"Steemit Philippines photography contest week #4- black and white photography: September 17, 2021( Ang Pagpapabakuna)

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG_20210917_150436~4.jpg

Mabuhay!!. Magandang araw po sa lahat. Ako po ay nagpapasalamat at nagagalak dahil ako ay nakasali sa patimpalak na ito. Unang beses ko pa po na sumali dito. Bagohan lang po ako sa komunidad na ito. Sana po ay inyong magustuhan at tangkilikin ang aking mga kwento.

Nais ko pong ibahagi sa inyo ang tungkol sa pagpapabakuna.

Natatandaan ko pa noong taong 2020 dito sa aming lugar nang magimbal ang lahat dahil sa kumakalat na nakamamatay na virus ang COVID-19. Dahilan na maraming kompanya ang naisara at maraming tao ang nawalan nang trabaho kasabay nito ang pagbagsak nang turismo sa Pilipinas.

Mahigit isang taon na ang lumipas, marami na rin ang namatay ngunit patuloy pa rin ang pag kalat nang virus na ito. Ang gobyerno ay patuloy na naghahanap nang paraan upang maiwasan ang pagkalat nito. Ipinatupad ang mga " safety health protocols" upang makaiwas sa sakit , at ngayon naging usap usapan sa pahayagan, radyo at telebisyon ang tungkol sa bakuna laban sa COVID-19. Marami ang naging hakahaka pa tungkol dito, may mga nag sasabing ito raw ay nakamamatay at may namamatay ngunit mayroon din namang naniniwala na ito ay depensa natin laban sa kumakalat na virus. Ang iba ay sinasabing ito na raw ang signs nang tinatawag na "Mark of the Beast" na nakasulat sa bibliya nang Revelation. Ngunit iba't iba man ang opinyon nang mga tao tanging ang Diyos lang ang may alam kung saan patutungo ang bawat isa sa atin.

Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa, kung kaya sinasabi nang karamihan na may karapatan ang bawat isa na tumangging magpabakuna sa kadahilanan nang tinatawag natin na " Human Rights" na kung saan dito nakasaad ang karapatan nang bawat mamamayan.

Naalala ko nang magpabakuna ang aking asawa dahil kailangan sa kanilang trabaho. Noong una tumanggi siya na magpabakuna dahil nga sa mataas ang kanyang blood pressure at mayroon siyang mini maintain na gamot sa high blood ngunit nang sinabi naman nang doktor na okay lang, at huwag mabahala nakapag desisyon na siya na magpabakuna, ang sabi nga nya sa akin na ipinapa sa Diyos nya ang lahat ano man ang mangyari at ano man ang maging reaksyon nang kanyang katawan dahil sa bakuna. Ngayon salamat sa Diyos natapos na nya ang second dose nang walang nangyari at patuloy sa kanyang paghahanapbuhay.

Sana ay patuloy tayong gabayan nang Buong Maykapal ano man ang ating gawing desisyon sa buhay manalig tayo sa kanya. Ipinagdarasal ko na maging maayos na ang lahat.
God bless us all.

Maraming Salamat po sa pagbabasa
Ang inyong lingkod @jenniferocco

Iniimbitahan ko sina @jeanalyn, @chivas.arkanghil, @natz04 na sumali sa contest na ito.

Sort:  
 3 years ago 

Vaccination is a must! Thanks for sharing this.
Total Rating: 9.1

 3 years ago 

Thank you

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.9
Technique.9
Overall impact.9
Story.9
Total score.9
 3 years ago 

Thank po

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63157.91
ETH 3096.77
USDT 1.00
SBD 3.91