Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 | Theme: Black and White Photography| Stay-at-Home
Magandang umaga sa ating lahat, lalo na sa mga magigiliw na mga myembro dito sa @steemitphilippines.
Ito ang panagalawang post ko tungkol sa ating patimpalak sa linggong ito, at pinamagatan ko itong Stay-At-Home.
Sinubok tayo ng Pandemya, maraming buhay ang nalagas at nawala. Maraming buhay ang nasira dahil sa Pandemya. Balikan ko ang mga panahon na wala pang Pandemya. Mga tao na pumupunta sa ibat-ibang lugar, namamasyal, nagsisimba at malayang nakakalabas ng bahay kahit anong oras.
Pero sa pagputok ng Pandemya, ang buhay ng mga tao ay biglang nag-iba naging kasalungat ito sa uri ng pamumuhay noong wala pang Pandemic. Ang mga tao na palaging lumalabas ng bahay, ngayon ay limitado nalang. Lalabas lang kapag kinakailangan at ang unang utos ng Pamahalaan ay stay-at-home.
Ganito ako ngayon, no'ng nagsimulang dumating ang bagong sakit na tinatawag na delta variant ay malimit na akong oumunta sa ibang lugar para mag blog. Gaya ng sinabi ko lalabas lang ako kapag may importanteng bagay na aasikasohin.
Pero hindi naman naging sayang ang stay-at-home method ko, dahil marami naman akong pwedeng gawin gaya ng pagtatanim ng mga halaman at gulay sa hardin, sumulat ng mga artikulo, gumuhit at gumawa ng mga gawaing bahay.
Kapag tapos na sa mga gawain ay uupo nalang ako at titingin sa labas at nagmamasid sa kulay berdeng kapaligiran. Maraming iniisip kong ano ang gagawin upang makapaglibang sa sarili.
Sa kakatingin ko sa labas parang nabikang ko na ang mga dahon sa puno namin. At kahit napakatahimik dito sa amin ay pinili kong kumuha ng mapagkakaabalahan, ito kasi ang isa sa mga panlaban sa ganitong sitwasyon at para makapaglibang sa sarili, hindi palaging nakamukmok lang sa sulok ng bahay.
Minsan, nagpapatugtug ako ng mga magagandang kanta para mas maging relax ang aking isip at para mawala ang napakatahimik na sitwasyon dito sa amin. Kahit stay-at-home ako, lalabas lang kapag may importanteng bagay na aasikasohin hindi naman sayang ang panahon ko dahil sa blog ko.
Kapag wala nang ginawa maliban sa uupo ay gumagawa ako ng blog para maipakita ko ang aking talento sa ibang tao at kumita kahit kaunti, ang mahalaga ay ginamit ko ang aking oras sa mahahalagang bagay.
Bilang kasapi at responsableng mamayan ay sinusunod ko talaga ang payo o abiso ng pamahalaan tungkol sa stay-at-home para rin naman ito sa ating proteksyon sa ating sarili at sa ating pamilya.
Bago ko taposin ang pangalawa kong post sa linggong ito, ay nais kong imbitahan sina kaibigang @sgbunos , ate @amayphin at kaibigan @sxshx para sa patimpalak na ito.
Stay at home nalng po muna tayo now Del. Ingat palagi.
Salamat ate 😊 kayo din po.
Wow ok yan, naransan ko yan last year tlga, kya nkapaghive ako, ngaun may work na ulit kaya, hecti schedule
Opo ate, worth it pa rin. 😊 Salamat sa pagdalaw sa aking post ate, godbless you.
Mabuti dami mong pagkaabalahan di ka naiinip sa loob ng bahay .
Yes ate, para lang din hindi masayang ang araw at oras. 😊😊 Salamat sa pagdalaw sa aking post ate.
Stay at home pero sige ka-lagaw! hahaha
@jb123
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 90% 27
Visual Impact
The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 93% 27.9
Photo Quality and Composition:
This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 95% 38
Total Score: 9.29
Oo atong una memshie 😁😁
Hinoktok pa more
Mao lagi nay , di naman basta-basta makalaag. 😁
Dong videoke ray tambal ana..😂
Mao lagi sir, starmaker lang dayun hehehe
Wala talaga tayong magawa ngayon kundi ang sumunod sa gobyerno dahil kung hindi pamilya naman natin ang magiging kawawa kung tayo ay magkasakit.
Tama ang iyong ginagawa, maraming mga bagay padin ang pwedeng gawin kahit nasa bahay lang. In fact this is now the right time to do the things na matagal ng pinagsasantabi dahil palaging busy kung may work man dati. Blessed ka Del dahil malaki ang inyong lugar kaya pwede kang makapagtanim at pwedeng mag-alaga ng mga hayop. PLus siguro eto na din yong time na magsepnd tayo ng more time sa ating mga mahal sa buhay kung dati hindi sabay sabay na kumain, ngayon palagi ng sabay sabay at nagtutulungan ang bawat isa.
Tama ka Del ilabas ang mga nakatagong angking galing na kutalad ng sayo ang pagpipinta, paglikha ng mga poems at articles para sa iyong pagboblog. Grateful sa mga talents na yan dahil nakakatulong para kumita kahit nasa bahay lamang.
Tama ka po ate 😊 salamat sa pagdalaw sa aking post, Godbless you.
Salamat kuya 😊
Hello po,
Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.
Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.
Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.
New Contest Alert:
God Bless po!!!
Walang anuman po. 😊