"Steemit philippines photography contest week #4 - Black and white photography: september 16,2021 ( Transportasyon sa panahon nang pandemya)

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po sa lahat nang stemians sa buong mundo. Ikinagagalak ko po na maging bahagi nang platform na ito. Ito po ang pangalawang entry ko para sa patimpalak na ito.

20210915_222437.jpg

Habang ako ay nasa mercado naisipan kung kunan nang larawan ang mga sasakyang ito. Naisip ko malaki na ang kaibahan sa nuon at ngayon. Alam natin na ang Transportasyon ay isa sa may mahalagang papel sa pang araw-araw na buhay nating mga pilipino. Jeep or multicab ang isa sa pangunahing transportasyon natin. Lalong lalo na sa mga katulad kung pilipino na walang kakayahan na makabili nang sariling pribadong sasakyan. Karamihan sa atin sumasakay nang jeep para makarating sa ating distinasyon. Malaki ang papel nang mga pampublikong sasakyan sa pang araw-araw na buhay natin lalong lalo na sa mga nagtratrabaho. Nang magsimula ang pandemya malaki din ang pagbabago sa transportasyon.

Ibalik natin sa panahon na nagsimula ang pandemya. Maliban sa ating mga commuters ang mga tsuper or jeepney drivers ay isa din sa labis na naapektuhan sa pandemya, lalo na nuong edeklarar nang lungsod ang ECQ or Enhanced Community Quarantine. Nang edeklarar na ang ECQ ipinagbawal na ang pampublikong transportasyon. Pahirapan ang pagsakay nuon, lalong lalo na sa mga nagtratrabaho. Meron mang itinilaga na libreng sakay ang gobyerno peru hindi sapat para makasakay ang lahat. Naalala ko nuon ang kapitbahay ko na naglakad nalang pauwi halos isang oras siyang naglakad makauwi lang. Wala siyang masakyan, kung may dadaan mn na libreng sakay ay puno naman ito.kaya napagdesisyonan nlng niyang lakarin nlng kaysa sa maghintay. Kung tayong mga commuters nahirapan sa pagpatigil sa pampublikong sasakyan ano nalang kaya ang mga tsuper. Mga tsuper na ang tanging binubuhay nila sa kanilang pamilya ay ang pamamasada. Bagamat marami ang ayuda na natanggap galing gobyerno hindi parin naging sapat upang matugunan ang mga pangangailangan.

Balik tayo sa ngayon, tulad nga nang nakikita natin bumalik na ang transportasyon peru malaki na pagkakaiba sa nuon at ngayon. Sa ngayon kailangan pagsumakay ka nang jeep ay dapat “one set apart”, para maiwasan ang magkahawaan. kung Dati nakakapagkarga nang labing anim na tao ang jeep ngayon kailangan walong tao lamang ang maximum na sakay sa isang jeep, para maipatupad ang social distancing. Dahil sa pagpapatupad na ito kaya nagmahal din ang pamasahe. Syempre naiintindihan ko naman ang pagtaas nang pamasahe dahil ano nalng kikitain nang mga tsuper kung hindi tataasan ang pamasahe. Pagod, pawis at init din ang puhunan nila kaya malaki ang pagsaludo ko sa lahat nang mga jeepney drivers.

Malaki ang pagbabago na nangyari nang magsimula ang pandemya ika nga ito na ang ating “new normal”. Kailangan na nating masanay dahil hindi natin alam kung hanggang kailan ang pandemya. Dasal at pananalig sa panginoon ang ating matinding sandata. Sa lahat nang kapwa ko pilipino alam kung kaya natin to.

Ang iyong lingkod @jeanalyn
Iniimbitahan ko sina @natz04, @chibas.arkanghil at @jenniferocco sa pagsali sa patimpalak na ito

Sort:  
 3 years ago 

Marami talagang mga naapektuhan ng pandemya. marami na ga jeeo dito sa cebu na d na nabiyahe.

hirap din sa mga commuters.

Thank you po for sharing.

 3 years ago 

Opo marami talaga ang naapektuhan.. nakakalungkot isipin

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8
Creativity.8.5
Technique.8
Overall impact.8
Story.8.5
Total.8.2
 3 years ago 

Thank you po

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.3
3. Technique8.3
4. Overall impact8.5
5. Quality of story8.8
Total Ratings/Score8.6
 3 years ago 

Thank you po

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Thank you po

 3 years ago 

Mahirap nga ang transpo now lalo kung walang Jeep. Sa BGC I've realized puro Taxi at Grab.
Total Rating: 9.3

 3 years ago 

Yes po mahirap po talaga
Thank you sa rating po

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45