"Steemit Philippines Photography Contest Week #6 - LIFE STORY - Share a Great Memory of a Deceased Loved One)" ala ala nang aking mga magulang

in Steemit Philippines3 years ago

0001-10963640347_20211028_095428_0000.png

Isang magandang araw po sa lahat andito na naman po ako upang ibahagi ang kwento nang dalawang tao na mahalaga sa akin na pumanaw na.

Medyo matagal na nang mamatay ang aking mga magulang. Ang aking ina namatay noong 8 taong gulang palang ako samantala ang aking ama ay namatay noong 22 taong gulang ako. Wala ako masyadong maalala sa aking ina sa kadahilanang bata palang ako noong mawala siya. Ang aking naalala lamang lageh niya akong sinasama kahit saan man siya magpunta at lage niya akong bininilhan nang mga damit at laruan. Sa munting ala ala na ito madadama ko kung gaano ako kamahal nang aking ina.

Isang magandang araw po sa lahat andito na naman po ako upang ibahagi ang kwento nang dalawang tao na mahalaga sa akin na pumanaw na.

Medyo matagal na nang mamatay ang aking mga magulang. Ang aking ina namatay noong 8 taong gulang palang ako samantala ang aking ama ay namatay noong 22 taong gulang ako. Wala ako masyadong maalala sa aking ina sa kadahilanang bata palang ako noong mawala siya. Ang aking naalala lamang lageh niya akong sinasama kahit saan man siya magpunta at lage niya akong bininilhan nang mga damit at laruan. Sa munting ala ala na ito madadama ko kung gaano ako kamahal nang aking ina.

0001-10972918797_20211028_125236_0000.png

20211029_220324.jpg

Nang mamatay ang aking ina ang aking ama na ang nagsilbing tatay at nanay ko. Marami akong ala ala kasama ang aking ama. Nagtratrabaho noon ang aking ama bilang sekretary sa aming barangay. Maraming taon ang nailaan niya na serbisyo sa aming barangay. Hanggang sa dumating na ang oras na dahil sa katandaan niya ay nagdesisyon na siya na magretiro na lamang. Sa kanyang pagretiro ay naisipan niyang magnegosyo. Nagluluto siya nang iba't klase na pagkain na pang merienda. Siya ang nagluluto at kami nang kapatid kong lalaki ang naglalako.

Dumating na ang araw na aming kinakatakotan. Madaling araw noon at naisipan niya na magbanyo at sa kasamaang palad ay nadulas siya at mula noon ay hindi na siya makalakad. Naging bedridden xa sa loob nang walong buwan. Hindi madali ang mag alaga sa kanya dahil sa paglipas nang mga buwan ay naging ulyanin na siya at para bang naging isip bata na siya. Madalas na mainit ang ulo niya may inuotos siya na kapag ginawa ko magagalit siya. Habang tumatagal ang kanyang pagiging bedridden ay unti unti ay hindi na siya makapagsalita. May isang beses nga na habang pinapakain ko siya ay bigla niyang pinunasan nang popo niya ang mukha ko. Mahirap peru kinakaya ko, kinakaya namin.

Sa kanyang huling gabi ako ang naatasang magbantay sa kanya buong magdamag. Pagpatak nang alas 3 nang madaling araw ay grabeh na ang alulong nang mga aso. Medyo kinabahan ako na may halong takot. Matatakotin po ako peru kinaya ko. Sa pagpatak nang alas 6 nang umaga ay bigla nalamang nagbuntong hininga nang malalim at yun na ang huling hinga niya😥. Napakasakit po na mawalan nang taong naging kasama mo sa hirap at ginhawa. Pinipilit kung mgpakatatag dahil Alam ko na kung nasaan man siya ngayon kasama na niya ang poong maykapal.

Hindi natin hawak ang buhay natin. Hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo dito sa mundo. Ika nga sa isang kanta " hiram sa diyos ang ating buhay, ". Kaya sa mga may magulang pa spend time with them. Always make time to have a quality time with them dahil hindi natin alam kung hanggang kailan makakasama natin ang ating mga mahal sa buhay. Dahil kapag wala na sila hindi na natin pwedeng ibalik ang oras.

Maraming salamat po sa pagbasa sa aking post
Ang iyong lingkod @jeanalyn

Iniimbitahan ko sina @jenniferocco, @janeaugusto at @natz04 sa pagsali sa patimpalak na ito.

Sort:  
 3 years ago (edited)

Maraming salamat po sa inyong contest entry.

 3 years ago 

Hello po, maraming salamat sa pagbahagi ng inyong estorya dito sa @steemitphilippines.

 3 years ago 

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.7
2. Creativity.9.7
3. Technique.9.7
4. Overall impact.9.7
5. Story quality.9.7
Total Rating9.7
 3 years ago 

Thank you

 3 years ago 

Yung nawitness mo pa yung huling hininga nya. Nakakalungkot. Grabeh yung napaka makalking tulong nya tapos naaksidente lang. Such a loss talaga.

Overall rating: 9.8

 3 years ago 

Yes po nawitness ko po ang huling hininga niya masakit po ang mawalan nang minamahal sa buhay😥

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63749.66
ETH 3419.02
USDT 1.00
SBD 2.48