Diary Game Season 3 |Week #18| September 9,2021: Ang Paghahanda ko sa Papalapit Ko na Kaarawan

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines. Medyo natagalan akong nakabalik sa pagpost dito dahil sa busy ang sitwasyon at abala sa mga bagay-bagay.

Tayong mga Pinoy ay magiging mas abala sa buhay kapag may pagdiriwang na dumarating at kahit simple lang o bongga ang handa basta malinis lang bahay ay sapat na ito. Ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang aking ginawa sa araw ng hwebes, September 9, 2021.

Paglilinis Ko Sa Aming Bakuran

IMG_20210910_125937.jpg

Umaga palang ay naglilinis na ako sa aming bakuran. Kahit walang okasyon o pagdiriwang ay palagi naming nililinis ang aming lugar oara mas maganda itong tingnan at malayo sa mga lamok at iba pang mga insekto na nagdadala ng mga sakit. Mas kaaya-aya kasing tingnan ang lugar kapag malinis ito. Nakadarag din ito sa payapang pag-iisip at pamumuhay kapag malinis ang lugar.

Una kong nilinis ang harapan ng bahay namin kasi ito kasi ang unang makikita ng mga taong dumaraan o pumupunta dito sa amin. Medyo malawak ang lilinisin ko dahil isasali naming linisin ang ilalim ng punong mangga.

IMG20210910060824_00.jpg

IMG_20210910_125652.jpg

Pagkatapos kong linisin ang harapan ng bahay namin ay kasunod kong nilinis ang likuran ng bahay namin lalo na ang sa may bandang kaliwang parte kasi maraming mga dahon ng kawayan ang nahuhulog dito.

Dahil mahirap gamitin ang walis ting-ting ay napagpasyahan kong gamitin ang rake o kambang yan ang tawag namin dito. Isa itong gamit para sa mga dahon na mahirap walisin. Inipon ko ang lahat ng mga tuyong dahon ng kawayan at sinunog ang mga ito.

Pagtitingin Ko Sa Aking Mga Alagang Halaman

IMG_20210910_125802.jpg

Dahil parte na ng aking buhay ang pag-aalaga ng mga halaman ay tiningnan ko ang mga ito kong may mga oud ba o wala. Isa sa mga paborito kong halaman ay itong tinatawag na bonsai plant. Isang uri ng halamang balete na pinapatubo sa paso at maliit pa rin kahit matanda na ang halaman.

Isa ito sa mga bonsai na inaalagan ko, mga 3 taon na ito simulang itanim ko sa ginawa kong cement pot. Dinidiligan ko ito palagi upang madaling tumaas depende sa laki ng paso.

Pag-igib Ko ng Tubig Maiinum

IMG_20210910_125733.jpg

At dahil napakahalaga at pangunahing gamit namin dito ang tubig na maiinum ay nag-igib ako ng tubig medyo may kalayoan mula sa amin. Tradisyon na namin ang mag-igib gamit ang poso dahil wala kaming gripo dito. Mahirap kasing kabitang ng mga gripo dito dahil sa ilog. Kapag mag-iigib ng tubig ay pupunta pa sa kabilang lugar, tatawid ng ilog para makapunta lang sa pag-iigiban ng tubig.

IMG-20210910-125636.jpg

Pagkarating ko sa lugar ay nagmadali akong gumamit ng poso upang hindi makaabala sa ibang tao na umiigib din dito. Dahan-dahan kong ginamit ito upang hindi masira at pagkatapos ay nagmadali na akong umalis sa lugar.

IMG_20210910_125708.jpg

Sanay na ako sa ganitong buhay, dito ako lumaki at nagkamulat kaya hindi na mahirap para sa akin ang ganitong trabaho. Na sanay na sa ganitong uri ng pamumuhay at trabaho.

Pero kahit ganito ang pamumuhay ko, masaya naman akk dahil may mabuti ang kompleto akong pamilya at magulang na handang magmahal sa akin.

Bago ko tataposin ang talaarawan ko sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, nanay @olivia08, at ate @me2selah.

Nagmamahal,

@jb123

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Makamingaw jud ang buhay probinsya ui. Malingaw baya jud ko anang magbomba, dira maligo, tapos maligo sa suba pod, manlaba. Hehe

 3 years ago 

Mao gyud ate. 😊 Salamat sa paghapit sa ako post 😊

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

 3 years ago 

Thank you very much @steemcurator08. 😊

 3 years ago 

Maganda ang malinis na kapaligiran na lalong pinatingkad sa mga halamang inaalagaan at puede pang pagkaperahan.

 3 years ago 

Tama ate. 😊 Salamat po sa pagdalaw, Godbless you.

 3 years ago 

Masarap sa pkiramdam malinis palage ang paligid, lalo na sa mata kaaya-Ayang tingnan. Anti stress din ang mga halaman 😊 Ang sipag mopo Kuya @jb123

 3 years ago 

Tama ka po ate @jewel89 😊 salamat po sa pagdalaaw sa post ko. 😊

 3 years ago 

Wow! Aliwalas tingnan ang kapaligiran, luckiness na may ganyang kayong bakuran ang lawak, di gaya sa City dikit dikit ang bahay.

 3 years ago 

Opo ate, 😊 salamat sa pagdalaw sa aking post.

 3 years ago 

Sarap maligo sa ilog.

 3 years ago 

Opo ate. 😊 Lalo na kapag malinis. Salamat sa pagdalaw sa post ate.

 3 years ago 

Nice post del, but nako ma qualify kay wala nmo na set.

 3 years ago 

Mao lagi ya, 😂😂 okay lang.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59190.13
ETH 3187.58
USDT 1.00
SBD 2.45