Diary Game Season 3| September 17, 2021| Ang Pagpunta Ko Sa Bagong Beach Resort

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro ng @steemitphilippines. Matagumpay na nagtapos ang ating contest tungkol sa @blacknwhite photography at lubos akong natuwa dahil marami ang sumali sa ating patimpalak.

Sana magpapatuloy pa ring tataas ang bilang ng mga myembro dito sa ating komunidad sa tulong din ng Panginoon.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa sa pagpunta ko sa bagong beach resort dito sa Misamis Oriental, ang Calangahan Beach Resort na matatagpuan sa lungsod ng Lugait, Misamis Oriental. Kahit hindi pa ito tapos ay makikita na ang kagandahan ng naturang lugar na tiyak maging sulit para sa mga taong pupunta dito.


IMG20210917073921_00.jpg

Ito ang overview ng naturang beach resort, dahil ang lugar may matataas na bundok kaya makikita talaga ang malawak na karagatan. Magandang magpapicture dito sa lugar dahil sa kulay blue na dagat.

IMG_20210917_080441.jpg

Sa ibabang parte ng baybayin makikita ang bagong beach resort at kinakailangan pang bumaba ng hagdan para makapunta dito.

IMG20210917075330_00.jpg

Kadalasan mababato ang lugar dito pero may parte naman ng baybayin na puro mga buhangin at dito nakatayo ang bagong beach resort ng Calangahan. Naglakad ako sa unahang parte ng dalampasigan upang tingnan pa ang kagandahan ng lugar.

IMG20210917080025_00.jpg

May mga halaman din dito gaya ng romblon na siyang ginagamit sa paghahabi ng banig. Tumubo ito sa dalampasigan at magandang tumambay dito dahil may malaking bato sa ilalim ng puno ng romblon.

IMG20210917074815_00-1.jpg

Itong lugar na kinatatayuan ko ay ang dating kalsada ng Calangahan na kong tawagin ay Lamesahan , ayon sa mga nakakatanda na nakatira dito ito ay nagsisilbing daan ng unang mga tao noong panahon ng hapon. Pero unti-unting inabandona ang lugar at naabot na ito ng alon at tuluyang nilamon ng tubig ang lugar.

IMG20210917080109_00.jpg

Ito ang cottage ng naturang beach resort, may matataas na haligi para hindi abutin ng malalaking alon at gawa ito sa kawayan kaya napakalamig sa loob nito. Maganda talagang pasyalan ang lugar na ito dahil sa lokasyon at kinatatayuang lugar nito.

IMG20210917075924_00.jpg

May mga malalaking corals din na nandito, at itong lugar na kinatatayuan ko, ay isang malaking corals sa tabi ng dagat, dahil sa ganda ng Rock formations ay naisipan kong magpakuha ng letrato dito sa lugar.

Ang lugar ay tunay na may angking ganda at may maipagmamalaki talaga ang taga Calangahan sa kanilang magagandang lugar na dapat pasyalan at pagmasdan ng mga bisita mula sa kabilang lugar.

Choose Philippines, Choose Calangahan Lugait Misamis Oriental

Salamat sa pagbasa at ang Panginoon ay sumasainyong lahat.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Walang anuman po 😊.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59876.72
ETH 3191.77
USDT 1.00
SBD 2.43