Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 | Theme: Black and White Photography| "Modules"

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians. Kumusta na ang araw ninyo? Sana ay nasa maayos ang lahat. Bago ang lahat, nais ko kayong pasalamatan sa walang sawang pagsuporta at partisipasyon dito sa ating contest.

Ang Ikatlong post ko sa contest na ito ay tungkol sa bagong paraan ng pag-aaral at ito ang "Modules".

IMG20210915052737.jpg

Sa Pagputok ng Pandemya ay marami talagang mga pangyayari sa buhay ng tao ang nag-iba. Mula sa pamumuhay (trabaho at pag-aaral). Mas naapektohan nito ang mga mag-aaral gaya ng aking kapatid na maraming modules na dapat sagutin. Dagdag pa dito ang maikling panahon na ibinibigay kaya kailangan talagang taposin at dapat magsunog ng kilay para matapos lahat. Lubos akong naawa sa aking kapatid.

Kaya ang ideya ko, para hindi siya mahirapan ay tinulungan ko sa sa iba niyang mga modules yung mahirap para sa kanya. Hindi naman ibig sabihin na ako na lahat ang nagsagot sa mga modules niya, yung mga medyo mahihirap lang na mga tanong upang madali siyang matapos. Ilang gabi na kasing walang maayos na tulog at pagpupuyat ang ginawa ng aking kapatid.

Ang Modules o modular kasi ay isang paraan ng pag-aaral na hindi face-to-face. Kailangan lang pumunta sa paaralan at kumuha ng mga modules na naglalaman ng mga tanong hinggil sa mga paksa na ibibigay ng mga guro at sasagotan lang sa bahay.

Hindi rin madali ang module, may mga aktibidades at mga link na kailangang tingnan upang masagotan ang mga tanong. May mga akitibades din na nangangailangan ng mga materyales upang magawa ang hinihingi.

Dagdag pa dito ang mga hindi natapos na modules at kailangan nang kumuha ng panibago, madagdagan ulit ang modules na sasagotin. Ayon sa aking pakiwari, may 15 na modules lahat, kapag 7 lang ang maipasa at naiwan ang 8 na modules, ay madagdagan na naman ng panibagong 15 kaya magiging 23 lahat. Unti-unti dumami ang sasagotin, kaya maganda talaga na tataposin lahat para panibagong modules na naman.

Mahirap talaga ang ganitong sutwasyon sa buhay, pero wala tayong magagawa at susunod nalang sa payo ng Gobyerno. Ito ay para din sa ating kaligtasan ng bawat isa laban sa Pandemya. Masaya din ako sa mga magulang na sumusuporta at hindi pinapabayaan ang kanilang anak sa kanilang modules.

Ang mga estudyante o mga bata ngayong panahon ay nangangailangan talaga ng gabay ng mga nakakatanda sa kanilang modules upang hindi sila ma stress at maiisip nila na may nagmamahal at dumadamay sa kanila.

Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, Ma'am @ellechim0816, at nanay @olivia08 para sa patimpalak na ito.

Maraming salamat sa pagbasa at ang Diyos ay sumasainyong lahat.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

@jb123
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 87% 26.1

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 80% 24

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 78% 31.2

Total Score: 8.13

 3 years ago 

Thank you memshie @fycee. 😊

 3 years ago 

Malaking challenge po talaga sa magulang simula naging modular karamihan sa mga estudyante since last year. Kailangan talaga ng pag tutok at gabay sa kanila.

 3 years ago 

Tama ka po ate, salamat sa pagbisita sa aking post. 😊

 3 years ago 

Ay oo nga pahirap sa mga bata ang modules na yan. Ang naging teacher na tuloy ang mga magulang , ate at kuya. Ang school naging ghost building na.

 3 years ago 

Oo nga ate w 😂 salamat sa pagdalaw dito sa ghost post ko 😂😂

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8
Creativity.8
Technique.8
Overall impact.8
Story.8
Total.8
 3 years ago 

Thank you sir..

 3 years ago 

mas malaking challenge pag marami kang anak na nagmomodule kagaya ko heheh meron kami 3 anak na magmodule this school year. Pero kakayanin.

 3 years ago 

Lalo na kapag ibat-iba ang antas. 😁 Salamat sa pagbisita sa aking munting post ate.

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme8.8
2. Creativity8.8
3. Technique8.5
4. Overall impact9
5. Quality of story9
Total Ratings/Score8.8
 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat din sa iyong magandang contest. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59715.05
ETH 3186.24
USDT 1.00
SBD 2.42