"The Diary Game Season 3, week #18 | September 09, 2021 | Ang Bakuran ng Aking Kasera"

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi po mga ka-steemian! Kamusta po ang inyong araw sa mag-hapon? Sana ay nasa maayos po kayong kalagayan at walang sakit.

ibabahagi kopo ang pangalawang diary ko sa gabing ito.
Ngayon ko lang po kasi ule na check ang bakuran ng aking Kasera o mas kilala sa tawag na Land Lady.

Simula nung dumating kami dito at nangupahan sa kanila, napansin ko agad napakaraming puno ng saging nakatanim. Eto po ang isa sa mga puno at ito ay naka pwesto samay harap ng kanilang lupa. At ito ay minodel ng aking dalagingding na anak, hehe.

inbound3638413252945520060.jpg

Nakatikim na ako minsan ng harvest nilang saging bago pumasok ang buwan nitong setyembre. Ang sarap po at manamis namis. Iba-iba ang klase ng saging na mga nakatajim dito sa kanila. Merong Saba, Lakatan at latundan.

Sumunod naman ang napansin ko sa bandang likod ng aming nirerentahan ay maraming tanim na okra at talong. Nakuhaan kopa last month ang isang tanim na okra habang ito ay maliit pa. At ngayon ay malalaki na sila at namulaklak nadin.

inbound4465838708321977544.jpg

Ito naman ang mga tanim na talong, madami din. Kaninang tanghali pinitas na ng asawa ng aking Kasera ang dalawang talong at ibinigay sa kaniyang anak namay sari-sari store dito lng sa tabi namen.

inbound3846428273084442550.jpg

At sumunod naman ay dito lang sa harap ng aking nirerentahan ay may iba pang mga halaman na nakatanim. Nitong lumipas na araw ay doon ko lang nalaman na may tanim din pala silang Kalamansi, Sili, Ampalaya at Saluyot. Nakakatuwa dahil nakaka pabuhay sila ng mga gulay. Meron din pong malunggay at ito ang madalas kong hina-harvest, pinapayagan naman nila akong pumitas hehe.

inbound6421067802776335662.jpg

At sa bandang likod naman po ng anak ng aking Kasera ay may tanim din na puno ng chico, langka at avocado. Namangha ako dahil pareho pala itong dwarf tree ang langka at avocado..ibig sabihin nito ay maliit lang sya na puno pero dalawang beses nadaw namunga yung avocado at talaga namang abot na abot lang daw nila ang mga bunga nito.

inbound9157392448637141774.jpg

Huli kopong nalaman na yung damo na medyo mataas na sa harap ng bakuran sa tabing daan ay isa pa lang tanglad. Katabi lang sya ng puno ng malunggay pero ang alam ko dati ay damo lang ang mga ito ahehe.

inbound1623093696195799240.jpg

Nakakatuwang pag masdan ang bakuran ng aking kasera. Masipag sila mag tanim at kaya naman ay talagang meron silang aanihin sa hinaharap.

Ang pinaka malaking tanim dito sa kanyang Bakuran ay ang puno ng duhat na sya naman ay naka pwesto mismo dto sa harap. Ang pagkaka alam ko ay nai-share ko na minsan sa dati kong diary game post nung kame ay dumating dito sa morong, bataan. Ngunit hindi ako 100% sigurado hehehe kaya narito po ang litrato

inbound7408323336482406195.jpg

Pag sa personal nyu po makikita itong duhat ay napakalaki po nito. Madalas may nahuhulog na kaunting bunga, kinakaen ng mga ibon. At araw araw kaming nag wawalis ng mga dahon nito na nahuhulog.

Hanggang dito napo ule ang aking diary sa araw na ito. Ikinagagalak kopo kung kayo ay natapos ninyong basahin ito at sana ay nasiyahan kayo sa bakuran ng aking kasera.
Hanggang sa susunod na araw mga ka-steemian!

