Steemit Philippines Community Photography Contest Week 2 | Theme: Ang Pagkakaisa

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang hapon sa lahat, lalong-lalo na sa lahat ng mga membro dito sa @steemitphilippines. Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng membro na patuloy tayong dumarami dito sa ating community.

Bilang parte ng gropu at partisipasyon sa isang contest dito sa steemit philippines, ay ikinararangal kong ibahagi sa inyo ang aking throwback picture kasama ang aking pamilya.

Ang Pagtutulongan

IMG20210429075524.jpg

Sa munti naming bahay dito sa Manticao, Misamis Oriental naninirahan kaming pamilya. Puno ng pagmamahalan, kasayahan at Pagtutulongan. Ang bawat membro ng aming pamilya ay may kanya-kanyang trabaho at may kanya-kanyang responsibilidad sa buhay at sa bahay. Kaya ginagawa namin ito para mas mapagaan ang mga trabaho at madaling matapos ang lahat.

Sa larawang kuha ko, ay gumagawa kami ng tent para sa mga halaman ng mama ko. Mainit kasi at namamatay na ang iba sa kanyang mga halaman kaya naisipan naming gumawa ng tent para hindi masunog ang mga dahon ng mga halaman ng mama ko.

Gabi palang ay nagplano na si papa kong ano ang dapat gawin. At binigyan kami ng mga task kong ank ang aming gagawin. Kaya kinabukasan ginawa namin ang ibinigay ni papa na tungkulin. Ang aking kapatid ay siyang naglilipat ng ibang halaman sa lugar malayo sa lugar kong saan gumawa kami ng tent. Para rin hindi maapakan o mahulog kapag nagkukumpuni na kami. Habang si mama naman ay abalang-abala naman sa pag-aayos ng halaman.

Si papa namam ay kumuha ng mga kahoy mula sa bukid para gawing haligi o pundasyon ng tent upang tumibay ito ng husto. Habang ako naman ay naghuhukay sa lupa para lagyan ng mga haligi upang mas matibay pa ito.

Syempre, dahil sa pagiging masaya ko ay kumuha ako ng letrato na nagpapakita ng pagkakaisa naming pamilya.

Nang matapos na akong maghukay ay agad namang inilagay ni papa ang mga kahoy at nilagyan namin ng mga bato mula pa sa ilog.

Si mama naman ay palaging nakatingin kong ito ba ay pwede na o kailangan pang ituwid para maganda tingnan ang pagkakagawa.

Nang matapos na ay tuwang-tuwa si mama dahil may panangga na laban sa init ng araw ang kanyang mga halaman.

Pagboud Basi sa Aking Karanasan

Ang Pagtutulongan ng pamilya ay isa ring paraan upang mananatiling magkakabuklod ang pamilya. Isa rin itong hakbang upang ang bawat isa ay may kominikasyon sa bawat membro ng pamilya.

Ang mga mahihirap at mabibigat na trabaho ay magiging mapapadali at magiging magaan ang lahat.

Ang aking magulang ay tunay na nagmamahal sa amin, kaya napaka swerte ko dahil may pamilya akong responsable at marunong mag disiplina sa amin bilang kanilang anak.
jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 
PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words431
8. No. of entries1
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8.4
 3 years ago 

Maraming salamat po sir @juichi. 😊

 3 years ago 

Pasencya na, akala ko hindi kayo kasali..😂

 3 years ago 

Okay lang po sir 😁 try ko lang yan. Para may pandagdag kahit papaano kasali man o hindi. 😁😁

 3 years ago 

maganda yang family bonding sir.. plantita pala si mama hhehehe

 3 years ago 

Yes ate @junebride 😊

 3 years ago 

The family that helps each other stays together. Masyadong makapal Yung space na na occupy NG right side wyndell.

 3 years ago 

Okay memshie @fycee. 😊

 3 years ago (edited)

Family man ka tagala del. Ang saya ng pamilya pag nag samasama at nag tutulungan sa trabaho. Ngayong may sariling pamilya na ako, kami muna ng asawa ko ang nagtutulungan sa trabaho. Kung malalaki ana nag mga bata ay bibigyan namin sila ng responsibildad nang sa gayon ay magiging pondasyon nila ito sa darating pang mga araw ng kanilang buhay.

 3 years ago 

Tama ka po ate. 😊

 3 years ago 

Galing ng nagtulongan na familia

 3 years ago 

Salamat po ate @jurich60 😊

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsali sa ating pinaka bagong Photography Contest Week 2.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

Walang anuman @steemitphcurator. 😊 Salamat din sa maganda mong contest.

 3 years ago 

Sadyang gumagaan ang gawain kapag nagtutulungan ang pamilya at natatapos ang mga gawain ng matiwasay at magdudulot ng saya.

 3 years ago 

Tama ka po ate @joshuelmari. 😊

 3 years ago 

Napakabuti mong anak. Tuloy lang

 3 years ago 

Salamat nay @olivia08 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68523.63
ETH 3260.51
USDT 1.00
SBD 2.66