Show Me Your Talent Week #6, My Entry!

in Steemit Philippines3 years ago

Hello po sainyung lahat, My Steem Family. Kamusta po Kayo?
Praying okay po ang isa't-isa sa inyu kahit na marami tayong pinagdadaanang problema sa ating pang araw-araw na buhay. Tuloy lang ang buhay hehe.

Bago kopo simulan ang aking Entry, gusto kopo munang magpasalamat kay Ma'am @olivia08 sa pag create ng contest na ito dahil mapapakita naten ang ating kanya-kanyang talento.

Ngayon po gusto kong ibahagi ang aking nakakarelax na talento. Wag nyu po ako tutulugan ha, hehe. Simple lang naman po ang aking talento mga ka-steemit, marunong po akong mag MASSAGE.

inbound2527659060687529038.jpg

Na diskubre kopo ang aking Talento way back 2008 nung ako'y nasa kalagitnaan ng pag-aaral sa ALS (Alternative Learning System, Dep-Ed Program) para tapusin ang aking high school dahil nahinto po ako ng 3rd year.
Nag apply ako sa isang maliit na spa sa olongapo city at doon ko first time matuto mag massage dahil train nila ako ng 2weeks tapos pwede nako mag service mismo sa totoong client. Nung una parang I felt awkward kasi lalake una kong client, whole body massage. Thank goodness dahil hindi bastos yung client and nakakatuwa kasi pwede pala kame bigyan ng tip, haha. Kaya lalo ako ginanahan ipagpatuloy yung trabaho araw-araw.

Lumipas ang ilang buwan, tumawag ang aking Tita Danabelle (Asawa ng kapatid ng aking mother dear) inaalok nya ako na mag apply sa pinagta trabahuan nya sa Subic Bay Yatch Club. Isa itong malaking private resort sa SBMA or Freeport Zone..
Napakaganda doon kasi maraming artista na pumupunta at nagpapa massage saamen. Katulad nila Christopher De Leon at Willie Revillame. Dito talaga ako nahasa matuto ng massage.

inbound3920738084753560745.jpg

inbound2714443878771656219.jpg

Yan po ang aking picture sa Subic Bay Yatch Spa, july 2010. Dalaga pa ako dyan haha. Dyan po namen minamassage mga client namen, very relaxing dahil merong instrumental music kayong maririnig and at the same time meron ding relaxing aroma. Yung sumunod naman po na photo is yan po ang hallway papunta sa mga room kung saan ang treatment area for massage.

inbound7306266858471081670.jpg

Dito ko din po nakilala ang dalawa kong matalik na kaibigan. Isa dito si Jhoanna. Our Dalaga Days photo. Isa nadin po syang full time mum ngayon.

inbound1329059348649836465.jpg

Yan naman po ang aming groupie photo kasama ang aking work mates together with Ms. Carmina Villaroel. Sya pa ang tumawag saamen na magpa picture ahehehe kasi nasiyahan sya sa aming service at naRelax talaga sila ng mga friends nya.

Balik po tayo sa aking Talento sa pagmamassage hehehe. Natuwa lang po ako iShare sainyu mga ka-steemit ang aking karanasan doon dahil after Two years ako po ay nag resign doon. Dahil pinag bubuntis ko napo that year 2010 ang aking panganay na anak. After I gave birth that year lumipas konti ang ilang buwan, I am back to work as massage therapist pero sa ibang resort na..then another..then another. Dame kopo napasukang Malalaking Spa hehe. At nung nasundan napo ang aking panganay na anak, nag decide akong mag home-service nalang. Ang madalas kong naseServisan noon ng massage is sila Ate ko, si Ate @aideleijoie. Naalala ko tatlo sila sunod-sunod kong minassage ang kanyang butihing byanan si Nanay Thess at Kuya jo, asawa ni ate. Pati mga friends ko at friends of friends.

Lumipas ang napakaraming taon, unti unting humihina ang aking pagma massage. Hindi na katulad ng dati ang aking energy, ikaw ba naman kasi mag anak ng sunod-sunod na lima, hahahaha.

Sa ngayon po mga ka-steemit, ang aking mga anak nalng ang madalas kong minamassage. At sila Mommy at Daddy.
Kagaya ng unang photo nyu pong nakita, madalas kong iMassage c mommy lalo na pag masakit ang kanyang ulo pati ang balakang at mga paa nya.

inbound5267532973913765831.jpg

Yan po ang 2nd picture nya after ko sya iFacial Massage.
Blooming si momshie hehe.

inbound2061002905594486784.jpg

inbound8727119649445635261.jpg

Minsan naman nagpapa Foot Scrub din sya saaken, gamit ang kanyang Beauty Recipe. Paltawasi.

Sa mga naging experience ko, Im Still Grateful dahil natuto akong mag massage dahil nagagamit kopa magpasa hanggang ngayon ang para saakin ay isang talento. Hindi man naging Truly Successful but I know marami akong naRelax na mga pagod na katawan, hehe.

Hanggang dito na lamang po ang aking Entry. Maraming salamat po sa pag babasa. More Power po dito sa Contest ni Ma'am @olivia08 😘
Maraming salamat din po sa napaka gandang community na ito, STEEMIT PHILIPPINES.

With relaxing love,
Jewel

inbound8825529496915795196.webp

P.S. ginagawan ko pa po ng paraan paano maDownload ang ginawa saaking napakagandang GIF Footer ni @baa.steemit

Sort:  
 3 years ago 

I misssss your hands my dearest sister. You are indeed gifted when it comes to massage therapy. I am happy that you still get to apply your gifted hands to our parents and to your cute kids, my pamangkins. I love the paltawasi treatment it truly makes you feel so fresh after. It does make you glow and makes your skin fair. I hope soon, we can visit so you can practice your gifted hands again, you know me your avid customer...... Full body massage please!
I will bring along some volcanic stones as well so we can do the hot stone massage. Mmmmmmmm. Is all I can say.
I bet mommy dearest also enjoyed and loved your massage therapy talent. Miss you my Jewelah.

 3 years ago 

Super Missed you too a lot Ate @aideleijoie
Thanks ate my #1 client ever 😘😘😘
Yes mommy @jurich60 enjoyed her facial massage from me 😊 but recently saglit ko lng sya ma-massage e.

 3 years ago 

haha, glad naenjoy ni mommy dearest. Meron na syang own personal massage therapist may taga facial pa. Para na din syang nag paSpa. Sosyal! haha.....

 3 years ago 

Thanks at last naka sulat ka din. Thanks sa relaxing feeling lagi after ng massage.

 3 years ago 

Thankyou so much momshie 😘😘😘 @jurich60 sa walang sawang pag encourage gyud dito saaken na mag sulat dito sa Steemit 😌

 3 years ago 

Nakakarelax talaga kapag minamasahe, na try ko po yan..

 3 years ago 

Mabuti naman kuya @jb123 dahil na experience mong magpa relax 😊

 3 years ago 

Pwede magpamassage? Jeheh

 3 years ago 

Pwedeng pwede po Ate @me2selah 😊
Pag visit nyu po dito next time 😉

 3 years ago 

Pwd pa massage ako? Pera yan dito sa Saudi pag marunong mag massage.

 3 years ago 

Pag uwe nyu po dito pinas Ma'am @olivia08 iService kita nga massage hehehe☺️

 3 years ago 

Moanha kog carcar

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57684.49
ETH 2343.76
USDT 1.00
SBD 2.36