June 10, 2022 celebrating my Birthday in Hospital.

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Goodevening steemians friends ko...
Have a blessed night sa ating lahat...
And.....
Today is my birthday!

received_5126364747483525.jpeg

So ito guys mag celebrate ako ng aking 29th birthday sa hospital duty ako ng 6-2pm ngayon... Walang choice kasi bagohan pa ako kaya nahihiya pa akong mag request ng off...
Since nagkamalay ako sa mundong ito i never Experience na may handaan talaga at cake kaya it's avery normal day for me hehe and yung kambal ko balik islam din siya kaya hindi na talaga kami nag hahanda...

Since it was our monthly meeting sa hospital bumili ako ng puto cheese at kutsinta doon lang nila nalaman na birthday ko pala haha sila yung na surprised...
Bakit daw hindi ko sinabi sa kanila na birthday ko at makapag handa man lang daw kahit papano or simpleng handaan sabi ko sa kanila nahihiya po ako kasi sobrang tipid na tipid ako sa pera ngayon gawa ng ako lang ang may trabaho yung asawa ko kasi hindi pa nakasakay sa barkong inaapplayan niya.. isa pang wish ko na sana maka sampa na siya sa barko para may katulong na ako sa gastusin sa bahay....
Dahil Sobrang hirap ng Buhay ngayon mahirap din kasi na umaasa nalang lagi sa magulang nakikitira lang kasi kami sa magulang ng aking asawa...
Naintindihan naman nila yung sitwasyon namin... Sana nga talaga makapag barko na siya ulit para makatulong na din sa magulang niya.... !!!

IMG20220610121534.jpg

Ayan guys Sobrang sarap po ng puto cheese at lahat ng kasamahan ko Sobrang nasarapan sila they ask me kung saan daw ako bumili sabi ko nag order ako sa kapitbahay namin...
50 pieces for 300 hundred pesos sulit na yung bayad ko dito dahil Sobrang sarap...
At nagustuhan naman ng mga kasama ko yung dala kong puto puro pizza nalang kasi yung snacks pag may meeting kami nakakasawa na....!
Puro pizza burger at jolibee....
Oorder talaga ako ulit dito pag may okasyob sa bahay promise guys hindi siya nakakasawang kainin....

IMG20220610202013.jpg

At ito po yung niluto ng mother in law ko nagpabili ako ng pansit bihon, ice cream, fried chicken at cake sa halagang 25 pesos hehehe ang cute lang kasi kaya napabili ako kanina after ng duty ko sana ay nabusog ko kayo sa simpleng handaan....

Dahil nakakagutom dahil hindi ako nakakain simula umaga dahil sa trabaho napadami yung kain ko ngayon dahil Sobrang sarap ng luto ng aking mother in law sa pansit bihon na paborito naming lahat haha at manok na tag 120 pesos lang sympre po may coke yan mga friends hindi lang nakuhanan ng picture dahil busy na kami kakanguya ng food..

Oh diba mas maganda yung simple lang yung kayo kayo lang ng pamilya mo less gastos pa nakakatipid kana nabubusog mo pa sila ....

And today's post i wish for my self is good health for me and for my family, relatives and friends ko at sana maabot ko yung dreams ko para sa pamilya ko at para sa future ng aking anak...
Gabayan nawa ako ng ating mahal na panginoon ( Allah ) especially sa araw araw na pagpunta sa duty at pauwi.

Nagpapasalamat din ako sa mga taong palaging nan jan sakin when times na walang wala ako at sa mga kaibigan ko na hinding hindi nakakalimut sa akin at sa aking asawa na palaging pinapainit ang ulo ko haha....

At salamat din sa steemit community Philippines sa lahat ng members sa suporta at sa walang sawang pag babasa ng aking post..

Palagi tayong magpapasalamat sa poong maykapal maliit man o malaking bagay ang biyaya na araw araw nating natatanggap!!!

God blessed us always and Take care!!!.

Goodnight everyone!!!!

Sort:  
 2 years ago 

uy happy birthday mukhang masarap nga ung puto cheese ahh... ano ibig mo sabihin balik islam? may kambal ka pala!

 2 years ago 

Salamat po. Hehe masarap po talaga maam. Opo nasa suadi siya ngayon ☺️

 2 years ago 

ahh i see...

 2 years ago (edited)

Happy Birthday Sis! I hope you had a blast!! Sarap ng mga pagkain!!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 61048.59
ETH 2372.60
USDT 1.00
SBD 2.54