"My town In ten pics" #thediarygame june 24, 2022

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Good day to all my steemit Friends Philippines community... And hello world......
Sana po ay nasa mabuting kalagayan tayong lahat....

My hometown picture for today
In Zamboanga City...

FB_IMG_1651449910550.jpg

Una, ito yung Zamboanga international airport ng Zamboanga City.. Sobrang ganda niya na ngayon guys unlike before napakalinis at nakapa ganda tingnan sa loob medyo maliit nga lang e sympre province naman po siya...

Dalawang beses palang akp nakapasok dito nung una pumunta kami ng manila 2012 ata yun ... Napakainit sa loob at ang luma tingnan at nung pangalawa is 2021 yung pumunta kami ng manila na kasama ang anak ko for goods... Ay nagulat ako sa Sobrang ganda na sa loob hehe kita naman kahit sa labas mamangha ka...

IMG20210324191828.jpg

Hindi complete ang bakasyon mo kung hindi ka makapunta sa fort pilar shrine ng Zamboanga City...

Dito kami palagi ng aking asawa ng sisimba tuwing linggo or kahit anong day basta nasa galaan kami.. pumupunta kami dito para mag sindi ng kandela at mag pray..
I remember nung board exam ko dito ako halos araw araw after ng review...
At asawa ng Allah Naipasa ko yung board exam ng isang beses... ..

FB_IMG_1656047624772.jpg

Ang ganda diba nakakamangha... Bale ang kwento neto dati yang corona ni mama mary mababa lang daw yan abot lang ng mga bata tas kalaunan biglang tumaas....
Kaya napaka milgaroso ng lugar na to kahit Muslim pumapasok dito sa fort pilar dahil kay mama mary...

FB_IMG_1656047592880.jpg

At sympre kapag nagutom kami after or galing sa fort pilar. Dito agad kami pumupunta a Paseo del Mar.... nakakarelax din dito guys lalo na pag makita mo yung tubig.. maraming makakainan dito mga restaurant na affordable lang yung price...

FB_IMG_1656047570076.jpg

Pag may kids pwede na silang mag laro bagong gawa lang to nag open ata to nung 2021...
Dati wala pa ito nung si Celso pa nag mayor...
Kaya thank you kay mayor beng dahil dito mag eenjoy lalo yung mga kids at matatanda na feeling bagetss hehehe

Screenshot_2022-06-24-13-31-46-73_99c04817c0de5652397fc8b56c3b3817.jpg

Ito yung Sobrang na miss konsa Home town ko guys ang boulevard ng Zamboanga City...
Ay grabe... After ng duty ko lalo na pag 2-10pm dadaan ako dito tatambay muna saglit at kakain ng balot bago uuwi dami kong memories dito...
Nakakarelax dito lalo na pag hapon ma wiwitness mo ang pag lubog ng araw as in...

At sa pag uwi ko by July i will make sure na makakapag picture ako dito .... Kasama mga kaibigan ko ... Inshallah

IMG20201130173412.jpg

Ito naman yung pinakamahabang Tulay sa Zamboanga City ang Limpapa bridge.. haha yun lang po talaga sasadyaing mong pumunta dito pero guys grabe Sobrang sulit yung biyahe kung gusto mong makarating dito I think nasa 2 hours yung biyahe....

May dagat din dito may sapa kaya marami kang pwedeng pag pilian kung saan ko gustong maligo may mga cottage din mura lang yung renta ng cottage dito...
May mabibilhan ka din na pagkain at isda kung gusto nyong mag ihaw...

IMG20201130170700.jpg

Habang nag babiyahe pa kami maeenjoy muna ang ganda ng dagat ng bundok....
All the way to Limpapa bridge...

IMG20210320182548.jpg

Ito naman po yung abong abong pinaakyat ko dito ang asawa ko bago siya umuwi ng manila.. . umaakyat lang kami dito dati sa tuwing Good Friday... Ito yung pinakamalaking cross ng Zamboanga City at nasa tuktuk ng bundok ng Pasonanca...

