Haligi't Ilaw Ng Tahanan | Show me your talent by maam @olivia08

in Steemit Philippineslast month

20210617_185644_0000.png

Mundo'y napakadelikado
Laganap ang sakit,
pandemiya'y kinakaharap nito
Tila kay dilim
Ano ang aking gagawin?

Sa munting tahanan ako'y naupo
Pinagmasdan ang haligi't ilaw nito.
Aking nakita mga gawaing sakripisyo
Ginagawa nila'y upang maitaguyod ang pamilyang buo.

Inay,ikaw ang ilaw sa madilim na mundo.
At pagdating ng malakas na bagyo,
Itay,ikaw ang matatag na haligi
sa tahanang ito.

Aking ama,salamat po!
Aking ina,ganon din sainyo.
Nagagalak akong kasama ko kayo
Sa laban na ito, patuloy hanggang dulo.

_

Hello po ito po ang aking entry sa patimpalak ni maam @olivia08. Ang tula na ito ay isinulat ko noong nakaraang araw. Habang nagsasagot ako ng modules sa subject na pagbasa at pagsulat ay mayroong isang gawain na gumawa ng isnag tula para sa mga magulang at ito ang aking nagawa.

Mahilig akong magsulat at gumawa ng tula. Meron ding mga maikling kwento na aking ginawa noon,sinusubukan kong gumawa ngayon pero hindi pa kaya ng schedule ko sa kadahilanang madami pa akong modules na sasagutan kaya short poem muna ang aking ipapakita.

Ito ay isang tulang pasasalamat. Sila ang gumagabay saamin ngayon kahit na mahirap ang panahon. Kaya nararapat lang na sila ang paksa ng aking tula.
Hopefully makakagawa ako soon ng mga story at more poems.

_

Thank you again ma'am @olivia08 foe helding this contest. Marami pong Pilipino ang matutulungan nito.

Maraming salamat at Mabuhay ang Pilipinas!

Nagsulat,
@joreneagustin

Sort:  
 last month 

Patuloybsa suporta, kakayanin ko ito maagapan ko ang pagbigay ng premyo basta makita ko may sasali pa.

 last month 

Wow salamat po @olivia08. Hayaan niyo po patuloy ko pong suportahan ang contest niyo..basta po ndi ako bc sa pag sasagot ng modules 😁😊