Steemit Philippines Photography Contest| Week #1| August 5, 2021| Bandera Mountain View

in Steemit Philippines3 years ago

IMG_20210806_044717.jpg

Isang mapagpalang araw sa ating lahat, lalo na sa mga membro dito sa @steemitphilippines. Masaya ako na patuloy na dumarami ang mga membro ng steemitphilippines sana magpatuloy pa ito. Ito ang pangatlo kong post para sa linggong ito.

Ito ang bandera, isa sa mga mataas na bukid dito sa Manticao, Misamis Oriental. Maraming mga tao ang pumupunta dito para maglakad-lakad lalo na kong sasapit ang alas 5 ng umaga.

Maganda kasing magsagawa ng pag-ehersisyo dito sa naturang lugar dahil payapa, malamig at higit sa lahat mataas ang lugar kaya pagpapawisan ka talaga.

Ang bandera ay nagsisilbing hangganan sa pagitan ng dalawang barangay dito sa Manticao. Ang barangay poblacion at ang barangay paniangan.
Sa Pagbisita ko dito ay magdadapit hapon na, ang pakay kasi namin dito ay ang paglubog ng araw. Maganda din kasing pagmasdan ang paglubog ng araw dito sa lugar.

Kasaysayan ng Lugar:

Ayon sa mga matatandang nakatira dito, tinatawag daw itong Bandera dahil palagi itong natatamaan ng sikat ng araw kapag ang araw ay sumikat hanggang sa paglubog nito. Noong unang panahon din daw ay may nakatirik na flag ng mga Amerikano dito. Makikita kasi ang dagat at ang lahat ng nasa ibaba, kasama na ang paaralan ng Manticao. May mga sumubok din dito na mag ekspedisyon nagbabasakaling makahanap ng kayaman na nakatago daw dito pero bigo silang lahat. May apat na bahagi ang bundok dito at ang bundok Bandera lamang ang medyo mataas kompara sa Tatlong bundok.

Behetasyon:

Ang Bundok na ito ay sagana sa mga damo at iba pang mga halaman. Kaya ang mga tao na nakatira dito ay pinapastol nila ang kanilang mga alagang hayop dito sa naturang lugar. Mayaman din ito sa bato, gaya ng silica stone na siyang pangunahing sangkap sa pagawa ng semento. May mga puno din ng mangga dito, mga saging, root crops at mga matitibay na mga kahoy.


Malakas din ang signal ng cellphone dito sa lugar kaya minsan dito rin ako nagboblog dahil hindi lang sa maganda ang lugar kundi malakas ang signal.

May mga bikers din na pumupunta dito. Ayon sa kanila, maganda daw ang lugar dahil sa mga mga mahihirap na daan na siyang paborito nilang daanan. Natutuwa naman kami dahil may mga taong palaging bumibisita sa aming lugar.

Hi its me @jb123

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Hello po!!!,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating pinaka bagong Photography Contest.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

Salamat @steemitphcurator 😊

 3 years ago 

Magandang gabi po @jb123. Ang yong lugar po ay sadyang pagpapatunay na talagang napakaganda at kahanga-hanga ang mga nilikha ng Diyos. Salamat po sa pagbahagi ng mga kasaysayan sa iyong lugar.

 3 years ago 

Walang anuman po @chibas.arkanghil 😊 salamat po at nagustuhan nyo po ang aming lugar. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 57983.59
ETH 3132.93
USDT 1.00
SBD 2.44