Diary Game Season 3| September 21, 2021| Ang Sitwasyon Sa Aming Ilog

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang hapon sa ating lahat mga ka steemians, masaya ako dahil patuloy tayong dumarami sa ating komunidad at sana ay patuloy pa tayong dumami.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pagpunta sa tabing ilog, ganito kasi ang ginagawa ko lalo na kapag malaki ang baha. Ito ang daan upang masuri namin sitwasyon ng aming lugar lalo na ang tabing-ilog.

Manticao River

IMG20210921093053.jpg

Gabi ng september 20, 2021 nakaranas ki ng malakas na pag-ulan dito sa aming lugar. Medyo matagal bago tumigil ang buhis ng malakas na pag-ulan. Nagpapasalamat naman kami dahil madidiligan na ang aming mga halaman. Sa kasagsagan ng malakas ng pag-ulan kagabi ay hindi namin namalayan na malaki na pala ang baha sa ilog.

Kapag may sama ng panahon dito sa amin at may malalakas na pag-ulan ay minomonitor namin ang sitwasyon sa ilog at baka umapaw ito. Pero kagabi hindi namin namonitor ang ilog dahil maginaw sa labas at nakakatamad lumabas lalo na kapag malakas ang ulan.

IMG20210921093059.jpg

Kanina, ito ang nakita ko nang pumunta ako sa ilog. Isang punong-kahoy na natumba sa gilid ng ilog. Nangangamba kami baka hindi na madaanan sa kabila dahil wala nang pwedeng daanan. Ito lang kasi ang tanging daan namin dito Malayo kasi kapag dadaan pa sa bundok at tatawid sa nag-iisang tulay namin dito.

Kaya gumawa kami ng alternatibong daan para malapit nalang ang pagkalakbayan. Pero sa sitwasyon na nakita ko kanina, nangangamba ako na baka tuluyang hindi na madaanan ang lugar.

Naiisip ko talaga kong gaano ka laki ang baha kagabi kasi makikita sa pampang ang marka ng tubig baha.

IMG20210921093108.jpg

Mas lalo kaming nangangamba dahil ang mga sako-sakong buhangin na iniligay namin para hindi mabuwal ang lupa ay tinangay ng tubig baha. Maraming mga sako na puno ng buhangin ang nawala at ang lupa ay nabuwal dahil sa tubig.

Pero kahit ganito ang sitwasyon sa aming ilog dito sa aming lugar, ay nasanay na kami dito. Ang mahalaga ay maging handa palagi lalo na kapag may sama ng panahon at pagbaha.

Ang ilog na ito ay nakakatulong din sa amin sa pag-iigib ng tubig para pandilig sa mga halaman at mga pagkain gaya ng isda, alimasag, hipon at mara pang iba.

Maraming salamat sa pagbasa at ang Diyos ay sumasainyong lahat.

*Nagmamahal

@jb123

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Hang ganda ng lugar ninyo alas yang katabi ng ilog pero yon lang ingats kayo pag masama ang panahon. But, kaya ninyo yan @jb123

 3 years ago 

Opo ate @jurich60 😊 salamat po sa paalala, salamat din po sa pagbisita sa aking munting post sa gabing ito, Godbless you. 😊

 3 years ago 

keep it up....and keep safe always😊

 3 years ago 

Thank you 😊

 3 years ago 

mahurap nga kapag nakatira ka malapit sa ilog palagi ka nalang kakabahan kapag tuloy tuloy ang malaks na ulan dahil alam na baha tlaga ang kasunid neto. Yong una mong larawan @jb123 akala mo ilog sa loob ng jungle ang ganda tignan untouched pa tlaga. Nakakatuwang malaman na meron pang mga yamang tubig ang nakukuha dito katulad ng hipon at isda pati talangka nagpapatunay lang tlaga na napaka healthy pa ng eco system sa ilog ninyo, hindi pa sya naaabuso at inaabuso. Maging handa lang din kayo palagi dhil hindi pa tapos ang ating monsoon months may marami pang bagyo ang dadating para sa taong eto.

 3 years ago 

Salamat sa paalala ate 😊 Salamat din sa pagbisita sa aking munting post, Godbless you

 3 years ago 

Dapat monitor nyo pag walang tigil ang ulan katulad nong nangyari sa Iligan nong typhoon Ondoy. Edit mo rin sa taas sa mga typos.

 3 years ago 

Okay ate, salamat sa pagbisita sa aking post. Godbless. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60115.50
ETH 3192.77
USDT 1.00
SBD 2.45