Baby boy and Baby girl out July 23,2022 #Thediarygame #Club5050

in Steemit Philippines2 years ago

Amazing MORNING to all my steemit Friends Philippines community...

sana po ay nasa mabuting kalagayan tayong lahat ngayon..

Ibabahagi ko lang ang mga nangyari kaninang 2-10pm shift namin

IMG20220718115232.jpg

Ito si baby boy Sanchez...
He was born around 9:56pm July23 ,2022
Dumating ang kanyang mother in labor tapos nung inassess na siya ng doctor kung ilang weeks na ang baby niya 34weeks and 3 days...
So dahil level 2 palang ang hospital kung saan ako nag wowork..pina sign siya ng waiver dahil sa kulang ang kagamitan at wala rin incubator.
Kaya nag ready kami ng mga gamit for intubation kasi 34 weeks lang si baby at medyo natagalan kaming ideliver si baby dahil hindi marunong ang nanay umere.
At sa wakas po nakalabas si baby ng malusog at malaking bata 3.3480 grams lumabas si baby nagulat kami kaya sabi namin sa nanay na baka mali lang yung bilang niya sa kanyang huling menstruation doon kasi bumabase sila doctora at sa unang ultrasound niya ni nanay..
We are all happy kasi hindi kami na toxic at well baby po ang kanyang pinanganak...laking pasalamat ng nanay niya sa amin dahil kami yung nahihirapan sa pag fufundal ...
Allhamdullilah for this day.

IMG20220718065137.jpg

Ito Naman si baby girl out namin minutes lang ang pagitan nila ni baby boy Sanchez...
Ito naman si baby girl tumitimbang din ng 3.890 grams hindi naman kami nahirapan mag fundal kasi pangatlong pag bubuntis na to ni mother kaya mabilis nalang siyang nailabas ng kanyang nanay.. nung pag admit palang ni mother hindi juya sinabi na mataas pala ang kanyang sugar saka niya nalang sinabi nung nakalabas na si baby.... At yun kailangan lang ni babay gilr na i monitor Ang kanyang blood sugar dahil mataas ang sugar ng kanyang nanay habang siya ay pinag bubuntis...

I thanks God for this duty smooth lang at sana po ay araw araw ganito.....
Hehe

Thank you din sa aking mga ka steemit for always supporting my blog and short story...

Allah bless us always!!!
Take care Everyone and Goodnight people...

Allhamdullilah!

Sort:  
 2 years ago 

Babies are heaven sent!

--

Evaluation Date : July 27, 2022

#steemexclusive
at least #club5050
Plagiarsm Free ✅
Bot-free ✅
at least 300 words ✅
Delegator ✅
Verified Member ✅

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65269.28
ETH 3441.23
USDT 1.00
SBD 2.62