Diary Game Season 3|Week #19|September 26, 2021| Ang Pagluluto Ko Ng Meryenda

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga sa ating lahat, lalong-lalo na sa mga magigiliw na mga myembro dito sa @steemitphilippines. Una sa lahat, nagsisimula na naman tayo sa ating diary game week 19.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa pagluluto ko ng meryendang pinoy gaya ng maruya at latik. Marami kasi kaming hinog na saging kaya kahit ano nalang ang niluluto ko.

Maruyang Saging

IMG_20210924_102019.jpg

Mahilig akong kumain ng maruyang saging, ito kasi ang nilalakihan naming meryenda dito sa amin. Ang maruya ay nagsisilbi ring agahan, pananghalian at haponan para sa akin.

IMG_20210924_144501.jpg

Kinaugalian ko na talaga ang magpakuha ng letrato pagkatapos magluto ng kahit anong pagkain. Simula noong nagkapandemya ay wala nang magawa sa bahay kaya nang mahinog ang saging namin ay laking tuwa ko dahil may pagkakaabalahan na sa buhay lola na at ang usapin ay tungkol sa pagkain.

Latik

IMG_20210924_144548.jpg

Isa pa sa mga niluluto kong pang meryenda ay ang latik. Paborito rin ito ng aking pamilya, kaso medyo nakakapagod lutuin ito kasi nangangailangan pa ng sangkap gaya mg asukal, gata ng niyog at nakakapagud magkayud ng niyog.

IMG_20210924_144535.jpg

Syempre delikado rin hatiin ang niyog. Nangangailangan ito ng konsentrasyon at balanse upang hindi ang kamay ang matamaan. Ito kasi ang pangunahing sangkap sa pagluluto ng latik.

Pero dahil lumaki ako sa pagkokopra ay nasanay na ako sa mga ganito. Pero hindi talaga maiiwasang magkasugat sa kamay dahil sa bao ng niyog.

IMG_20210924_144717.jpg

Pagkatapos, kinuha ko ang gata ng niyog para ihalo sa saging siyang lulutuin at gawing latik. Dapat may sapat na lakas para makuha mo ang katas ng niyog.

IMG_20210924_144802.jpg

Maayos kong inilagay ang mga binalatan kong hinog na saging sa malinis na kaldero upang hindi malaglag.

IMG_20210924_144903.jpg

IMG_20210924_144916.jpg

Nilagyan ko ng gata at asukal at dahan-dahan ko itong hinalo upang maging balanse ang lasa ng latik. Ganito kasi ako magluto, hinalo ko lahat ng mga sangkap saka isasalang sa apoy.

IMG20210924174633.jpg

Maghintay lang ng ilang minuto para maluto. At ito na ang ating latik na saging.

Ang pagluluto ng kahit anong uri mg pagkian ay nakakatulong sa atin upang mapandagdag sa ating kaalaman, nakakatulong itong sa ating kakaharaping hamon ng buhay.

Bago ko tataposin ang aking talaarawan sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina nanay @olivia08, ate @me2selah at ate @jurich60 para sa diary game contest.

Maraming salamat sa pagbasa at ang Diyos ay sumasainyong lahat.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago (edited)

Ka lami ba ana del...

 3 years ago 

Salamat sa pagbisita sa ako post ya 😊, Mangaon diay ta. 😁

 3 years ago 

Panghatag Del. Hehe

 3 years ago 

Ali ate 😁 salamat sa pagbisita sa akong ate.

 3 years ago 

Kalami ana, perfect pang snack.

 3 years ago 

Salamat, at salamt din sa pagbisita sa ako post. 😊

 3 years ago 

Pahingi kuya @jb123 sarap naman nyan. Makabusog gyud ganyang miryenda 🍌🍌🍌

 3 years ago 

Sure ate. 😊 Mao gyud te, makabusog ug sulit na pang meryenda. Salamat sa pagbisita sa ako post ate. 😊

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat din sa pagbisita dito sa aking post 😊.

 3 years ago 

kakaiba tong pagluluto mo ng maruya dahil may gata pa pangdagdag sa pampalasa. Ang Sarap tignan akala ko ginatan ang lulutuin mo Del dahil may gata. Ang lambot⁰ panigurado ng saging.

 3 years ago 

Opo ate. Hinog na hinog na kasi ate. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54147.93
ETH 2274.31
USDT 1.00
SBD 2.35