Diary Game Season 3| October 11, 2021| Week #20| Ang Pagpunta Ko Sa Calangahan, Lugait Misamis Oriental

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang gabi sa lahat mga ka steemians lalong-lalo na sa lahat ng mga membro dito sa @steemitphilippines.

Panibagong talaarawan na naman ang gagawin ko sa gabing ito at nagpapasalamat ako dahil patuloy tayong dumadami dito sa ating komunidad.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pagbisita sa aking kamag-anak sa Lugait, Misamis Oriental. Nais kong ibahagi sa inyo ang mga short videos na kuha ko kanina habang ako ay naglalakad sa dalampasigan.


Dahil sa lakas na hangin ang nararanasan sa lugar na pinuntahan ko kaya maraming tao ang nangangamba dahil baka masira ang bobung ng kanilang mga bahay dahil sa lakas ng hangin.

Ang mga maliliit na sasakyang pandagat ay dali-daling iniligay sa itaas na parte ng lugar para hindi abutin ng alon.


Sa pagbaba ko sa hagdan ay ramdam ko na ang malakas na hangin sa lugar. Sabi ng uncle ko ay bunga daw ito ng masamang panahon na nararanasan sa pilipinas gaya ng bagyo. Nagsasayawan ang puno ng saging pati na ang mga puno ng niyog.

Dahil sa lakas ng hangin ay halos tangayin din ako sa lakas nito kaya dahan-dahan lang akong naglakad para hindi ako matumba dahil sa lakas ng hangin.


Malalakas at malalaki ang mga alon kanina na nararanasan sa naturang lugar. Maririnig talaga ang tunog ng alon na dumadampi sa dalampasigan at sa mga malalaking bato. Walang mga mangingisda ang nangahas na manghuli ng mga isda sa laot.

Ang lugar na pinuntahan ko ay may mararaming mga malalaking bato at kaunti lang sa lugar ang may buhangin. Walang mga tao rin ang gustong maligo kanina sa dagat dahil sa lakas ng hangin at alon.


Makikita sa short video ko ang paghambalos ng malalakas na hangin at mamalaking alon. Mga puno ng niyog ay nagsasayawan at halos liparin ako dahil sa lakas nito.

Mabuti nalang hindi maulap ang kalangitan kanina sa pagpunta ko sa dalampasigan. Napakatahimik ng lugar kanina, walang katao-tao na naglalakad sa gilid ng dagat tanging ako lamang.


Kahit hindi maganda ang dagat kanina ay nasiyahan naman ako sa pagtingin sa mga malalakas at malalaking alon. At dahil unti-unting lumakas ang hangin kaya nagpasya na akong bumalik sa bahay ng uncle ko para sa aking kaligtasan dahil sa sitwasyon doon sa naturang lugar.

Nais kong imbitahan sina nanay @olivia08, ate @jurich60 at ate @jewel89 para sa diary game contest dito sa @steemitphilippines.

Maraming salamat sa pagbasa at sana mag-ingat tayo palagi.

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Hmm lakas ng alon galit na galit ang sama ng panahon, pero ganda na videohan mo.

 3 years ago 

Opo ate 😊 salamat sa pagbisita sa aking post. Godbless you po.

 3 years ago 

Wendyl ataw na i click ha

 3 years ago 

Okay nay.. salamat sa paalala. 😊😊

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Dairy Game post.

Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert: Diary Game Week 20

God Bless po!!!

Ang ganda nmn jan del sna makapasyal din jan minsan ingat po kayo

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57112.10
ETH 2405.80
USDT 1.00
SBD 2.28