Steemit Philippines Photography Contest| Week #1| August 3, 2021| Mahayahay Mountain

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang umaga sa lahat, lalo na sa mga membro dito sa @steemitphilippines. Una sa lahat, masaya ako dahil patuloy pa rin tayong dumami dito sa ating community. At dahil sa panibagong contest na naman ito, ay proud akong ipapakita sa inyo ang magandang letrato na kuha ko noong nakaraang araw. At itong ang Mahayahay mountain, na makikita sa Lungsod ng Manticao, Misamis Oriental.
FB_IMG_16279509337708207.jpg

Ito ang isa sa mga matataas na bukid dito sa lugar namin, makikita ito sa isa sa mga barangay namin dito sa Manticao, ang Barangay Mahayahay, Manticao, Misamis Oriental. Lulan ng sinakyan naming motorsiklo ay mabilis kaming nakarating dito. Lalo na at mabilis magpatakbo ang drayber. Pagdating namin dito ay bumungad sa amin ang napakagandang lugar.

Mga kahoy na mga malalaki, mga ibon na nagliliparan, mga halamang-gubat at mga insekto. Makikita din sa kabilang lugar ang mga bukirin din na parang humahalik sa ulap. At dahil maganda ang panahon noong panahong iyon kaya nakadagdag ito ng ganda sa naturang lugar. Matitingkad na kulay bughaw na langit at mapuputing mga ulap.

Dito rin sa lugar na ito matatagpuan ang ibat-ibang uri ng kahoy, gaya ng tugas, narra, ipil-ipil, prakata at mahogany. Ilan sa mga ito ay puro matitibay na mga kahoy, na pwedeng gamitin para sa pagawa ng mga bahay.

May mga ilog at sapa din na makikita dito, na tinatawag naming Manticao River. Komokonekta ito sa Barangay Digkilaan pababa ng lugar. Malamig dito sa naturang lugar dahil napapalibutan ito ng mga nagtataasang mga punong-kahoy, kasali na dito ang presko na hangin na dumadampi sa balat.

Maraming mga taong pumupunta at dumarayo dito para mapagmasdan ang lugar. Maganda din dito ang paglubog ng araw o sunset dahil kitang-kita talaga mula dito. Masarap talagang mamasyal dito sa lugar lalo na kapag kasama ang pamilya, kaibigan o ang mahal sa buhay.

May mga taong nakatira dito na ginawa nang pasyalan ang kanilang lugar. Kaya mas nakadagdag ito sa ganda dito sa Barangay Mahayahay. Sa mga mahilig magpapicture, magandang magpakuha ng letrato dito. Sa mga gustong mag picnic at out of town or city, maganda din pasyalan dito. Dahil sa mga responsableng mga tao na nakatira dito kaya gumaganda ang kalikasan at ang mga lugar. Kaya proud ako na ipinakita sa inyo ang ganda ng aming lugar lalo na dito sa Barangay Mahayahay, lungsod ng Manticao, Misamis Oriental.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Breath-taking view indeed!

 3 years ago 

Opo memshie @fycee. 😊

 3 years ago 

Nakakahayahay naman ang mountain na yan Kuya @jb123
You have a Truly beautiful place 🤩

 3 years ago 

Thank you ate @jewel89 😊😊

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Photography Contest Entry. Ang iyong post po ay kabilang sa Top 5 posts picks of the day at recommended para sa @booming support program.

 3 years ago 

Maraming salamat @steemitphcurator at @booming support program. 😊

 3 years ago 

Ang ganda din naman ng lugar nyo Del, napatunayan kong maganda talaga ang ating lugar sa Mindanao.

 3 years ago 

Salamat ate. Ipagmamalaki natin ito 😊

 3 years ago 

Napakaganda, ang lamig siguro ng klima dyan.

 3 years ago 

Salamat po sir, opo, malamig talaga ang klima dito sa lugar.

 3 years ago 

Kay ganda ng lugar , sana isang araw, makita kitang nasa toktok ng mundo ng mga pangarap mo. Just listen and keep on going.

 3 years ago 

Salamat nanay @olivia08 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 58132.39
ETH 3138.08
USDT 1.00
SBD 2.44