Filipino Poetry | Paalam Pagibig [Orihinal na Tula @joshuelmari]

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

image.png

PAALAM PAGIBIG


Sa katahimikan at madilim na gabi
Pabiling-biling at hindi makatulog
Nakakaramdam pa rin ng sakit at kirot
Nagdurugo ang puso ng magpaalam sa isa't-isa
Nanatili ang alala na multong pumupukol sa gunita

Ang maalab na pananabik na nakikita ko sa iyong mga mata
Nais ng aking kaluluwa na ariin ka ng buo
Ang kislap ng mahika na lumalakas habang tumatagal
Sa pag-ibig na bawal na sinubok na ng panahon
Hanggang sa bingit ng kamatayan, pangakong magpakailanman

Ang balantay ng katawan mo nagdulot talanga sa aking kalamnan
Nagpapaalala ng mga matatamis na sumpaan
Ang paraan ng pagkabig mo sa akin palapit sa iyo
Parang kuryenteng nararamdaman sa bawat himaymay
Gumising sa aking diwa mula sa mahimbing na pagtulog

Nalulunod na damdamin na ang dalanging huwag ng magwakas
Matinding pagnanasang parang latigo at pagyamak na tinitiis
Sa kumikinang na ilaw ng aking pag-iral, puso ko'y naghihintay
Sa likod ng mga kurtina na nanababalutan ng liwanag
Ngunit pumusyaw at tumigil ang nakasinding tanglawan

Katulad ng blangkong pahina, isang sariwang pagsisimula
May mga panahon na ang sakit sa loob ay labis-labis
Lumuluhang kaluluwa at katawa'y tumanggi ng mabuhay
Nagdurugong puso at nangangatal na katawan
Pagsisimula ng buhay na tulad ng impeyerno

Sa mundong punong-puno ng ilusyon
Lahat ng palingan ay makulay at puno ng pag-asa
Kapaligiran lahat ay mapanuksong alay
Matatamis na salita at pangungusap
Maghinay-hinay ng di matisod sa nakaabang na peligro

Sadyang ganyan ang pag-ibig
Kaakibat ang luha, pait at hinagpis
Ligaya, galak at tuwa ay katuwang din
Kasiyahan, kaligayahan at kalungkutan
Sa tamang lugar at damdamin ngunit maling nilalalang

Ang mga yakap at dantay ng katawan mo ay nakakabaliw
Ngunit ang lahat ay dapat ng itigil at magpaalam
Isang nararapat na pasya na dapat nating gawin
Hayaang ang bukas ang maglahad ng ating kahapon
Paalam pagibig, huwag nang lumingon pa


10% payout to @steemitphcurator


steemit banner.png


About The Author

A feisty artist and a writer at the same time who intertwines and develops her time between blogging, writing poetry and fiction stories, crocheting, gardening, baking, and caring for her physically and mentally challenged son in order to explore the unexpected ideas that pique her interest.

Sort:  
 3 years ago 

Kakasad ang poem di sila nagkatuloyan.

 3 years ago 

Sadyang ganyan ang kapalaran ng tao. May masaya at malungkot na wakas. salamat sa pagdalaw kapatid.

 3 years ago 

nice poem😁😁

 3 years ago 

Thanks a lot for the appreciation and for dropping by.

 3 years ago 

kabog ang poetry mu sis

 3 years ago 

Ito ang lugar na naangkop sa akin. Ang isa sa paborito ko ay ang sumulat ng mga tulang mula sa aking karanasan o karanasan ng iba o kathang-isip lamang. Salamat sa pagdalaw.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61409.80
ETH 3378.90
USDT 1.00
SBD 2.51