Pag maakyat mo ito kita muna buong Zamboanga at ang city ng Zamboanga...

Symapre nakakagutom umaakyat jan kaya expect muna agad na kakain ka pag baba hehe...

IMG20210401184323.jpg

Pag baba mo galing sa taas ng abong abong.
Sympre may mapagpilian kang pagkain sa baba guys Sobrang dami niyan sari sari ang binibenta pera nalang yung kulang sayo haha..

IMG20201216204212.jpg

At ito yung dito ko ma feel sa manila tuwing December ang pa Christmas lightning ni Mayor Sa City Hall ng Zamboanga City...

Every year may ganyan sa amin ...
Kaya nakaka miss umuwi...

At sympre pag uwi ko doon lahat ng naipost ko dito sa Steemit babalikan ko....

Zamboanga City is my Home town!
Dito ako lumaki ang tapos ng pag aaral dumaan sa hirap at saya!!!
Ika nga nila there's no place like home!!...

Hanggang dito lang muna ang aking diary for today..

Thank you Steemians for always reading my diary....

God bless us all and Take care!!!!

Sort:  
 2 years ago 

i have been to zamboanga pero bata pa ako nun so wala akong memories..sana makavisit din jan soon.. salamat sa pagshare!

 2 years ago 

Yes maam visit ka din minsan Sobrang ganda na ngayon po 😇

 2 years ago 

Nakailang beses din akong nakapunta jan sa Zamboanga City. Super nice talaga diyan sa lugar niyo. Super rich ng culture. Nakakamangha rin pakinggan yung dialect niyo. Yung papa ko nagwork sa Zamboanga, marunong mag chavacano. Sarap pakinggan sa tenga. Hopefully makabalik ulit. Isa sa excited na excited kong puntahan yung sa barter. hehe not sure pero parang yun yung name. Yung may mga murang paninda na imported.

 2 years ago 

Yes po maam yung barter maganda din doon mura lang lahat mga malonh etc. Mas lalo na ngayon maam napakaganda at hindi naman po delikado.. i hope na makapasyal ka maam lalo na doon sa fort pilar at sympre yung mga seafood 😌🙂🙂🙂

 2 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

DetailsRemarks
#steemexclusiveYES✅
At least #club5050YES ✅
Plagiarism FreeYES✅
Bot FreeYES✅
At least 300 WordsYES✅
Verified Member/VisitorYES✅

Congratulations!

Luzon Moderator
@kneelyrac

 2 years ago 

Thank you so much po! 😇😇😌

 2 years ago 

Wow namiss ko zc dahil dito, my very first work assignment was veterans avenue ba yon sa mercury drug ako connected dati. And most of the places you shared here napuntahan ko na but mas gumanda pa lalo ngayon.

 2 years ago 

Yes po Veterans mercury drug. Hehe mas gumanda na po ngayona ng zc. Marami pa yan sir na pwd nyong puntahan mag eenjoy po kayo lalo.. 😌😇😇

 2 years ago 

di pa ako nakapunta ng Zamboanga pero may mga kaibigan ako dyan. Hopefully one of these days makavisit din. Maraming salamat sa pagtour mo sa amin sa lugar ninyo sis.

 2 years ago 

Try nyo po visit ma'am Sobrang ganda po lalo na sa boulevard at paseo del mar Sobrang nakaka relax watching the sunset 🥰🥰

 2 years ago 

Hindi pa ako naka punta sa Zamboanga kahit nasa Mindanao lang ako...pero isa ito sa lugar na gusto ko mapuntanhan...ang ganda po...

 2 years ago 

Dati pag narinig ko ang lugar na Zamboanga akala ko magulo ang lugar na ito. Mali pala ako, may munting paraiso pala naka tago dito.

 2 years ago 

Taga zambo. City di ka mam @jonna.ando? Nka anha biya ko dra dapit sa airport sa santa maria..nag repair me sa planta sa aspalto..☺️☺️

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64807.94
ETH 3507.27
USDT 1.00
SBD 2.37