Diary Game Season 3|September 10,2021|Ang Aking Kaarawan
Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines. Sa nakaraang post ko dito sa ating komunidad ay naipost ko ang aking paghahanda sa bespiras pa ng aking kaarawan.
Ngayon, ibabahagi ko na sa inyo ang aking spesyal na araw ng aking buhay. Bumili na kami ng mga sangkap sa pagluluto sa bespiras pa lang ng aking kaarawan ganito kasi kami, dapat handa na ang lahat na kailangan pagdating napakahalagang araw.
Tanghon
Dahil napakasupportive ng aking magulang kaya nagpasya si papa na siya ang magluluto. Una niyang niluto ang tinatawag naming tanghon, ito kasi ang paborito ni papa kaya ito ang binili ko. Ang nakakatawa lang dito ay akala ko katulad lang sa bihon na nilalagyan ng tubig upang lumambot at hindi pala. Kaya ginamitan ko ng gunting para maputol at napakatibay nito.
At para mapadali ang pagluluto ay inalalagan ko si papa sa gawaing-kusina. Ako ang tagabalat ng mga si uyas, bawang at iba pang mga sangkap sa pagluluto. Talagang napakasaya dahil marami akong matutunan kong paano lulutuin ang ganoong klase na ulam.
Halang-halang
Ito ang tinatawag naming halang-halang, isang uri ng pagkain na nilalagyan ng maraming siling maanghang. Ito ang kasunod naming niluto, mahilig din kasi ako sa mga maanghang na pagkain. Ang pangunahing sangkap dito ay karneng manok. Ito kasi nababagay sa mga ganitong pagluluto.
Lumpia
At dahil mahilig si mama sa lumpia, kaya bumili din ako nito. Madali lang lutuin ang lumpia kasi ready made ito, hindi na kailangang balutin. Bumili ako ng 4 na packed ng lumpia at ako mismo ang nagprito nito. Masaya ako kapag nabibilhan ko ang aking pamilya ng gusto nioa sa abot ng aking makakaya. Nakakapagbigay ako ng saya.
Hindi ko maisali ang sinabaw na karne ng baboy, nakalimutan ko kasing kunan ng letrato at naubos na.
Handa Na Ang Lahat, Bisita Nalang Ang Kulang
Handa na ang lahat, ganito kasi kami dito dapat handa na ang lahat na hindi pa umabot ang pananghalian para makakakin talaga sa saktong oras. Naghihintay kami ng kaunti kasi nangako kasi silang lola at tita pati ang mga pinsan ko na pupunta sila sa aking kaarawan kaya naghintay kami.
Di nagtagal, dumating na sila. Mano dito, mano doon, may kaunting usapan at pagkatapos nagsimula na kaming manalangin para makakain na.
Panalangin Sa hapag-Kainan
Ang nangunguna sa panalangin ay walang iba kundi ang aking mabuting ama. Ganito kasi kami kapag may kaarawan, may kaunting dasal para sa lahat at sa nagdaos ng espesyal na araw kagaya ko.
Pagkatapos, kumain na ang lahat. May tawanan, ibat-iba ang mga paksa at kong anu-ano na ang mga pinag-uusapan habang kumakain. Pagkatapos kumain at Pagkatapos ng mahabang usapan ay nagpasya na silang umuwidahil hapon na.
Pagsindi Ko Ng Kandila Tanda ng Bagong Buhay
Pagkatapos ay nagpasya akong pumunta sa simbahan upang magsindi ng kandila l. Tradisyon na kasi namin na magsindi ng kandila kapag kaarawan at manalangin.
At dahil pandemya, kaya sa labas nalang ako nagdasal makikita naman ang mgababasahin na panalangin para sa nagdaos ng kaarawan kaya nakakapagdasal pa rin kahit nasa labas lang.
Pagkatapos kong manalangin ay nagsindi ako ng kandila tanda ng bagong buhay na kakaharapin at tanda ng pagpapasalamat sa Panginoon sa bagong taon na ibinigay niya sa akin.
Masaya ako dahil marami ang nagmamahal sa akin, lalo na ang aking pamilya. Nagpapasalamat din ako sa aking mga pamilya dito sa @steemitphilippines sa lahat ng mga greetings sa akin at higit sa lahat, sa Panginoon sa panibagong taon at buhay na kakaharapin ko.
Bago ko tatapusin ang talaarawan kong ito ay nais kong imbitahan sina nanay @olivia08, ate @me2selah at sir @long888 sa talaarawan dito sa steemitphilippines.
Nagmamahal
@jb123
Photo captured: My Brother
Oppo A12E phone
Happy birthday del🎂, kalami ba sa pagkaon oi galaway ko hehe
Salamat sir @long888 😊. Godbless you.
Happy Birthday Del! Hope you had a blast! 😊
Thank you ate. 😊 Godbless you.
Happy birthday brother Wyndell. Live a long life to the fullest degree of success is my wish for you. Great to see you follow our paths but creating one road for your own success. Keep it up and see you on the top. 😊
Thank you for your heart inspiring comment memshie, Godbless you 😊
Happy birthday! God bless you more!
Salamat ate 😊Godbless you.
Happy Birthday, Del.!!!
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.
Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.
New Contest Alert: Photography Contest Week 4 - Theme: Black and White Photography
God Bless po!!!
Salamat kuya 😊 Godbless
Happy Birthday ulit at sana ay maging masigasig ka lalagi sa pagsulat araw araw gaya ng sinasabi ko sa iyo. Maging sikat ka pagdating ng taman panahon.
Salamat nanay deevi, salamat sa kahat ng tulong mo at ni kuya Romel, at sa kahat ng pamilya ko sa crypto, maraming salamat po sa inyong lahat. 😊 Godbless you all.
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Thank you very much @steemcurator08. 😊
Belated Happiest Bday Kuya @jb123
Ang sarap naman ng mga handa mo, lalo na yung halang-halang 😍😋 Cheers to many birthdays to come 🍻
Salamat ate @jewel89, salamat din sa pagdalaw sa aking post. Godbless you.😊
Happy bday brod. God bless!
Thank you sir, Godbless 😊