Moving up ceremony june 22,2022

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang gabi sa lahat ng aking steemit Friends Philippines community..
And hello world.. sana po at nasa mabuting kalagayan tayong lahat ngayon....

Bago ang lahat ang mag papasalamat ako Kay Allah for everyday blessings!!!...

Kahapon po ay moving up ceremony ng aking anak na si John Maynard.

received_762820831734791.jpeg

Siya ay nasa grade two na at 8 years old na din birthday niya nung last june 12...

Gusto ko lang magpasalamat sa ating may kapal at natapos din ang taon niya sa grade 2.
Kahit pandemic at ay nakatapos parin tapos na din yung stress namin sa module...

Sabi niya sakin ayaw niya daw mag grade 3 kasi nahihirapan daw siya sa multiplication at substraction gusto niya lang na nasa grade 2 haha sabi ko ay hindi pwede kasi grade 3 kana kailangan mong matuto para makapag high school at college ka... Para maabut mo yung gusto mo na maging pulis....

Para maka help kana din kay mama at kay papa...
Sumunod naman siya at sabi niya turuan mo ako mama..
Sympre sabi ko oo naman andito lang palagi si mama sayo para magturo..

Ang hiling ko lang palagi kay Allah na bigyan ka niya ng malusog na katawan....
Mahal na mahal kita anak ko ikaw lang yung meron ako na hindi ko ipag papalit na kahit kanino ikaw lng yung nagpapalakas sakin araw araw.

Kahit minsan makulit ka at matigas ang ulo.stay madal dal anak at gwapo .. ..

Alam kong mararating mo lahat ng gusto mo....
Inshallah!!!!

received_441195910745511.jpeg

Ayan Class Picture nila ang cute sobra....
At thank you din sa Teacher nila na Sobrang bait at mainintindihin... Salamat sa pag turo ng aking anak lalo na sa mga lessons maraming siyang natutunan sayo lalo na ang pag basa pag sulat ng dikit dikit at Ngayon ang galing niya na sa reading comprehension almost perfect...!!!

See you around teacher Arriane alam kong magkikita pa kayo ni John Sa next school year...
Sayang nga at hindi siya naka punta sa kanilang get together dahil nilagnat si John Maynard..

Well anyway may next year pa naman doon nalang siya babawi....

Salamat sa tiyaga kay john at sa kanilang Lahat ...
Pasensya na din minsan kung late makapag pasa ng mga modules gawa ng sa work ko...

Sympre hindi ko naman to magagawang mag isa kung wala yung asawa ko na nag aasist palagi sa anak ko lalo na sa module at hatid sundo sa school.... Pag laba ng uniform niya pag bihis in short sa pag aasekaso...

Thank you so much my love for taking care of my son.....
I love you so much!!!

Wag ka sanang mapagod sa amin....

Hanggang dito nalang muna nag aking short diary...

Thank you also to my steemit Friends for always reading my diary....

God bless us always and take care!!!!

Sort:  
 2 years ago 

Congratulations po sa iyong anak...

 2 years ago 
Detail:Remark:
Verified user
club status#club5050
Plagiarism-free
#steemexclusive
Bot-free
Words count463

Thank you for creating quality content here at Steemit Philippines Community.

@fabio2614, Mod

 2 years ago 

Thank you so much po! 😇

 2 years ago 

Thank you sir 😇😇

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62676.37
ETH 2581.43
USDT 1.00
SBD 2.72