Celebrating 28th birthday of my sister July 18,2022 #Thediarygame #Club5050

in Steemit Philippines2 years ago

Great and amazing day to all my steemians friends Philippines community....

How was your day ???

Sana po ay nasa mabuting kalagayan tayong lahat ngayon....

Share ko lang yung mga kaganapan kahapon sa birthday ng aking kapatid...

IMG_20220719_110627_898.jpg

Hindi sana kami pupunta kahapon sa birthday niya kasi umulan at galing akong night shift duty...

Sinurprisa lang namin kahit antok na antok pa ako .. pag dating namin doon sa Angono basang basa kami at gutom wala pa palang siyang naluto Akala namin meron na at kakain nalang kami pag dating...

Mali pala yung nasa isip ko kung hindi pala kami pupunta wala pala siyang kakainin haha
Dumeretso kami ng aking asawa sa palengke para mamili...

Binilhan ko siya ng pansit at isang kilong manok at cake at ako pa nagluto ....

Sobrang laki ng ngiti niya at pasalamat....

600 php lang naman lahat yung nagasto ko balewala lang yun dahil nung nag aaral pa ako malaki din ang natulong niya sakin ...

Kaya thank you din sayo kapatid dahil sayo nabayaran ko yung review center ko at hindi na ako nag borrow ng pera...

Kahit minsan matigas ang ulo mo at pasaway ka mahal ka namin at sana makinig ka sa mga advice namin sayo kasi ang hirap ang hirap pag walang tatay yung anak mo kaya minsan nakakainis kasi matigas ang ulo...
Hindi nakikinig ang hirap lang din kasi pag may kapatid kang matigas ang ulo...

I wish sana hindi na ulit mangyari yung mga nangyari sayo kasi napakahirap... Lalo na't tayo tayo lang yung nag tutulungan..

At magpakatino kana para sa mga anak mo at para sa future nila at sa inyong mag nanay... andito lang kami na handang tumutulong sayo spirituality, mentally and financially..

Isang po siyang ofw guys umuwi lang dito para manganak at sa awa ng dyos nakaraos naman at ngayon waiting nalang ulit siya sa contract niya sana po ay mabait ang kanyan magiging amo.... At sana bigyan ka ng malakas ng pangangatawan ni God ...

IMG_20220719_110616_460.jpg

Kami kami lang po yung bisita niya at sa wakas nagkiya din kami ng auntie ki na halos 20 years din hindi nagkita...

Magkalapit lang yung Baranggay nila ng mama ko sa cainta rizal lang po at sa angono lang din nakatira ang mama at dalawa kong kapatid....
Dahil sa hirap ng buhay hindi na halos nagkikita dahil sa trabaho na din...

Thank you God dahil pinagtagpo mo ulit kami ng auntie ko na kapatid ng papa ko for almost 20 decades....
Si Auntie ko yung naka pula at ang kanyang asawa, si mama yung naka white ... Na Sobrang busy din sa kanyang trabaho na isang mananahi ...

Si Auntie naman ang trabaho niya ay nag babantay siya ng kanyang mga apo.. dahil ang anak niya ay isa ding Ofw sa Qatar mag isang taon palang ...

Sobrang saya lang ng araw nato kahit napakasimpleng handa lang ang saya saya na namin kahit umulan...

Thank you Allah for this day.. its been great and amazing....

Bigyan nyo po kami palagi ng lakas para sa pang araw araw ...

Salamat din sa mga ka steemit Friends nko na palaging naka suporta sa akin...

God Bless Us always and have a nice day everyone take care always!!!!

Sort:  
 2 years ago 

Evaluation Date: July 19-2022

StatusRemark
Club status#club100
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
 2 years ago 

Paano po yung delegator sir

 2 years ago 

mukhang nasurprise talga sya at malaki ang kanyang ngiti! Best things for her!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65269.28
ETH 3441.23
USDT 1.00
SBD 2.62