Diary Game Season 3| October 2, 2021| Ang Paglilibot Ko Sa Aming Lugar

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi sa ating lahat mga kaibigan lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa at myembro dito sa @steemitphilippines. Sana nasa maayos na kalagayan ang lahat at huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos sa magandang araw na ipinagkaloob niya sa ating lahat.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking paglilibot dito sa aming lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. Kinaugalian ko na kasi na maglakad-lakad dito sa aming lugar para makapaglibang sa sarili.

Ito ang aming ilog dito sa lugar, tinatawag namin itong Manticao River. Ito ang hangganan sa pagitan ng Barangay Paniangan at Barangay Poblacion Manticao. Napapalibutan ito ng maraming damo at mga kahoy gaya ng balete at acacia. Noong unang panahon, maliit lang ang ilog na ito, pero habang nagdaan ang mga panahon ay unti-unting nabuwal ang mga lupa hanggang sa tuluyan itong lumawak at lumaki.

Sa ngayon, dahil sa mainit na panahon ay maliit lang ang agos ng tubig at makikita sa video ang ganda at kalinisan ng naturang ilog.


Malapit sa ilog ay makikita ang nagtataasang mga punong-kahoy at mga kawayan. Ito ang nagsisilbi naming panangga dito laban sa baha, kaya hindi namin pinuputol ang mga ito.

May ibat-ibang uri ng kawayan ang makikita dito, ilan sa mga ito ay ang balatakan, buntong, at lunas. Ito rin ang ginagamit namin sa bahay gaya ng dingding at sahig. Malamig kasi ito at magandang humigi sa sahig na yari sa kawayan dahil nga sa lamig.


Ito ang sinsakahan namin, napapalibutan ang lugar namin ng maraming puno ng niyog. Halos 25 na taon na ang mga niyog na ito at kasing edad ko lang ito. Ito ang pangunahing hanapbuhay at pinagkukunan ng ikabubuhay sa aming pamilya.

Ang lupang ito ay minana pa ng aking lolo at napasalin-salin na sa kanyang mga anak. Malaki ang naitulong sa mga niyogan ng papa ko, nabunga ng magandang resulta sa tulong ng Panginoon ang pinaghirapan at pinagpaguran niya.


Ito ang kahoy na kong tawagin namin ay macao isang uri ng matigas at malaking kahoy na siyang nakakatulong upang may pananggalang sa baha. Noong panahon ng bagyong sendong, ito ang nakutolong sa amin upang hindi tangayin ang aming bahay. Umabot kasi sa bahay namin ang tubig baha, kaya hindi namin pinutol ang kahoy na ito.

Dito rin ako gumagawa ng photo hunting sa lugar na ito kasi maraming halamang ligaw at mga insekto ang makikita dito.


At kahuli-hulihan kong kinunan ng video ay itong lugar sa labas ng bahay namin. Noong nakaraang taon ay dito nagsagawa ng reunion sa lugar na ito. Ginawa namin itong volleyball ground dahil sa dalawang niyog na yan na pwedeng pagkabitan ng volleyball net.

Hindi namin kinuha ang mga damo para hindi maputik ang lugar namin, marami ding kumukuha mg letrato dito lalo na ang mga taong kagagaling lang sa syudad. Minsan humhiga ako dito at patingin-tingin sa langit kong maganda ang panahon, minsan dito rin namin pinapakain amg alagang kong baka upang hindi na kami mahirapan pa sa pag putol ng mga mataas na mga damo.

Masasabi ko na maganda ang lugar kapag ito ay inaalagaan. Kahit medyo delikado ang lugar kong saan ako nakatira ay sanay na kami dito ang importante nay ang ibayong pag-iingat lang.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Galing ng lugar ninyo presko. ang hangin at aliwalas.

 3 years ago 

Salamat ate, salamat din sa pag bisita sa aking post. Godbless you. 😊

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago (edited)

Maraming salamat din sa pagbisita sa aking post 😊

 3 years ago (edited)

Napakalinis at fresh ang hangin dyan sa inyo ..daming puno na malililiman.

 3 years ago 

Opo ate, 😊 salamat sa pagbisita sa aking munting post. Godbless you 😊

 3 years ago 

Ang refreshing naman po dyan kuya @jb123 ang ganda naVideo mopo. You are blessed in nature po at napanatili nyu din malinis ang inyung lugar ☺️

 3 years ago 

Salamat sa papuri ate. Godbless you 😊

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you very much 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 60140.96
ETH 2378.49
USDT 1.00
SBD 2.59