"Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography:( Lumpiang Gulay)"

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw steemians. Sana nasa mabuting kalagayan ang lahat..Nagagalak po akong ilahad sa inyo ngayon ang aking entry para sa patimpalak na ito na may thema na Filipino food. Actually excited na po akong e share dahil nga sa hilig ko ang pagkain at magluto.

Ang aking entry po ngayon ay Lumpiang Gulay o Vegetable Lumpia.

IMG_20211004_185032~2.jpg

Mayroong iba ibang klase nang lumpia pero sikat sa Pilipinas ang lumpiang baboy at lumpiang gulay. Sa mga okasyon, present palagi ang lumpia sa birthday, fiesta at iba pa. Likas nating mga Pinoy ang pagiging "hospitable" lalo na pag may okasyon, naghahanda tayo para sa mga bisita, nagluluto nang masasarap na pagkain. Hindi lang sa mga okasyon pati na rin sa bahay kahit ordinaryong araw, lalong lalo na ang mga nanay kahit medyo gipit sa budget gumagawa nang paraan para sa mga anak.

Napili kung lutuin ang Lumpiang Gulay kasi bukod po sa paborito ito nang aking anak lalo na kapag may sawsawan ang lumpiang gulay po ay masustansiya dahil nga gulay ito. Karaniwan sa mga bata medyo ayaw nila sa gulay kaya ang mga nanay gumagawa nang paraan para naman makakain nang gulay ang mga anak kaya isa sa paraan ay ang gawing lumpia ang gulay. Masarap na, masustansiya pa.

IMG_20211004_162755.jpg
Simple lang naman po ang mga ingredients na inilagay ko may carrots 🥕 repolyo at sayote. May kunting bawang at sibuyas din. Abot kaya sa lahat.

1633418590843.jpg

Nilagyan ko rin nang kaunting baboy at konting pampalasa na "black pepper" para medyo maging ma anghang huwag lang masyadong marami para sa mga bata. Inilalagay ko ang black pepper kung medyo malapit nang maluto.
Madali lang itong lutuin yung pag wrap lang ang medyo matagal pero pag ma sasanay kana madali lang naman.

IMG_20211004_174628.jpg

IMG_20211004_180016~2.jpg

Naging negosyo ko na rin po itong lumpiang gulay ibinibinta ko nang 30 pesos kada sampong lumpiang gulay. Tumatanggap ako nang mga orders para sa iba't ibang okasyon. Kumikita naman po kahit kaunti. Pambili nang mga iba pang pangangailangan sa bahay nakakatulong kahit paano sa aking mister. Sa panahon ngayon lalo na sa pandemya na nararanasan natin ngayon kailangan din natin kumilos kahit nasa bahay lang may pinagkikitaan kahit kaunti. Sa ganitong paraan may ulam na may negosyo pa.

Sana po ay nagustuhan ninyo ang aking entry at salamat po sa pagbabasa. God bless us all.

Ang inyong lingkod
@jenniferocco

Iniimbitahan ko sina @jeanalyn, @chivas.arkanghil at @fuerzas na sumali sa contest na ito.

20% beneficiary to @steemitphcurator

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity9.2
3. Technique9.2
4. Overall impact9.2
5. Quality of story9
Total Ratings/Score9.22

Kaning Lumpia jud isa sa paborito nako labi na pag gulay...

 3 years ago 

Daghang Salamat...God bless you po ..

 3 years ago (edited)
Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.5
2. Creativity.9.3
3. Technique.9.3
4. Overall impact.9.4
5. Story quality.9.3
6. Total9.36

Im sure masarap yan.

 3 years ago 

Yes po masarap talaga hehe..salamat po

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68068.52
ETH 3873.47
USDT 1.00
SBD 3.64