The Diary Game Season 3, Week #18 | September 07, 2021 | Ang Mababaet Kong Neighbors

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Mapagpalang gabi sainyung lahat mga ka-steemian, lalong lalo napo dito sa @steemitphilippines family. Nawa'y nasa mabuti po kayong kalagayan ngayong oras ng gabi.
Ako po ay nagagalak dahil nasa panibagong week nanaman po tayo sa masayang diary game na ito.

Ngayong gabi ibabahagi kopo ang mga thoughtful at generous kong mga kapit-bahay.

inbound3634626504652965245.jpg

Simula dumating kame dto sa Barangay Sabang, Morong Bataan. Agad akong nakatanggap ng masarap na ulam galing sa kaibigan ng aking sis-in-law, siguro pang warm welcome nya saamen hehe. Nung lumipat na kame mismo dito sa nirerentahan namin mag iina na small house ay wala talaga kaming kagamit-gamit (until now, haha!) Hindi na mawawala saaken ang magkape tuwing umaga, kaya naman naghanap talaga ako ng vendo machine dito kaso wala. At nang makakita ako ng water dispenser sa isang magandang cafe dito lang sa kanto namin. Agad akong nagtanung kung pwede ba akong bumili ng mainit na tubig pang kape, ngunit ako'y tinanggihan ni nanay na mag bayad. Libre nalang daw at ako naman ay talagang nahiya pero nagpasalamat talaga ako.

inbound3598268975895362320.jpg

Yan po ang kanilang small café, Victorias Diner ang pangalan. Mababet silang pamilya lalo na yung mismong owner. Nitong nakaraang araw lang after nya bumili saaken ng ukay-ukay blouse, pinapunta nya ang aking panganay na anak pra ibigay saamen ang kanyang Thermos na hindi na ginagamit. Nagpasalamat talaga ako sakanya.

Nitong nagdaang linggo naman Agosto 29, nag first birthday ang anak ng isa kong kalapit bahay. At talaga namang tinawag nila ako at pinapasok para bigyan ng handa nila.
Mini cupcakes, Pizza Bread at Kutsinta.

inbound6710536560518270617.jpg

inbound7497091623463147182.jpg

inbound9167674149664860675.jpg

Eto ding mismong katabi namen dto sa bahay, anak ng land lady ko na nagtayo ng sari-sari store e nakapa generous din. Bnigyan nya ng chocolate eggs mga kids ko.

inbound3180403071520099198.jpg

Bilang ganti sakanila hinihikayat ko sila dito sa community naten para makita din nila ang masayang pagshi share ng kani-kanilang makulay na buhay.

Ako po mga ka-steemian sobrang grateful po ako dahil kahit na I am still in the middle of financial problem, sa araw-araw na lumilipas ay nakakaraos kami mag-iina. At I am Blessed to have all those people around us pati sa family ko.
Kaya wala sa linya ko ang mag reklamo kundi ang magpasalamat na kahit hirap ay nakaka survive naman daily.

In time masusuklian ko din ang lahat ng mga tumutulong saaken and para sa five kids ko. Sa ngayon, kahit small compliment nakaka ganti ako sa kabutihan But for me its not enough.
In time..I will repay them too. Just Dont Stop Believing of what you can do more in the future.

Hanggang dito napo ule ang aking diary mga ka-steemian. Sana ay nasihayan kayo sa pagbabasa hanggang dito.

Nais kopong anyayahan sila Ate @aideleijoie @Chy07 @austhalia

Good evening and good night..
Smile,
@jewel89

inbound3024376785403121829.webp

Sort:  
 3 years ago 

Ang babait po ng mga kapitbahay niyo. Pagpalain sila lubos ng Panginoon. Sige lang po, walang problema na hindi masosolusyonan. Katulad niyo rin po ako, kami ng family namin. Since 2014 pa, and heto, 2021 na pero still alive and kicking parin naman. Hehe.

