The Diary Game Season 3: Week 21 | Nov.11, 2021 | Ang Aking Kalagitnaan ng Linggo
Halloo, Halloo Mga ka-Steemian!!!
Pinagpalang umaga sainyung lahat. Kamusta po kayo? Tumagal nanaman ang aking pagPopost dito sa napaka ganda nating community, STEEMIT PHILIPPINES.
Namissed kopo kayo!!! Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan at malusog na pangangatawan.
Panay loading lang ng data connection kaya hindi ako makapost,more on comments lang. Ang dami ng ganap ngunit ngayon lang uli ako makakapag share ng aking diary dito.
Ngayong araw ibabahagi kopo ang aking kalagitnaan ng linggo, miyerkules.
TOKNENENG Kayo dyan!
Nakita kong magtitinda uli dito samay harapan ang isa sa aking kapit-bahay, si Ate Pen. Pang-apat na nyang araw dito sa pag titinda ng mga street food, katulad nitong Tokneneng, fishball, kikiam, french fries at palamig.
Naisipan kong lapitan sya at tulungan sya magbalat ng mga pugo para mas mapadali ang kanyang pagluluto dahil yung mga anak nya mahirap utusan puro laro, hindi sya agad sinusunod.
Nag suggest ako sakanya na iTuhog na nya ang mga nalutong itlog o tokneneng ng tig aapat or lima. Para pag may bibili hindi na sya mahihirapan mag kwenta kung ilang piraso ang binili. Kasi pag naka tuhog na, matik is 20pesos na agad yung isang stick. Madali nalang mag kwenta. Dahil nung Martes nakita ko syang nalilito nung sunod-sunod na yung namimili sakanya. Sinunod at natuwa naman sya sa suggestion ko, hehehe. Talaga to si ate pen eh, pinapahirapan yung sarili hahahha.
Bumalik na ako uli sa loob ng bahay para ipatapos yung mga modules sa dalawa kong anak dahil malapit na ang retrieval ng mga ito. Sumapit ang alas-dos kami ay nag tanghalian na.
Pagdating ng alas singko ng hapon nag decide akong umalis at bibili ng Katinko Ointment sa bayan, naisipan kong maglakad papapunta doon. Sumama saakin ang tatlo kong anak dahil hindi padw sila nakakapunta sa bayan ng morong. Sabi ko sakanila maglalakad lang ako pero sasakay din naman pauwi. Okay lang daw sakanila mag lakad hahaha.
Sa aming paglalakad tuwang tuwa sila sa mga tanawin nadadaanan namin along the hi-way.
PALAYAN NG MORONG
Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, natuwa nanaman sila sa kanilang nakita. Maraming nag gagandahang Rose Fountain Grass sa tabing daan. Marami nito ngayon dito sa morong bataan lalo na papuntang SBMA, kaliwa't kanan mong makikita ang mga ito.
My Akiro boy at magandang Rose Fountain Grasses
Sa aming patuloy na paglalakad, namangha sila sa ganda at linis ng Tulay ng Morong..
MORONG BRIDGE
Padilim na nang kami ay makarating sa bayan ng morong, napagod na sila hahahha. Binilhan ko sila ng inumin sa isang sari-sari store malapit sa pinagbilhan naming botika at nagpahinga sandali.
Kinuhaan pala kami ng litrato ni Alexie, hehe.
Pagkatapos namin makabili ng Ointment. Bumili muna kami ng ulam para sa hapunan.
FRIED CHICKEN P10, P15 & P20 ang presyo
Madilim na ng kami ay nakasakay ng tricycle pauwi sa aming bahay..
Kahit napagod sila sa aming paglalakad, nag enjoy naman daw sila, sa uulitin daw LOL!
At hanggang dito napo ang aking diary sa Kalagitnaan ng linggo.
Salamat at masaya akong mabasa mo ito hanggang dito.
Nais kong anyayahan na sumali din @chy07 @aideleijoie @adajamaima
Nag iiwan ng magandang bulaklak para sayo ka-steemian
Smile,
@jewel89
![jewel.png](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmXtvMDutZfULc56qaDffAcHnG72wULtNwdzK5fDRGVD7R/jewel.png)
J E W E L 8 9
Mother | Crochetist | Travel | Music Lover | Photography
• • •
Beautiful Template credits to @junebride
Wow! Ganda naman ng tanawin pala dyan sa Morong. Hang ganda nga ng mga grasses tawag ko nyan ay gapas gapas dahil same sila ng cotton o bulak. Ang mga bata di talaga napapagod kasi gala para sa kanila yon.
