"Steemit Philippines photography contest week #4 - black and white photography : september 13, 2021 ( Ang pandemya)

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw mga ka stemians. Ito ang unang beses ko na sumali sa patimpalak sa komunidad na ito. Sana po ay suportahan niyo po ako.

IMG_B_W_2021091357.jpg

Mask at faceshield ang nagsisilbing pangunahing proteksyon natin sa lumalaganap ngayon na nakakahawang sakit. Halos dalawang taon na nakalipas nang kumalat ang virus na covid. Hanggang ngayon hindi parin nahahanapan nang solusyon kung paano tuluyang sugpuin ang sakit na ito. Maraming Pilipino ang naapektuhan sa pagkalat na ito. Marami ang nawalan nang trabaho, marami ang nagutom at nawalan nang pangkabuhayan.

Alam natin na isa ang turismo na nagpapalago sa ating ekonomiya at bansa. Sabi nga nuon sa isang propaganda para sa turismo ay “ it’s more fun in the Philippines”. Totoong masayang pasyalan ang Pilipinas hindi lang dahil sa magagandang tanawin kundi dahil din sa mga pilipino na mainit na tinatanggap ang mga dayuhan. Sa paglaganap nang sakit na ito siya ding naging dahilan sa pagbagsak nang turismo. Naging dahilan kung bakit wala na masyadong mga turista.

Isa ang pamilya ko sa naapektuhan sa pandemya na ito, dahil ang asawa ko ay nagtratrabaho sa isang restaurant. Mula noong nagsimula ang pandemya naging matumal din ang mga turista dahilan kaya naging matumal din ang kita nang restaurant. Malaki ang pagbagsak nang kita nila kaya malaki rin ang pagbaba nang kanilang sahod. Hindi ko naman masisisi ang may ari kung bakit niya binabaan ang mga sahod. Hanggang sa dumating ang punto na kailangan nang ipasara ang restaurant. Halos isang taon walang trabaho ang asawa ko. Peru malaki ang aming pasasalamat sa kanyang amo, dahil kahit wala silang trabaho nagbibigay parin siya nang tulong buwan buwan sa amin para daw hindi magutom ang pamilya namin, hindi man kalakihan peru sapat na para hindi kami magutom.

Nitong taon lang na ito napagdesisyonan nang may ari na buksan muli ang restaurant. Kaya noong buwan nang pebrero binuksan ang restaurant. Wala mang kasigurohan na kikita nang maayos ang restaurant pinagpatuloy parin ang pagbukas dasal nalng ang naging sandalan namin na sana sa pabubukas na iyon kikita ng maayos ang restaurant. Sa kabutihang palad kumikita naman ang restaurant hindi man kalakihan peru sapat na upang mapasahod sila.

Dasal ko sa ating poong maykapal na sana matapos ang pandemya at maging maayos na ang lahat.

Salamat sa pagbabasa
Ang iyong lingkod @jeanalyn

Iniimbitahan ko sina @chivas.arkanghil, @natz04 at @autumnbliss sa pagsali sa patimpalak na ito.

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/372 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.5
3. Technique8.3
4. Overall impact8.5
5. Quality of story8.5
Total Ratings/Score8.6
 3 years ago 

Thank you po

 3 years ago 

New normal na talaga tayo..kailangan din natin ito para proteksyon..

 3 years ago 

Yes po sir ito na talaga ang new normal po natin

 3 years ago 

Tama ka diyan @jeanalyn. Kaya sa gusto man hindi dahan-dahan nating masanay sa bagong pagbabago. Kahit nga nagluluto di ko natatanggal ang mask ko. Hehee

 3 years ago 

Yes dae @chibas.arkanghil kailangan na nating masanay sa mga pagbabago. Noon nakakalimutan ko palage magsuot nang mask peru sa tinagal na ng panahon nakasanayan ko na ang mask.

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Thank you po

 3 years ago 

Nakakalungkot noh? Hay grabeh. I am also thinking the welfare of our other fellow Filipino citizens.

 3 years ago 

Nakakalungkot po talaga isipin😞 napakaraming pilipino ang labis na naapektuhan sa pangyayari ngayon.

 3 years ago 

@jeanalyn
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 96% 28.8

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 88% 26.4

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 90% 36

Total Score 9.12

 3 years ago 

Thank you po

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.10
Creativity.9
Technique.8.5
Overall impact.9
Story.9
Total.9.1

Sana matapos na ang pandemya na ito.

 3 years ago 

Opo sana po matapos na dahil marami ang talagang naapektuhan sa pandemya ngayon.
Maraming salamat po sa rating

 3 years ago 

Nagpapasalamat tayo sa mga face shields and face masks na eto dahil eto yong sandata din natin physically upang hindi tayo basta basta kapitan ng virus. ang bait po ng Boss ni hubby ninyo. Napakahirap din sa part nya na alam nyang mahirapan bumalik sa dating normal ang foot traffic nila sa restaurant pero still he opened his business for a good cause and that is to provide jobs to his staff. God bless his dear heart.
Praying na tuloy tuloy na ang business para hindi na magsasara pang muli.
God bless your family sis. Grateful din tayo at merong mga ganitong platform na kahit papano eh nakakabigay din ng income.

 3 years ago 

Yes po sis... malaki po ang pasasalamat namin sa kanyang amo.. malaki din ang pasasalamat ko sa kaibigan ko na nag invite sa akin sa platform na ito.
God bless po sa family mo sis

 3 years ago 

Yes, grateful tayo sa mga nagintroduce sa atin dito sa steemit dahil ang dami din naming natutunan and nakikilalang new virtual friends dito. God bless your family din sis. Thank you.

 3 years ago 

Thanks for inviting @jeanalyn.

 3 years ago 

Welcome... dako ako pasalamat ni @chivas.arkanghil sa pag invite nako ani nga platform...

 3 years ago 

Just enjoy, learn, explore, develop in this platform and sooner you will get something that you will not be expected. Keep engaging some post of others inorder to have your identity. Keep posting and posting quality, good content article. So goodluck @jeanalyn, it is an honor with my wife to invite you.

 3 years ago 

Thank you

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 95511.18
ETH 3313.19
USDT 1.00
SBD 3.30