Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Ang Pista
Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians at salahat mg mga myembro ng @steemitphilippines. Umabot na tayo sa isang-daan at masaya ako dahil patuloy tayong dumarami dito sa ating kumonidad.
Ang pangatlong larawang tungkol sa kultura na ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang pista ng mga lugar.
Throwback picture at Lugait, Misamis Oriental
Activity: Street Dancing
Tradisyon na nating mga pinoy ang magkakaroon ng pista bawat lugar. At ang iilan sa atin ay palaging magdiriwang ng pista sa kanila sa pamamagitan ng pagluluto ng ibat-ibang pagkain para sa mga bisita o sa mga inaanyayahang mga kaibigan, kamag-anak at iba pa.
Besperas pa lang ay abalang-abala na ang lahat sa pagkuha at paglabas ng mga gamit sa kusina at pagluluto na matagal nang nailigpit sa silid ng kabinet. Nagsisimula nang maglista ng mga dapat bilhin para sa pagluluto at naglilinis ng bahay.
Pero ano ba ang kahulugan ng pista?
Ito ay pagpapasalamat natin sa Poong Maykapal sa mga biyayag natanggap natin mula sa kanya. At bilang pasasalamat, ay naghahanda tayo ng mga pagkain para ibahagi rin natin sa iba ang lubos na biyaya na ibinigay sa atin.
Isa rin ito sa tinatawag nating pakikipagkapwa-tao dahil makikita dito ang pagmamahal at pagrespeto ng bawat isa. Gaya ng pag-imbita sa ibang tao na pumunta sa pista at bibigyan pa ng ulam kong uuwi na sa kani-kanilang bahay.
Hindi mawawala sa pista ang tinatawag na street dancing at ang mga bata ay maaliw dito dahil sa mga makukulay na mga kostyum at mga uri ng katutubong sayaw. May mga karakter din na naisasali dito gaya ng anghel at mga reyna sa naturang sayaw.
Syempre hindi mawawala ang mga ibat-ibang programa, mga ibat-ibang paninda at paligsahan sa barangay, sitio o munisipalidad man ito. May mga kantahan o amateurs at mga sayawan na kon tawagin ay bayle o disco sa makabagong panahon.
At syempre ang pista ay nakatoon sa presensya ng Panginoon dahil selebrasyon ito bilang pasasalamat natin sa kanya. Kahit gaano pa ka rami ang programa, patimpalak at pagkain ang importante ay hindi natin nakakalimutan na magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya na ibinigay niya sa atin.
*Bago tataposin ang post kong ito ay nais kong imbitahan sina ate @judyannegamis, nanay @olivia08, at kaibigang @milakz dito sa patimpalak.
Masaya tlga dumalo sa mga pista, maraming tao maraming palaro. At makikita din ang kultura ng bawat bayan na kinagisnan. God Bless po
Tama ka po ate @jewel89. Salamat sa pagdalaw. Godbless you. 😊
Masaya pag fiesta walang gutom dahil bawat bahay may handaan.
Depende nalang kong iimbitahin ate @jurich60 😁😁 , salamat sa pagdalaw, Godbless you.
Salamat po sa iyong post nabalik tanaw ko ulit ang nakaraan sa tuwing may fiesta.
Maraming salamat din sa pagdalaw sa aking post kaibigang @jufranketchup. 😊 Godbless you.
Salamat kuya. 😊
Mahilig din ako sumali sa mga ganito dati.
Salamat sir @juichi. Ako rin po sir. Kami pa nga ang gumagawa ng costumes. 😊😊
Hello po,
Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3.
Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.
Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.
@steemitphcurator
God Bless po!!!
Walang anuman @steemitphcurator. 😊 Ikinagagalak ko na maging membro dito sa steemit philippines at maging aktibo palagi.. 😊
Naku hindi ako nakikipagpista, pero ang isa sa naaalala kong pista sa aming lugar ung battle of the marching band