Thanks momshie @jurich60
Ay oo gapas-gapas pla tawag dyan mi hehehe meron din nyan color pale yellow at white.
Maya nga mi sabik sila sa gala, next time ksma na si nariko mag joy ride naman hehe.
nakakatuwa ang nga kids super happy silang magikot sa inyong lugar mommy Jewel hindi nila alintana ang paglalakad basta enjoy silang makita ang nature all around. Ang ganda nf lugar ninyo dyan Wel. Puhon paabuton dadalaw kami dyan para makapag get together tayo.
Ang cute cute ni Akiro boy with the rose bushes, pogi pogi artistahin😍👍 Kasama nyo din si Nariko? like kayong lahat ang magkakasama. Yan ang mga happy memories na matatak na sa kanila paglaki nila. Yong magiging rooted sila sa mga simpleng bagay sa tingin ng iba pero yan ang most precious gems na hindi napapansin ng iba sa sobrang busy sa buhay like yang mga tanawing magaganda dyan. Mga bata sa city hindi nila yan nararanasan kaya takot na takot kapag makakita ng insekto katulad ng tipaklong na kadalasang nakikita sa country side or probinsa katulad ng sa inyo dyan.
ubod ng ganda tlaga ang mga likha ng Diyos. What a happy day indeed. Grateful for these gems na hindi nabibili ng pera.
Tama yan mommy Jewel let them experience those simple, humble and yet amazing and wondrous experiences. Count your blessings, this is one of them!
Maganda po dito ate mapuno & ang kagandahan malapit lang sa dagat, hope fully soon maipasyal ko five kids sa dagat. And soon din ate go po kayo dito kasi hnd na mahigpit po.
Yes po ate enjoy gyud si alexie, akiro at earth sa paglalakad kahapon. Pagdating namin sa bayan, mga nauhaw hahahha. May nakapag sabi saaken ate na mas maganda dw ang hi way ng morong kapag namulaklak uli mga fire tree. Para dw paradise 😊
Thanks po My dearest Ate @aideleijoie 😘😘😘
Hi Jewel, ang sarap naman ng paninda ng Ate Pen nyo dyan. Parang pang fiesta lang.Angganda rin ng lugar nyo. Sana makapunta na kami dyan
Hello My also dearest Ate @adajamaima 😃
Fiesta po b ate hihihi😁
Praying nga po ate maka get together po tayo dito soonest! Thanks po ate 😘😘😘
Hi ate @jewel89 😊
Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 21 ng Contest.
Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.
Ang sarap naman ng fried chicken ate. Pero ang itlog ng pugo po ba yan? Hindi ako kumakain. 😂😂
Hindi kapo pala kumakain ng pugo Kuya @jb123 ang sabi nla mas madami dw sustansya ang pugo kesa s usually na egg na nabibili naten. Thanks kuya sa pagdalaw po ☺️
Hindi ate, pati yung nilagang itlog ng manok. 😂 Walang anuman ate. 😊
Na miss ko yung panahon na sinasama kami ng mama din namin kung saan sya napunta noon..
ang ganda ng lugar ninyo Je. Probinsya na probinsya talaga..
at pasalamat si Ate Pen talaga sayo heheh
Mao jud ate @me2selah ganyan din ako noon kay mommy @jurich60 palaging sumasama kahit saan sya magpunta hihihi kahit maglakad din kami ng malayo hahhaha bsta sama lng 😁😆
...thanks po Ate met😘😘😘
Congratulations @jewel89,
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link
Show your support by delegating your steempower to our community.
Remember yan amg magandang alaala kasa amg buong family. Hindi lahat na bagay pera ang magpapasaya.
Yes po totoo po tlga yan Nay @olivia08
Priceless po. Thankyou Nay😘
ang ganda ng araw mo sis. miss ko na maglakad kasama ang mg aanak ko at mamasyal. pag linggo kasi nasa bahay lang kami .
Im glad natulungan mo ang kapitbahay mo sis. Im sure very grateful sya sayo