Post off duty 👊

in Steemit Philippines4 years ago (edited)

Goodafternoon to all steemians friends
MABUHAY po at salamat sa araw araw ba blessings...

Im back again to share my short diary.

IMG_20220424_104049_316.webp

So kanina may pasyente kami na OB pumunta siya dito around 12pm in labour galing siyang lying-in clinic hindi namin alam ang pangalan ng clinic na kung saan siya galing at kasama niya ang kanyang asawa at anak. So ina assess na namin siya at nalaman ko na may lagnat pala at sabi ng pasyente na kanina lang daw nag simula ang kanyang lagnat at wala din siyang vaccine ng covid. Medyo natakot ako kasi nilagnat.

At yun pina swab na namin siya agad pinapunta namin yung medtech para ma swab na siya...
Pagkatapos nag IE or INTERNAL EXAMINATION na ako sa kanya 5cm na siya at pumutok na yung water bag niya hinihingal ang pasyente at sobrang taas ng lagnat at grabe din yung takot ko baka mag positive siya... Huhu

Sobrang exposed na ako sa kanya pero positive parin ako para maasekaso siya at mapadalai lahat ang gagawin sa kanya may kasama naman akong isang nurse siya naman nag asekaso ng papel para mapabilis at chineck ko ang FHT or fetal heart rate ng baby ayun nag tachycardia ang baby hindi na bumaba ang FHT kaya pina stat CS na agad ni doc.

Screenshot_2022-05-08-02-44-35-12_99c04817c0de5652397fc8b56c3b3817.jpg

Nag PPE na ako for safety haha kahit late na kasi naka standby ako sa kanya sa isolation. Nilipat na namin siya sa isolation hindi ko na nakuhanan ng picture kasi bawal magpadala ng phone baka pati phone ko mag positive din sa covid kung sakaling mag positive ang pasyente na namin Biro lang yun haha talagang bawal ang dala ng phone sa loob ng isolation.

At sa pag tutulungan naming tatlo ni maam Venus at maam vilma na akyat na namin ang pasyente sa OR or operating room for cesarean section. At andun na din sila doctora naka abang sa amin..

At sana negative ang results niya sa swab para walang abala sa amin na na exposed sa kanya at sa iba pang pasyenteng nakasalamuha niya.

Natatakot parin ako kasi may anak ako at pamilya. Hindi talaga maiwasan na hindi ka mag alala.

Lalo na ngayon natapos na ang election dito sa amin tumataas na naman ang covid positive at sana hindi na mangyari balik sa normal na ang lahat..

Anyway guys mag iingat parin tayo kasi hindi natin nakikita ang virus vitamins lang ang pwede nating manangga sa virus na yan kaya drink your vitamins everyday!...

At ang saya ko din ngayon kasi bago na ang presidente ng pilipinas yohoooo
Bong bong Marcos Jr. At Inday sarah DUTERTE. Naman ang aming vice president kaya do le yung saya ng aking pamilya haha. Share ko lang po sa inyo guys

Congratulations sa ating lahat...!!!

Ingat mga ka steemians God bless us all!...

Sort:  
 4 years ago 

hala nakakatakot naman maam.. nag negative ba sya? kumusta ang baby? huhu nakakaworry pag ganyan noh?

 4 years ago 

Okay naman po silang mag ina ma'am hehe negative po ang swab results. Nakakatakot lang po tlaga huhu

 4 years ago 

mabuti naman at negative

 4 years ago 

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

DetailsRemarks
#steemexclusiveYES✅
at least #club5050YES ✅
Plagiarism FreeYES✅
Bot-FreeYES✅
Verified Member/VisitorYES✅

Thank for creating a quality content in the Steemit Philippines Community.

-Admin-
@loloy2020

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.086
BTC 60141.40
ETH 1573.20
USDT 1.00
SBD 0.42