay trees na sa school campus, yun daw ang mga malalaking palasyo ng mga engkanto. Ang bigat pala nf mga taong ang katawan ay naiwan sa kalupaan. Isang buwan siyang ginagamot kc nakakain ng kinting pagkain n inoffer sa kanya

 3 years ago 

Hmm isang magandang tagpo na sana ay tutuo. Salamat sa iyong pagbahagi ng kathang isip na ito.

 3 years ago 

May mga kwentong tulad nito na talagang totoo. Salamat sa pagdalaw?

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.5
Creativity.9
Technique.9
Overall impact.9
Story.9
Total score.8.9
 3 years ago 

Nice story.
Total rating: 9.2

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59715.05
ETH 3186.24
USDT 1.00
SBD 2.42