Diary Game Season 3| Halloween Special| October 23, 2021| Ang Pagpunta Ko Sa Nakakatakot Na Lugar

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang hapon sa ating lahat, lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa dito sa @steemitphilippines. Una sa lahat, nais kong batiin ang mga bagong myembro dito sa ating komunidad ng Maligayang Pagdating dito sa @steemitphilippines, nawa ay masaya kayo dito at enjoy lang sa pagpost at ibahagi ang mga tinatagong talento.

Malapit na ang Nobyembre, lalong-lalo na ang araw ng mga patay (all souls day) at araw ng mga santo (all saints day). Uso na naman ang mga kwentong katatakotan na minana pa natin sa ating mga lolo at lola.

Ngayon, dadalhin ko kayo sa mga lugar dito sa amin na sabi ng ilang mga tao dito ay may kakaibang elemento o hindi pangkaraniwang pangyayari sa lugar.

IMG_20211024_163645.jpg

Una kong pinuntahan ang sinabi nilang isang malaking puno na may maraming mga ugat na nakalabas. Sabi ng mga taong nakatira dito ay pinamamahayan daw ito ng mga masasamang elemento gaya ng kapre, whitelady at mga boses na wala namang tao.

May isang araw pa nga na may dumaan dito dahil ang patay na kahoy na ito ay malapit lang sa kalsada, kaya nang may napadaan dito ay may biglang tumawag sa pangalan niya, at nang paglingun niya ay walang katao-tao, maliban sa kanya.

Sa pagpunta ko sa lugar na ito, nakaramdam ako ng pagkatakot dahil sa tahimik ang lugar at ang punong ito ay nakakatakot.

IMG_20211024_163658.jpg

Sunod kong pinuntahan ang lugar na puno ng mga mangga. Pagdating ko sa lugar ay nakaramdam ako ng panginginig sa katawan. Ang lugar ay napakatahimik din at madilim dahil sa mga dahon ng mga puno ng mangga na nakapalibut.

Ayon sa mga sabi-sabi, ang lugar na ito ay may maririnig na mga boses ng batang umiiyak, at boses na humihingi ng tulong. Naririnig daw ito tuwing alas 12 ng hating-gabi.

IMG_20211024_163713.jpg

Sunod kong pinuntahan ang malaking punong ito. Ang tawag namin dito ay puno ng "sinigwelas", at paboritong kainin ng mga bata ang mga bunga nito dahil matamis.

Pero ang mga bata ay umiiwas dito dahil daw may nakita silang babae na nakalutang sa hangin. Kaya umiiwas na ang mga bata na pumunta dito sa lugar. Sinadya ko talagang puntahan ang lugar na ito kaya nang makarating ako ay nakita ko talaga ang nakakatakot na lugar, walang ibang makikita maliban nalang sa mga malalaking punong-kahoy, at madadamong lugar.

IMG_20211024_163736.jpg

Ang huli kong pinuntahan ay ang abandonadong lugar na ito. May bahay dito noong unang panahon at dahil puro patay na ang may-ari at ang mga anak ay nasa ibang bansa kaya giniba at pinabayaan nalang ito. May nagbabantay naman dito sa lugar. Ang lugar ay natutubuan na ng malaking puno ng mangga, at ako mismo ang magsasabing may elemento talaga dito.

Masasabi ko na meron talaga dahil nakaranas ako dito sa naturang lugar. Alas 9 ng gabi habang naglalakad ako sa lugar na ito galing kina lola, ay napansin kong tumindig ang balahibo ko. Ang tanging dala ko lang ay maliit na flashlight lang, may halong pagtakbo ang aking ginagawa at hindi sa inaasahan ay nakita ko talaga na may babaeng nakatindig sa pader mismo dito. Nakita ko ito dahil medyo natamaan siya ng ilaw ng aking flashlight kaya kumaripas ako ng takbo.

Kahit nandyan sila, at tunay na hindi natin sila nakikita ang tanging gawin lamang ay palagi tayong magdasal sa Panginoon para sa gabay kong saan man tayo pupunta.

Maraming salamat sa pagbasa, at advance happy Halloween sa lahat.

#trickortreat

jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Yung unang pic Kuya @jb123 ang spooky at ang hallow ng itsura ng puno 😬 tapos yung huli naman so scarrrrry nung nakita mong nakatayo hahahhaa bakit naman kc inabot kna ng gabi sa pag uwi tapos isa mo lng... Happy halloween 👻☠️🤡

 3 years ago 

Yes ate, nakakatakot ang lugar, ginabi kasi ako noon kasi umuulan kasi kaya para hindi mabasa ay nakisilong muna ako sa aking lola hanggang tumigil ang ulan, gabi na.

Katakot nmn dumaan jan @jb123 buti nkaya mo kumuha ng photo 😅😅

 3 years ago 

Para sa steemit Philippines ate, kinaya mo. 😂

 3 years ago 

Haist natakot ako habang nag babasa bigla kasi humangin dito sa amin, eh nakakatakot din likuran namin puro mga puno...

 3 years ago 

😂😂 pasensya na ate.

Loading...
 3 years ago 

Haha, pang Halloween tlaga tong post mo Del, kapag mapuno at tahimik tlaga ang isang lugar sinasabi nila merong mga hindi nakikita. Nakakatakot naman yang experience mo sa nakita mo dun sa Abandonadong bahay na may malakin punong mangga. Judging sa hitsura nya tlagang century old na yong puno matanda na. Marami ng nakitang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
Yang mga kaluluwa ng mga nawala na or mga namatay na ay andito lang din naman yan sila hindi nga lang natin sila nakikita.
Kailangan nga lang natin silang ipagdasal, baka kaya nagpakita yong babae eh need nya ng prayers mo. Siguro ngayong undas mag tirik ka ng kandila dun sa kung saan mo sya nakita then say a prayer for her.

 3 years ago 

Tradisyon namin talaga ate ang mag tirik ng kandila at ipagdarasal ang mga kaluluwa. Gagawin namin uli ngayong undas 😊

 2 years ago 

oo nga halos lahat yata tayong mga Pilipino kami ganun din pagmismong a Uno and ados nagtitirik din kamo ng kandila sa labas ng bahay.

 2 years ago 

buti nalang d ako napunta sa mga ganyang lugar :D

 2 years ago 

😂😂😂 nasanay na kami dito ate

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00