Diary Game Season 3|| December 17, 2021|| Ang Sitwasyon Sa Aming Ilog
Magandang gabi sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat na mga myembro dito sa @steemitphilippines.
Kanina, napag-isipan kong bisitahin ang malalapit na lugar dito sa amin, lalo na ang lugar na malapit sa ilog. Una kong pinuntahan ang sa tapat ng aming lugar dito sa Linangga. Nakita ko talaga ang malawak na pagbaha kasama na ang pinsala na dala nito.
Mapuputik ang daan at walang madaanan ang mga tao dahil sa malalim pa ang tubig sa ilog. Nakikita ko talaga kong gaano ka lawak ang pagbaha dahil sa hangganan ng putik sa gilid ng ilog na halos aabot na sa daanan sa kabilang lugar. Malapit na sa may puno ng kawayan ang naturang baha at maraming makakapal na mga tinangay na mga damo at iba pang bagay.
May tinangay din na punong-kawayan at dahil hindi tuluyang tinangay ng ilog kaya nakahinto ito sa gitna ng ilog. Sa pakiwari namin ay baka nagmula pa ito sa bukid at umabot hanggang dito. May kasama din itong kahoy na tinangay din. Sa aking pagpunta sa ilog ay malaki pa rin pati na ang malakas na pag-agos nito at ang mga tao ay hindi makakatawid, may alternatibong rota para makatawid, ang tanging gagawin lang ay maglakbay at dadaan sa tulay na kalayuan na man mula sa aming lugar.
Nagkaroon din ng malaking bitak ng lupa sa gilid ng ilog at ang ibang residente dito sa kabilang lugar ay pahirapan ding makadaan dahil sa malaking bitak ng lupa. May mga sasakyan ding dumadaan dito pero ng dahil sa nangyari ay pinili nalang nilang iwanan ang kanilang sasakyan sa ligtas na lugar. Anong oras pwede itong gumuho dahil sa ibaba nito ay ang ilog na at malambot ang lupa dito. Kaya maraming mga tao ang umiwas na dadaan dito.
Ang kaisa-isa naming puno ng acasia ay lumubog na din sa tubig at maaring matangay din ito kapag may malakas at malaki na namang pagbaha. Napapalibutan ito ng mga damo mula sa tinangay ng baha At nangangamba kami baka tuluyan na itong matangay ng tubig baha.
May mga agrikultura din ang nawasak dala ng malakas na hanging dulot ng bagyong Odette. Ilan sa mga ito ay ang tanim na saging na naputol o natumba dahil sa pagkabuwal ng lupa. Pero hindi naman makawak ang pinsala nito, at iilan lang ang nawasak o napinsala.
Nag-iwan ng pinsala, pagkasira at hindi mapalad ay pagkamatay ng ibang kababayan natin sa mga lugar na nadaanan ng bagyo. Mapalad kami dito na medyo mahina lang ang hangin at ulan dito at nagpapasalamat ako sa Panginoon na pinprotektahan kami dito.
ingat kayo jan del
Salamat ate.. 😊😊