Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Ang Barong-Tagalog

in Steemit Philippines3 years ago

Magadang umaga sa ating lahat mga kaibigan at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines. Ito ang ang ikaapat kong post dito sa ating patimpalak. Pero bago ang lahat, nais kong pasalamatan ang lahat ng sumali dito sa ating patimpalak at sa lahat ng aktibo dito sa ating kumonidad.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa tradisyon nating kasoutan lalo na kapag may espesyal na okasyon at ito ay ang Barong Tagalog.

IMG_20210903_034232.jpg

Throwback Picture
Garden wedding event

Ang Barong Tagalog ay isang pormal at kasoutan sa panahon pa ng mga kastila o sa panahon ng mga ninuno pa natin. Pero nagpasalin-salin na ito hanggang sa panahon ngayon. Kadalasan itong ginagamit sa pista, kasal, binyag, pagsisimba at maraming pang iba.

Ayon sa mga eksperto sa kasoutan, ang barong ay ginawa sa pamamagitan ng pinya o abaka. Hinahabi ito ng mabuti upang maging maganda ang pagkakagawa nito. Ang letratong kuha ko ay throwback sa isang kasalan dito lang sa amin. Kasal ito ng aking pinsan.

Balikan natin ang ilan sa kasaysayan tungkol sa barong. Nakapanayam ko ang aking lolo tungkol sa barong at ang sabi niya noong bata pa siya ay ginagalang talaga ang taong nagsusuout ng barong-tagalog. Aniya, ito kasi ang palatandaan na mayaman ang isang tao, may mataas na katungkulan na dapat talagang galangin.

Ayon pa sa aking lolo, mauso talaga ang pagsout ng ganitong klaseng kasoutan noong unang panahon lalo na kapag nagsisimba. Dito sa parteng ito alam ko talaga kong bakit, dahil sa panahon ng mga kastila ang mga taong ngsisimba ay pinapasout ng barong ang mga lalaki upang makita ng mga kastila kong wala bang mga dalang armas na nakalagay sa bewang ng mga nagsisipagsimba.

Ang barong kasi ay manipis at makita ang sa loob kaya nagsosout din ng sando bago o puting tshirt bago ang barong. Para sa mga babae naman, may ganito ding uri din sila ng kasoutan at ito ang tinatawag na kimuna. Ginagamit din ito sa mga mahahalagang okasyon gaya ng anibersaryo, kasal, binyag at iba pa.

Ang pagsosout din ng barong tagalog ay simbolo din ng pagrespeto sa ibang tao. Dahil sa makasaysayang estorya tungkol sa kasoutang ito ay idiniklara na ito ay gagawing pambansang kasoutan. Maraming mga pilipino at bayani ang nagsosout ng ganitong kasoutan, palagi pa nga itong sinusot kahit nasa bahay lang. Pero tayo ay sinusuot lang ito kapag may mahahalagang okasyon.

Bilang isang Pinoy, ikinagagalak kong ipakita sa inyo ang pambansang sout ko at ito ang barong -tagalog, mahalin natin ang mga bagay na iniwan ng mga ninuno sa atin.

Nais kong imbitahan sina ate @sarimanok, ate @me2selah at nanay @olivia08 para dito sa patimpalak.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

uy, kala ko wedding na nimo Del nakabarong man gud ka😄
Bagay na bagay sa iyo ang barong ha.
Murag motakbo tayong Congress ah.
pwede pwede, pero Mayor muna. ahahaha
Tama ka, eto yong ating pambansang kasuotan dito tayo nakikilala sa damit na eto. Simbolo ng ating lahi at kultura. Ginagawa na ding design eto internationally pang wedding nga mga foreigners specially if they arr married to Filipinas.

 3 years ago 

Soon tatakbo ako ate. 😂

 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme8
2. Creativity8
3. Technique8
4. Over all impact8
5. Quality of story8
Total score8
 3 years ago 

Thank you sir. 😊

 3 years ago 

Mura mn mayor Del. Hehe salamat sa pagbahagi at pag invite.

 3 years ago 

Walang anuman ate. 😊

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/420 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme8.5
2. Creativity8.2
3. Technique8.2
4. Overall impact8.5
5. Quality of story8.3
Total Ratings/Score8.34
 3 years ago 

Salamat kuya. 😊

 3 years ago 

Ka angayan mzging Mayor dah...

 3 years ago (edited)

Tama ka po ate. Joke 😂 😊

 3 years ago 

Salamat sa iyong imbitasyon at pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa ating barong Tagalog.

 3 years ago 

Walang anuman po ate. 😊

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3 with the Theme: Filipino Culture.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Lubos ko ikinagagalak sa pagsali ko dito. 😊😊 Walang anuman.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76361.02
ETH 2691.91
USDT 1.00
SBD 2.44