Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Ang Pananampalataya
Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians, umpisa na ng ber months at sana nasa mabuting kayong kalagyan ngayon sa tulong ng Panginoon. Masaya ako dahil patuloy tayong dumarami dito sa ating komunidad at sana magpapatuloy pa tayong dumami.
Eto ang pangalawa kong post dito sa ating patimpalak na pinamagatan kong, Pananampalataya.
Throwback Picture
Tayong mga pinoy ay may kanya-kanyang estelo sa pananampalataya. May kanya-kanyang relihiyon pero and lahat ng ito ay nakasentro sa pagmamahal sa Diyos. Likas nating mga pinoy ang madasalin, palaging pumupunta sa simbahan, mag worship at magbasa ng bibliya upang may liwanag ang landas na tatahakin o tinatahak natin.
Ang larawang ito na kuha ko ay throwback picture noong kaarawan ng aking kapatid. Makikita sa larawan ang pagdarasal sa harap ng hapagkainan simbolo ng pagmamahal namin sa Diyos at pagpapasalamat namin sa biyaya na aming natanggap.
Ang pagdarasal hindi lamang sa harap ng hapagkainan kundi pati na rin sa harap ng altar ay nakakatulong upang gumaan ang ating pakiramdam, mawawala ang kalungkutan at stress sa buhay. Mabibigyan tayo ng magandang ideya, at mga sulosyun para sa problemang ating kinakaharap.
Kinaugalian na talaga namin na magdasal muna bago kumain. Kahit walang okasyon o handaan magdasal parin kami. Ito ang itinuro ng aming papa na dapat sa lahat ng panahon, bago kumain, matulog, magtrabaho at umalis ay dapat manalangin muna para gagabayan ng Panginoon.
May kanya-kanya tayong mga Panalangin para sa Panginoon. Malulusog na pangangatawan, maging success sa buhay, mailayo sa kapahamakan, sakuna, at mga masasamang tao at maalis ang problemang matagal nang nakapikit sa buhay.
Kapag sama-sama at bou ang pamilyang nagdarasal ay mararamdaman talaga natin ang presensya ng Panginoon kapag tayo ay taos-pusong manalangin.
Ang Pananampalataya o Panalangin ay hindi lang sa sarili kundi pwede rin sa ibang tao. Tinatawag iton healing prayer. Ito ang Panalangin para sa iba, na sana mabigyan ng malakas na pangangatawan, gumaling na sa mga sakit at maliwanagan ang mga madilim na buhay o ang nawawalan ng landas.
Napakaganda kong ang boung pamilya ay sama-samang manalangin dahil makikita dito ang pagkakaisa ng pamilya sa harap ng Poong-Maykapal.
*Bago tataposin ang post ko ay nais kong imbitahan sina, ate @jurich60, ate @judyannegamis at si kaibigang @milakz dito sa patimpalak.
Thank you. 😊
Kailangan talaga natin ang manalangin upang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natangap natin at sa mga matatanggap pa. Kailangan nating ipakita ang pagpapakumbabasa ating poong maykapal sa pamamagitan ng pagdadasal.
Kami din dito sa bahay palagi kaming nagdadasal bago kumain pati na din sa aming mga trabaho nagdadasal kami bago kami magumpisang magtrabaho para maging ligtas kami palagi.
Tama ka po ate. 😊 Maraming salamat sa pagdalaw sa aking post.
Thank you..