Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 | Theme: Black and White Photography| Pagkamatay Ng Aking Kamag-Anak Dahil sa Covid19

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines. Panibagong patimpalak na naman ang gagawin natin pero bago ko sisimulan ang aking unang salang dito sa contest, ay nais kong pasalamatan ang lahat sa walang sawang pagsuporta at partisipasyon sa ating komunidad.

Ang ibabahagi ko sa araw na ito ay tungkol sa pagkamatay ng aking kamag-anak dahil sa covid19 o Pandemic.

IMG20210913062008.jpg

Ang kandila ay simbolo ng liwanag pero nagsisimbolo din ito ng pagkamatay o pagkaulila sa kamag-anak o pamilya. Nagulat kami ng nabalitaan namin na namatay pala ang kamag-anak namin na naconfine sa iligan city. Lubos kaming nalungkot sa pangyayari at sa balita na aming natanggap.

Hindi kami makapunta dahil sa patuloy na umiiral ang Pandemya at limitasyon lang ang dami ng tao na dapat dadalo, at dapat nasa malapit lang na lugar hindi nagmula sa malayo.

Napakahirap Talaga ang sitwasyon ngayong panahon ng Pandemya, hindi ka malayang makapunta sa ibang lugar. Maraming mga sertipikasyon na dapat kunin para makapasok sa ibang lugar. Ito ang isa ring dahilan kong bakit hindi kami nakadalo sa libing ng aming kamag-anak.

Sa pagdating ng Pandemya, malaki ang epekto sa buhay ng tao, malaki ang kaibahan sa kabuhayan noon at ngayon. Marami ang namamatay, marami ang nagdudusa at hindi kana makakalabas ng bahay kapag walang facemasks at faceshield. Dagdag pa dito ang quarantine pass, kong saan hindi makakalabas ang isang indibidawal kapag hindi pa schedule.

Pero ang mas masakit talaga ay yong hindi makadalo sa huling araw ng kamag-anak o mahal sa buhay. Nakakalungkot ang sitwasyong ito, pero wala tayong magagawa dahil batas ito na ibinigay ng pamahalaan sa atin na dapat sundin para tayo ay malayo sa sakit at maprotektahan sa araw-araw.

Dahil sa pangyayari na dumanas sa aming pamilya ngayon, Panalangin nalang aming maibigay para sa aming kamag-anak na namayapa na. Kahit pilitin namin ay hindi talaga pwede at wala kaming magagawa. Ang pagmamahal at ala-ala ng aming mahal na kamag-anak ay hindi mawawala sa aming puso kahit wala na siya dito sa mundong ibabaw.

Bago ko tataposin ang una kong post sa contest na ito ay nais kong imbitahan sina nanay @olivia08, ate @me2selah at ate @jushuamarie para sa patimpalak na ito.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/369 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.5
3. Technique8.3
4. Overall impact8.8
5. Quality of story9
Total Ratings/Score8.7
 3 years ago 

Salamat kuya 😊😊

 3 years ago 

Condolence Del.

 3 years ago 

Salamat ate 😌

 3 years ago 

Condolence sa buong pamilya.

 3 years ago 

Salamat nay. 😌

 3 years ago 

Condolence po...

 3 years ago 

Thank you kaibigang @gilfren79 😌

 3 years ago 

Daghan na jud mga namatay tungod sa covid..mao mag amping jud...

 3 years ago 

Mao gyud ya. Doble gyud ang pag amping. Salamat sa pagbisita sa ako post ya, Godbless 😊

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Walang anuman po. 😊

 3 years ago 

Nakikiramay ako sayo at sa buo mong pamilya @jb123. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

 3 years ago 

Salamat po kaibigan. 😌

 3 years ago 

Condolences po

 3 years ago 

Salamat kaibigang @vinsaint..

 3 years ago 

My condolences po

 3 years ago 

Thank you kaibigan @sgbonus 😌

 3 years ago 

Condolences del. Sakit gyud nga di ta ka kita sa atong paryente sa ilang mga last moments dires kalibutan ba, hinaot nga ma comfort raka

 3 years ago 

Mao gyud ate. 😌

 3 years ago 

Nakikiramay ako sa pamilya mo @jb123. Ganon na nga di tayo basta basta maka alis at dumalo sa mga pag tipon tipon. Ipagkaloob at ako ay kasali sa milyon milyong nag darasal na matapos na ang pandemya.

 3 years ago 

Salamat ate 😌

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 62513.70
ETH 2949.39
USDT 1.00
SBD 3.60