Post your most Amazing Christmas Photo Contest|| ( 12-06-21) || Unforgettable Moment

in Steemit Philippines3 years ago

png_20211205_201802_0000.png
Have a blessed day everyone. Praying that all are doing well and Merry Christmas to all!!!

Nandito na naman po ako sharing my entry for this contest with a theme:"Post your Most Amazing Christmas Photo"

Nais ko po na ibahagi sa inyo ang storya behind this Christmas Photo. Ang hindi ko malilimutang storya sa picture na ito. This photo was taken last December 24, 2019, my birthday, at habang nag hinihintay sa pagsapit ng alas 12 ng hating Gabi.
December 24, 2019 bago mag pandemic dito sa aming lugar. Maaga pa lang abalang abala na kami sa mga gawain at pag luluto ng mga ihahanda sa Pasko at the same time birthday ko.

Ang aming simbahan ay may gawain na may thema: Exchanging God's Promise na kung saan kailangan kami magkaisa. We are assigned by family partner. Ang aming pamilya, ka partner namin ay ang pamilya Senerpida . Bawat pamilya na kasamahan namin sa simbahan ay may kanya kanyang assigned na family partner.
In our case, We decided na kami ang pupunta sa bahay ng aming partner na family dahil na atasan ang aking asawa na sya ang mag share ng word of God. Nagdala kami ng mga pagkain to share with, para sa salo-salo after the sharing.
Mga 6pm ng nagpunta kami sa bahay nila.
Hindi ko talaga malilimutan ang panahon na iyon dahil malakas ang ulan at bumabagyo, signal number 1 iyon sa aming lugar. Si bagyong Ursula ay Hindi nagpapapigil at that time, ngunit hindi rin mapipigilan ang gawain para sa Panginoon..
Basang basa kami ng makarating sa kanilang bahay... ngunit hindi alintala ang pakiramdam sinimulan namin ang gawain.

Una, syempre prayer and worship.. nagpapasalamat kami kahit bagyo patuloy pa rin ang proteksyon ng Diyos sa bawat isa.
Sunod nito ang Word of God na pinangunahan ng aking asawa. Sadyang napaka sarap pakinggan ang salita ng Diyos ang topic po na inilahad ng aking asawa ay tungkol sa relasyon ng bawat isa with the presence of God sa ating buhay. Sa gitna ng Word of God hindi namin namalayan na nangiyak ngiyak na ang isa sa aming kasama at ng matapos na Ang Word of God at ang prayer mayroon kaming sharing doon naibuhos ng aming kasamahan ang kanyang saluubin.. Yun pala, mayroon silang di pagkaintindihan ng kanyang mother in law that time.
With that very moment ay nagkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ang isa't isa at pagpapatawad. Truly that God is moving. He is making ways we cannot see. Naging napakasaya ng Paskong iyon. Hindi naging hadlang ang bagyo sa kanyang mga Plano. God you are amazing!.
png_20211206_152543_0000.png
Naka sama din namin ang isa pang kasamahan namin na kaibigan ng aking asawa na naging disciple nya na rin. Maging sya ay namangha rin dahil hindi namin inaasahan na ganoon pala ang mangyayari. Sinadya ng Diyos ang mga pangyayaring iyon dahil may rason kahit bumabagyo.

At pagkatapos po ay masaya kaming nag salo-salo sa pagkain.

png_20211206_160220_0000.png
Mga 10pm na ng Gabi ng makauwi kami sa aming bahay dala ang saya at kapayapaan.
Pagdating din namin sa bahay sinurprisa ako ng aking asawa ng Isang birthday cake..kahit basa basa tuloy parin ang celebration. At hinintay ang pagdating ng alas 12 ng hating Gabi sa pagsalubong ng kapaskuhan at sa mga magagandang fireworks kahit umuulan.

Hanggang dito nalang po ang aking kwento. Again Merry Christmas to all...
Salamat sa paglalaan ng panahon sa pagbasa ng aking kwento.
Your's truly,
@jenniferocco

20% set as beneficiary to @steemitphcurator

Iniimbitahan ko sina @maephine, @chibas.arkanghil at @janeaugusto na ibahagi ang kanilang kwento.

Sort:  
 3 years ago 

ang ganda ng Christmas story, tapos birthday mo pa...😊
thank you for sharing your story , God is good, at may nag ka reconcile pa talaga🥰

 3 years ago 

Yes po..God is amazing..Thank you so much for visiting my post. God bless

 3 years ago 

Ang saya talaga magcelebrate ng Pasko or kahit ano mang okasyon basta't kasama natin ang mga mahal natin sa buhay.
Salamat sa pagsali at pagbahagi ng storya niyo po.

 3 years ago 

Thank you so much ..God bless

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 66646.40
ETH 3314.59
USDT 1.00
SBD 2.69