"Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography : (adobong adidas)

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat nang mga filipino stemians sa buong mundo. Panibagong patimpalak na naman ang kapapanabikan nating salihan. Ikinagagalak ko pong ibahagi ang aking entry sa kumonidad

0001-9330481897_20211005_204542_0000.png

Chicken feet o mas kilala sa tawag na adidas. Isang masarap na pagkaing pilipino at ito ay isa rin sa mga patok na pagkain sa kalye or street foods". Marami ang paraan nang pagluluto nang adidas. Pwede itong adobo, barbecue, sabaw, crispy fry at iba pa. Dito sa amin ang patok na patok na luto sa kalye or street foods sa adidas ay barbecue. Sa katunayan ay may kapitbahay kaming nagbebenta nang barbecue at best seller niya ang paa nang manok. Masarap itong ipares sa suka at patis na pinigaan nang siling labuyo.

20211005_183138_mfnr.jpg

20211005_210021.jpg

20211005_205900.jpg

Adobong adidas ay isang masarap na pagkaing pilipino. Sa katunayan naubos naming kainin ang inihanda ko at sarap na sarap ang buo kung pamilya. bukod sa masarap ito mura lang din itong nabibili. Sa halagang 90 pesos lang makabibili kana nang isang kilo nang paa nang manok or adidas. Masarap itong ipares sa kanin. Sa halagang 90 pesos may pang ulam na ang buong mag anak.

Nang magsimula ang pandemya kinahiligan ko na ang pag imbento nang ibat ibang klase nang luto na abot kaya lang sa bulsa. Bilang isang maybahay kaylangan talaga marunong tayong pagkasyahin ang sahod nang ating mga asawa. Kaya ibat ibang paraan ang aking ginagawa para lang makatipid lalong lalo na sa pagkain na isa sa pangunahing pangangailangan natin. Isa ang adidas sa masasabi kong abot kaya lang sa bulsa. Kagaya ko na minsan kalahating kilo lang binibili ko, sa halagang 45 pesos my masarap na kaming ulam. 45 pesos para sa adidas plus sa iba pang sangkap nito na nagkakahalaga lang nang 20 pesos. 65 pesos solve na ang pang ulam namin.

Bukod sa inuulam ang adobong paa nang manok or adidas patok din itong pangpulutan. Dito sa amin mahilig talaga ang mga tao dito sa inuman at adobong adidas ang kalimitan na kanilang ginagawang pulutan. Bakit patok itong pulutan? Bukod kasi sa mura at masarap madali din itong lutuin. Matagal din itong maubos kasi nginangatngat pa ito😅.

Maraming salamat po sa pagbibigay mo nang oras na basahin ang aking entry

Iniimbitahan ko na sumali sina @jenniferocco, @chivas.arkanghil, @natz04 sa pagsali sa sa photography contest week 4.

Ang iyong lingkod
@jeanalyn

Sort:  
 3 years ago 

Nakakatakam naman po yung adobong paa

 3 years ago 

Opo masarap po yan lalo nat may sili😊

 3 years ago 
 3 years ago 
Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.5
2. Creativity.9.3
3. Technique.9.4
4. Overall impact.9.5
5. Story quality.9.5
6. Total.9.44

32827874-EEB1-41CD-B42B-6A025A8C5221.jpeg

Paborito ko din yan…😂

 3 years ago 

Wow ang sarap po niyan...😊

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity9.2
3. Technique9.2
4. Overall impact9.2
5. Quality of story9
Total Ratings/Score9.22

Nakakatakam grabe...Heheheheh

 3 years ago 

Hehehe masarap po iyan😊

 3 years ago 

Magkakasundo po tayo hehehehe eto lagi naming baon tuwing may outing kami.

 3 years ago 

Ang sarap po niyan maam😊

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 67685.77
ETH 3856.07
USDT 1.00
SBD 3.69