The Diary Game| Season 3 | Ang aking Unang karanasan Sa larangan ng tanghal tula o "Spoken Poetry"
Magandang araw mga Ka Steemians! 🥰
Kamusta kayong lahat,sana'y nasa mabuti kayong kalagayan at pasensya na kung ngayun lang ulit ako nagkaroon ng panahon sa plataporma na ito sadyang napaka abala ko lang talaga alam niyo na buhay studyante,araw-araw may ipinaglalaban lalo na ngayon na malapit na ang....
Midterm Exam namin by next week we will have our Midterm exam for First sem kaya halos lahat na subject teacher namin hinahabol din ang aming mga gawain para may panahon pa kami sa aming review at ang aking ibabahagi sa inyo ngayon ay itomg isang karanasan na pinaka una pang nangyari sa buong buhay ko.
Hindi pala madali ang buhay estudyante noh heheh....maraming dapat tapusin,asikasohin burlog na halos utak ko haha...
Nga pala ang tinutukoy ko ay Ang "Spoken Poetry" namin.
Mailkli lang ngunit kailangang memorized na.
Sa unang pag kakataon sa aking buhay,ito pa ang pinaka sindak² na karanasan aking naranasan hehehe tumutula na ako ah 😆 😅
Kami'y pinagawa ng aming sariling tula at amin itong sasaulohin at itatanghal sa klase at kailangan may expresyon ng mukha,may emosyon,may mga galaw.
At eto ang aking nagawa na tula....
Ang pyesa ko ay pinamagatang
👉 "Maling Akala" 👈
Maling akala na may labing Isang letra
Ngunit marami na ang nabiktima
Malayo man sa bituka
Ngunit puso mo naman ang tira
Yung tipong akala mo okay na pero di pa pala
Yung tipong tama na pero mali pala
Yung akala mo na tanggap ka pero pinapaikot ka lang pala
Yung akala mo na siya na
Kasi nga lahat ng gusto mo nasa kanya na
Pero mali ka pala na pinili siya
Kasi nga akala mo siya na
Opps! Teka lang
Dahan dahan sa iyong nararamdaman
Puso'y iyong ingatan
Baka sa huli ikaw lang ang masaktan
Dito nagtatapos ang tula bow!!
To be honest talaga,kinabahan din kaya ako dahil sa aking kaba muntik muntik ng mawala sa aking puntirya.
Ito ang larawan ko na nagpapakita na di talaga ako 100% handa sa totoo lang pinagtiyagaan ko talaga,kinaya upang magbunga din ang aking pagtitiyaga ngunit iba talaga pag di mo pa kabisado bugso ng iyong puso'y kumakabog kabog kaya medyo nawala ako sa aking mga salita.....
Bago pa man ang lahat eh syempre nagbigay galang ako sa aking guro at mga kaklase,malakas naman ang boses ko,may konting galaw din,may konting emosyon,at saka expresyon ng mukha ngunit may kulang lang talaga yun ay ang Dapat Kabisado ko ang bawat linya ko .....
Para sa akin mas maganda siguro ang Spoken Poetry ko kung may background music 🎵 ako kaso lang di ko nagawang mag download kaya yun medyo nawala din ako... pero sa hulihan naman naging maayos din naman kahit na medyo may palpak atleast natapos na din at saka binigay ko din naman ang best ko and I know I deserve what I deserve at higit aa lahat taos puso akong nagpapasalamat sa Panginoon na siyang nagbigay ng kaalaman,karunungan,at lakas para makapag patuloy sa aking mga pangarap.
Walang pangarap na mahirap kapag ang Diyos ang tagapag sangkap tama dibah?😄
Kaya sa huli natutunan ko pa rin na kinakailangan ko ang Panginoon sa anumang aspeto ng buhay ko,sa pangangailangan man o hindi nararapat sa kanya ang papuri!
Hanggang dito nalang ang aking karanasan ..maraming salamat sa matiyagang pagbabasa!
God bless! 😇
Iniimbitahan ko si @manticao @jurich60 @olivia08 na sumali sa diary game din.
Goodluck sa exams nyo 😊
Salamat po 😆😄😍
Poet man diay ka Jess. :) may pinaghuhugotan ang mga linya ng tula mo. :D
Good luck on your exams!