Diary Game Season 3|| April 3, 2022| "Ang Aking Travel Adventure"

in Steemit Philippines2 years ago

Maganda umaga sa ating lahat mga kaibigan at sa lahat na mga myembro dito sa @steemitphilippines.

png_20220413_071902_0000.png

Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang mga kaganapan noong nakaraang araw tungkol sa pagpunta ko sa Makawa, Naawan, Misamis Oriental. Tayong lahat ay mahilig sa travel adventure lalo na kapag may mga magagandang tanawin ang ating madadaanan o mapupuntahan. Sa aking paglalakad, marami akong mga nakakamanghang nakikita sa lugar na dinaanan ko.

Ngayon, isasama ko kayo sa mga lugar na pinuntahan ko. Tara samahan nyo akong maglakbay dito sa Makawa, Naawan Misamis Oriental.

IMG20220412174427.jpg

Cloudy Day

Masarap talagang maglakbay lalo na kapag ganito lamg ang panahon. Hindi mainit at presko lang ang lugar sa mga dinaanan ko. Dahil sa makulimlim lang ang panahon kaya naisipan kong malakad-lakad dito malapit sa aming lugar. Maraming mga taong pumupunta dito sa mga lugar na puno magagandang tanawin na nakakarelax.

IMG20220410120041.jpg

Hukay na Dinaanan ng Nagdaang Buhawi

Unang lugar na nadaanan ko ay itong malaking hukay dito sa lugar ayon sa papa ko, taong 1995, taon kong kailan ako pinanganak, ang lugar daw na ito ay dating dinaanan ng buhawi. Dito daw bumagsak ang napakalaking buhawi na sanhi ng matinding pagbaha noong taon na iyon.

Ngayon, ang lugar na ito ay nagsisilbi at naging sapa na. Dinadaluyan ito ng tubig kapag may malakasang pag-ulan dito. Isa itong malaking hukay at malalim ito. Sa ngayon, tinubuan na ng mga malalaking kahoy gaya ng ipil at iba pa.

IMG20220410120300_01.jpg

Malamig na Tubig ng Sapa

Itong sapa na ito ang nakakonekta sa hukay na natamaan ng buhawi. Dahil sa lalim ng pagkakahukay dahil sa malakas na presyur ng tubig dala ng buhawi, dahilan na ang mga bato ay lumabas.

Dito rin ang nagsisilbing daanan namin kapag magshortcut kami papunta sa Makawa. Ito ang sunod na nadaanan ko, maraming mga pumupunta dito lalo na yong mga bikers at may mga motor para sa isang trail. Mahilig kasi sila sa mga mahihirap na lugar gaya nito para mas malubos pa ang pagsasanay nila.

IMG20220410121128.jpg

Malaking Tipak ng Lupa

Kasunod kong nadaanan itong malaking tipak ng lupa. Dahil sa patuloy na paglakas ng ulan dahilan na magkakaroon ng malalaking tipak ng lupa. Ang mga residente ay nangangamba na sa pangyayari dahil baka daw magpapatuloy pa ang paglaki ng tipak ng lupa at aabot na sa kanilang bahay. Noong una, hindi pa nadadaanan ng tubig dito pero dahil sa patuloy na paglakas ng ulan, ang mga tubig ay dumadaan na dito dahilan na naging sapa na at nagkaroon ng tipak ng lupa.

Makikita sa larawan na kuha ko ang mga ugat ng mga punong-kahoy na makikita na dahil nawala na ang lupa. Malambot kasi ang lupa dito kaya madaking gumuho kapag maraming tubig .

image.png

Sa pag-obserba ko sa mga lugar na dinaanan ko sa aking paglalakbay, nakit ko talaga kong ano ang magagawa ng kalikasan. Nararapat talaga na pangalagaan natin ang ating kapaligiran para hindi tuluyang masira. Dagdag pa rito, nakakamangha din ang ibang mga tanawin na nakita ko gaya ng Dinaanan o binagsakan ng buhawi. Hindi ko maisip kong gaano ka bagsik ang mga nagdaang pangyayari dito sa aming lugar.

Diary Game Season 3Steemitphilippines
DateApril 09, 2022
Time03:00 PM
LocationMakawa Naawan, Misamis Oriental
Capture ByOppoa12e
Edited ByCanva Application

download (1).png

Sort:  
 2 years ago 

Wala pa ko kaanha diha sa makawa naawan Sir, nindot diha bisitahan? 😄

 2 years ago 

yes Pastora, nindot diri.. 😊

 2 years ago 

Ganda Ng post mong ito tungkol sa kalikasan at sample din paano isulat Ang diary games para sa mga baguhan.

 2 years ago 

Salamat ate.. 😊

 2 years ago 

Ganda ng lugar nio Del. Tama ka, dapat nating pangalagaan ang kalikasan.

 2 years ago 

Salamat ate @me2selah.. 😊😊

 2 years ago 

Nindot kaau inyong lugar migoy

 2 years ago 

Salamat ate.. 😊😊

 2 years ago 

grabe pala ang epekto nito jan dong.. ingat palagi!

 2 years ago 

Salamat ate.. 😊

 2 years ago 

welcome dong

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66342.41
ETH 3548.63
USDT 1.00
SBD 3.09