Maraming salamat po sa pagshare ng araw niyo. God bless po! :)

 3 years ago 

Tama po kayo Sis @kneelyrac Habang buhay may pagasa..lahat ng problema ay masu-solusyunan din sa tamang panahon. Salamat din po 🌻

 3 years ago 

Buti naman ang babait ng neighbors mo dyan. Hayan mo temporary lang yan giginhawa din kayo.

 3 years ago 

Opo mi thankful much tlga ako.

 3 years ago 

Sadyang may mga mababait at generous na mga tao Sis. At mabait ka rin naman kaya ang kabaitan mo ay bumabalik sayo.

Thanks for sharing.

 3 years ago 

Salamat po Ate @me2selah likewise to you po na laging handang tumulong po. Sending Lots of love

 3 years ago 

Wow naman mamsh.. napakaswerte mo at may mga kapitbahay ka na may mabubuting kalooban. Tska kapag mabuting tao ka talaga may balik din yun sayo. Katulad ng binigay mong tulong sakin db? Salamat at nashare mo sakin amg steemit dahil malaking bagay na magkaroon ng extra income lalo na sa panahon ngayon at lalo na palagi lang ako sa bahay. Be a blessing to others ika nga at yun ang ginawa mo sakin kaya salamat mamsh

 3 years ago 

Thankyou momsh @chy07 isa kadin sa good friend kaya magaganda din ang mga come back sayo po 😊

 3 years ago 

Basta tayo bait, bait din tao, sikap sikap lang at no need reklamo

 3 years ago 

Opo Nay @olivia08 isa din po kayo sa mababaet na tao Nay at inspiration po namen 😘

 3 years ago 

Thanks

 3 years ago 

There is a saying, when God closes a door somehow He opens a window. THere are things in this life that we really cannot understand. God has a big plan for you wel always remember that it may be hard to see it now but in time it will be given and revealed to you. Just keep the faith never doubt and never complain kasi you are not alone and you will never be alone. Alam mo yan na we are always here for you and the kids. Siguro not everything pa for now but in time all will be well. I always pray for your well-being wel and for the kids. Remember trials, hurdles, contrasts are there so we will be strong. It is in them that we know what we really want in life. They are important for our growth, imagine a life that is just so perfect would it be boring right? so try facing them head on. I applaud you for being so strong, courageous and brave specially for the kids and most of all for Nariko. It is hard now but I tell you great things are coming. Wonderful things are coming just be happy no matter what. Things have their way of solving. You are surrounded with generous and loving and kind angels. Remember there is always a rainbow after the storm. A life of ease and comfort is coming your way. Just count your blessings you have five around you and be grateful always for whatever you may receive.

I love the small cafe of your neighbor so cute. Soon, when all is clear we can visit you there.

Remember, I love you and God loves you! Always.

 3 years ago 

Thanks much po My dearest Ate @aideleijoie you're one of the best generous person at palaging andyan for my kids talaga 💛
..Pasyal po kayo dito ate nice ang mga view po dto & lapit lng sa dagat 🥰

 3 years ago 

ay gusto ko yan mommy jewel, beach! sige magsched kami para kasama din si Tata. Hopefully okay na soon yong byahe dyan para no problem like yong access ba.

 3 years ago 

Ang saya talagang magkaroon nang mababait na mga kapitbahay.

 3 years ago 

Opo Sir @loloy2020 km so grateful po. Same po dito sa community po naten maraming mambabait na mga steemian like you po ☺️ stay safe po!

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Diary Game new added Rule

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

Ang ganda ng post na to Wel. Napakaswerte mo at napapaligiran ka ng mababait na kapit bahay. Sana all ganyan mga kapit bahay.. hehe. Joke lang. Mababait rin aman mga kapitbahay ko, kapag tulog. HAha. Sana makapasyal na kami dyan soon.

 3 years ago 

Ay hala Thank you so much po My dearest Ate @adajamaima sa pag read nito hihihi kahit matagal na 😁😊 ahahaha mabait ba sila ate pag tulog😅
..yes yes po ate makakapasyal kayo dito soonest🥰

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63103.76
ETH 2556.80
USDT 1.00
SBD 2.82