Smile,
@jewel89

Nais kopo palang anyayahan si Ate ko @aideleijoie si Ate @diosarich at @chy07 na sumali dito.sa diary game 😘

inbound973221193632616210.webp

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Diary Game Contest Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

Grabe ang bakuran ng kasera mo mamsh napakalawak at napakaraming tanim na puro gulay pa. Healthy siguro ng kasera mo dahil marami siyang pananim na gulay hehe.
Sarap maging kapitbahay ang ganyan lalo na kung mapagbigay talaga sila.. libre pitas lang sana hehe.
Pangarap ko kasi yung ganyan na maraming tanim sa bakuran at kapag naubusan ng pang ulam madali na lang manguha..

 3 years ago 

Totoo momsh @chy07 nakakatuwa nga sila dahil ang sipag nila magtanim at mag alaga ng pananim. Ganyan din gusto ko pero hindi ko agad agad nagagawa 😅

 3 years ago 

Mataba pala ang lupa dyan. Try mo din magtanim ng sarili mong gulay kahit sa paso lang kay may aanihin ka din sa hinaharap.

 3 years ago 

Opo mi. Magtatanim din ako ng gynura po

 3 years ago 

wow! iba tlaga kapag may maluwag kang lugar marami kang pwedeng maitanim pero kailangan din tlaga sasamahan ng sipag dahil kapag may sipag ka meron kang aanihin. Ang ganda ng kalamansi malalaki ang bunga siguro marcoted yang kalamansi nila. Nakakatuwa ang saging ang haba ng bunga. Blessed ka wel at napunta kayo dyan ng mga bata. Maganda ang environment at mababait ang mga tao, matulungin.
Tama magtanim ka din dyan like kamatis para hindi kana bibili pati luya yong madali lang patubuin at madaling harvest with minimal care. Pati nga sibuyas pwede din kahit sa pasok.

 3 years ago 

Opo ate @aideleijoie magtatanim poko ng sariling gulay sa paso..lalo napo ang gynura ☺️

 3 years ago 

yes priority mo yang gynura para sa mga kids, dahil madalas sumakit tiyan nila adnd sa mga sugat sugat din

 3 years ago 

Grabe! Ang daming tanim. Hindi magugutuman talaga paganyan.Pupunta lang nang bakuran, may pwede ka nang makain.

Salamat po sa pagbahagi ng araw niyo. Ang iyong post po ay kwalipikado sa Diary Game Contest Week 18.

 3 years ago 

Maraming salamat po sis @kneelyrac
..nakakatuwa po tlaga ang bakuran na puno ng tanim na makakain 😊

 3 years ago 

Mabuhay at Congratulations dahil isa ang post na ito sa napiling recommendation post para sa @booming upvote sa araw na ito. Maghintay na lang po bukas o higit pa kung natanggap ang post mo.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Maraming Salamat po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat po ☺️💚

 3 years ago (edited)

Thank you so much @booming02 for voting my post. I am so grateful & happy!!! Thankyou @steemitphcurator 🥰 More Power to all of us here, God Bless! 💚

 3 years ago 

Malapit na mamunga ang iyong okra. Ang sluyot, ampalaya, malunggay at kahit dahon ng sili ay masrap ipang gulay at ipanghalo sa karne, isda at kahit simpleng gulay lang na sinabawan ay ayos na!

May mga prutas pang tanim. Kayo talaga ay swerte jan sa inyong inuupahan at kayo ay magiging self-sustainable pag dating ng panahon. Nawa'y patuloy kayong biyayaan. Ang ganda ng kuha ng iyong anak sa iyong cover-photo. pang modelo nga sa DiaryGame entries hehe. Hanggang sa muli at inaanyayahan ko din kayo na bumisita sa aking DiaryGame at ibahagi ang inyong komento sa nilalaman ng aking pagbahagi ng aking buhay. Salamat!

 3 years ago 

Maraming salamat po Momshie @fycee ☺️😘

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60445.30
ETH 2331.01
USDT 1.00
SBD 2.52