Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 | Theme: Black and White Photography| "Facemasks at Faceshields"

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians, sa aking pakisuri ay lubos akong nasayahan dahil marami ang sumali sa ating pacontest tungkol sa black and white photography contest.

Nagpapasalamat din ako sa inyo dahil patuloy kayong sumusuporta dito sa ating komunidad, ang @steemitphilippines.

Ang ikaapat na post ko para sa contest na ito ay tungkol sa pangunahing gamit ngayong panahon ng Pandemic, ang faceshields at facemasks.

IMG20210918054648.jpg

Simula nang pumotok ang pandaigdigang sakit na kumitil sa milyon-milyong buhay ng tao, ay naging pangunahing gamit natin ay ang pagsout ng facemask at faceshields. Balikan natin ang araw na wala pang Pandemya, nakakalabas tayo ng walang sout na mga ito.

Ang eksperinsya sa pagsout ko nito ay naging malaking pagbabago sa aking buhay, hindi kasi ako sanay magsout nito, pero dahil ito ang batas na binigay ng Pamahalaan para sa atin ay napilitan akong magsout nito. Napakainit sa mukha, pero kinakaya ko.

Kahit nangingibago ako sa pagsout nito ay unti-unti namang nasanay kinalaunan. Pero malaking bagay at malaking tulong din ito para maprotektahan tayo sa sakit na covid19. Maraming klase-klaseng kulay at desenyo ng facemask ang nagsisilabasan sa merkado at sa aking pag-oobserbar ay ginawa na itong fashion ng mga tao. May mga guhit at kong ano-anu nang desenyo ang iniligay para maiingganyo ang mga tao na bumili.

Hindi lang ang facemask, kundi pati na rin ang faceshields, may magagandang desenyo na rin. Ang mga desenyo ay naaayon din sa presyo ng bagay. Pero kahot anong klase pa yan ay isa lang ang gamit ng mga ito, yan ang maprotektahan sa covid19 Pandemic.

Kaya para sa akin, parte na ng aking buhay ang mga bagay na ito dahil hindi talaga makakalabas o makakapunta sa ibang lugar kong wala kang facemask at faceshield. Noong nakaraang buwan ay nagnenegosyo ako ng washable facemask gawa sa mga tela ang aking nanay ang gumagawa, ako ang nagtitinda pero ayon sa ulat ng Pamahalaan na hindi makakaprotekta ang washable facemask ay tumigil ako sa pagtitinda.

Surgical facemask kasi ang magandang gamitin ayon sa D.O.H. Sa paningin ko hindi na mawawala ang gumamit ng facemask at faceshields dahil ang kalaban natin ay hindi natin nakikita kaya mas maganda na palagi tayong handa sa lahat ng panahon.

Ang payo ng pamahalaan na magsout ng facemask at faceshield ay isa lang simpleng paalala pero malaki ang magandang maidudulot sa ating buhay. Kaya kahit mainit sa mukha at hindi gaano tayong makahinga dahil sa facemask ay pagtyagaan nalang natin para sa ating kaligtasan at s ating Pamilya.

Bago ko tataposin ang aking post para sa araw na ito ay nais kong imbitahin si ate @jurich60, ate @me2selah at nanay @olivia08 para sa patimpalak na ito.

Maraming salamat sa pagbasa at ang Diyos ay sumasainyo lahat.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Yes importante talaga na sumunod tayo sa protocol kahit hirap huminga kung may face mask at face shield, tiisin kaysa ma Covid tayo.

 3 years ago 

tama ka po ate, 😊 maraming salamat sa pagdalaw sa aking post Godbless you.

 3 years ago 

At di nagtagal, nakaugalian na rin natin ang magsuot ng mga yan kaya pag-alis natin ng bahay ay parang may kulang kung wala yan .lol!

 3 years ago 

opo ate, noong una nahihirapan tayo, pero nang kalaunan ay nasanay na tayo 😂, salamat sa pagbisita sa aking post ate, Godbless you

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9.5
Creativity.9.5
Technique.9.5
Overall impact.9.5
Story.9.5
Total score.9.5
 3 years ago 

Salamat po sir. 😊

 3 years ago 

Sobrang importante talaga ang faceshileds ngayon!
Total Rating: 9.1

 3 years ago 

Salamat po memshie 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45