Diary Game Season 3| September 30, 2021| Week 19| Ang Pagtulong Ko Sa Gawaing Bahay

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi sa ating lahat mga kaibigan at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines. Una sa lahat, nais kong purihin ang lahat ng mga aktibo dito sa ating komunidad at walang sumusuporta dito.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa pagtulong ko sa mga gawaing bahay lalo na sa aking ama. Bilang isang mabitu at disiplinadong anak ay nararapat lang na tumulong sa mga magulang upang mapadali ang mga gawaing-bahay.

IMG20210930121200_00.jpg

Ganito ang buhay namin dito sa probinsya, nangunguha ng panggatong para may gagamitin sa pagluluto ng pagkain. Kanina, tinulungan ko ang aking ama sa pagkuha at pag-imbak ng mga kahoy para gawing panggatong sa bahay. Tag-ulan na kasi at mahirap magluto kapag mabasa ang kahoy at kailangan pang hipan upang magkakaroon ng apoy. Kaya kanina, habang medyo mainit pa ang panahon ay nagpasya kaming kumuha.

IMG20210930121339-00.jpg

Ito ang kinuha namin kanina, isa itong kahoy ng kaymeto o star apple na kong tawagin sa iba. Maganda ito gawing panggatong at ang iba ay ginawa pa itong uling at ibinibenta sa pamilihan. Ito ang pinagkakaabalahan ko kanina. Ang ginawa ko ay kumuha ako ng sako at madaling pumunta sa lugar kong saan naroon ang panggatong at madaling isinilid sa sako upang madaling matapos.

IMG20210930121412_00.jpg

May kalayuan din naman amg kinuhan namin ng mga kahoy. Malapit kasi ito sa paanan ng bundok at kailangan pang maglakad ng ilang metro para makarating sa paroonan. Kaya pinagpawisan talaga ako ng husto kanina dahil sa dala kong isang sako ng kahoy.

IMG20210930121446_00.jpg

Dagdag pa dito ang walang maayos na daan at ibang parte pa dito ay puro mga damo ang madadaanan. May mga maputik na parte din dito kaya mahirap talaga ang pagdaan dito.

Pero para may magamit pagdating ng tag-ulan ay masipag akong kinuha ito kahit may kalayuan at mahirap ang daanan na tatahakin.

IMG20210930155213.jpg

Ibabahagi ko rin itong ginawa naming paglalagay ng mga sako-sakong bato sa gilid ng ilog upang hindi ito mabuwal dulot ng pagbaha. Sa nakaraang post ko dito, ang lugar na ito ay nawasak dulot ng pagbaha pero kanina napag-isipan namin na lagyan ulit ng mga bato, pangdepensa sa baha.

IMG20210930125930_00.jpg

Ibabahagi ko rin itong anak ng inaalagan kong baka. Sa wakas ay nanganak na ito at tuwang-tuwa ako sa aking nakita. Pinalangalanan ko itong tommy. Mabuti naman at hindi tumakbo habang kinunan ng letrato.

Napakapagod pero masaya dahil isa itong paraan upang makatulong sa aking mga magulang at nakapagbibigay ng kasayahan sa aking mga magulang.

Bilang kabahagi ng @steemitphilippines ay malugod kong ibahagi ang 20% sa payout ko sa post kong ito.

Bago ko tataposin ang talaarawan ko sa gabing ito ay nais kong imbitahan sina nanay @olivia08, ate @me2selah at sir @long888.

Salamat sa pagbasa at magandang gabi sa ating lahat.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Ka bait mong bata kapakanan ng mga magulang lagi mong inisip.

 3 years ago 

Opo ate @jurich60 😊 salamat sa pagbisita sa aking munting post. Godbless you. 😊

 3 years ago 

Ang sipag mopo tlga kuya @jb123
Hnd biro mangahoy tapos delicate pa mga dinadaanan. Tama po yan bago pa mag uulan ulit eh meron nakayong sapat na pang gatong ☺️ ang cute ng name ng baka, Tommy!

 3 years ago 

Opo ate @jewel89 😊 , salamat po sa pagbisita sa aking munting post. Godbless you..

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you very much 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67808.66
ETH 3248.00
USDT 1.00
SBD 2.67