Diary Game Season 3| Week 17|August 22, 2021| Ang Aking Paglalakbay sa Kabundukan

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang gabi sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga membro dito sa @steemitphilippines. Lubos akong nasayahan dahil patuloy tayong dumarami at tumataas ang bilang ng mga membro dito sa ating kumonidad.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking paglalakbay noong unang araw, kasama ang aking kapatid at dalawang pinsan.

Paglalakbay

IMG20210821081550_00.jpg

Kahapon ay naisipan naming pumunta sa isa sa mga magagandang lugar namin dito sa Misamis Oriental at ito ang kabingatan mountain. Matatagpuan ito sa hangganan ng naawan at manticao. Sa aking paglalakbay patungo sa lugar ay ramdam namin ang init at medyo mahirap na daanan. Pero dahil sa adventure kaya pursigido kaming pumunta doon kahit gaano kahirap daanan.

IMG_20210821_102312.jpg
Pagdating namin doon ay nakikita namin ang malaparaisong lugar. Maraming mga halamang-ligaw at mga insekto pati na ang mga ibon dito.
IMG_20210821_102847.jpg
Dahil sa ganda mg lugar, kaya naisipan namimg kumuha ng mga letrato sa ibat-ibang anggolo ng lugar. Itong larawan ay kuha ito ng aking pinsan habang nakatapak sa malalaking bato sa sapa.

IMG20210821082822_01.jpg
Malinis ang tubig sa sapa at pwedeng maligo at maglaba dito. May mga malalaking bato din na may mga butas at nalalagyan ng tubig kaya masaya ang mga bata kapag naliligo dito dahil sa ganda ng lugar.

IMG_20210821_103750.jpg

IMG_20210821_103924.jpg

IMG-20210821-103027.jpg
Ito ang kanilang pinagkukunan ng tubig sa araw-araw. Ang lahat ng tao na nakatira malapit dito ay dito rin kumukuha ng tubig para sa inumin, para sa pagluluto, halaman at panghugas ng pinagkainan.

IMG_20210821_102352.jpg
Napakalinis ng tubig dito at napakalamig dulit ng malamig na lugar dito. Ito ay isang bukal kong saan dito nagmumula ang tubig na kumukonekta sa lahat ng sapa dito. Kaya malinis talaga ang tubig.
IMG_20210821_103717.jpg

Kaya sinubukan kong uminum dito sa bukal. At napamangha ako dahil ang sarap ng tubig, napakapresko at malamig talaga. Tunay na pinagpala ng tubig ang mga tao na nakatira dito sa naturang lugar.

IMG_20210821_103704.jpg
Sunod naming pinuntahan ang masukal na gubat dito malapit lang din sa lugar na una naming pinuntahan. At dahil makitid ang daan kaya maingat kaming dumaan dito para hindi mahulog sa bangin.

IMG_20210821_103006.jpg
At ito ang nakita namin, isang maliit na kweba. Talagang masasabi ko na parang paraiso ang lugar dahil sa ganda nito. Presko ang hangin at malayo sa ingay. Masaya kaming kumuha ng letrato sa lugar.

IMG_20210821_103553.jpg
Ito rin ang isa sa mga sapa na aming nadaanan. Medyo delikado lang dito kasi may mga bato na nahuhulog mula sa itaas na bahagi ng bundok kaya hindi kami nagtagal dito sa lugar.

IMG_20210821_103515.jpg
Hindi kompleto ang ekspedisyon kong walang snacks o meryenda. Dahil nagugutom na ang mga kasamahan ko kaya nagpasya kaming tumigil at magpahinga muna sandali habang kumakain. Masarap naman ang pagmeryenda dahil tanaw na tanaw namin ang ibang bundok.

IMG_20210821_103429.jpg
Habang papauwi na kami ay may napansin kaming isang maliit na baka nakaharang sa daan kaya minabuti naming paalisin ito sa daraanan namin. Mabuti nalang at sumunod naman ito at agad umalis.

Ang aming ekspedisyon ay matagumpay na nagwakas at nakauwi kami ng maayos sa gabay ng Panginoon. Isa yon sa mga magagandang pangyayari sa aking buhay dahil nakakatulong din sa amin na maging relaxed ang sarili pati na ang puso at isipan.

Bago ko taposin ang Diary ko sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina nanay @olivia08, ate @me2selah at ate @aideleijoie para dito sa contest.

jb123.gif
Gif @steemit.baa

Sort:  
 3 years ago 

bery enchanting yong place na pinuntahan ninyo Del. I love how clean the water was. Eto yong mga lilas na yaman na likha ng panginoon para sa atin. Ang swerte ng mga tao dyan libre ang tubig.

 3 years ago 

Yes ate @aideleijoie very enchanting nga. 😁

Hello : @jb123

I've organized a new contest in the SteemFoods Community. You can participate in the competition by following the official Twitter account of the SteemFoods Community @steemitfoods, liking, retweeting and commenting on our latest tweet. Participating in the competition is very easy. Follow our Twitter account, like, comment and retweet our latest tweet, enter the contest, get a chance to win liquid steem. I look forward to your participation. :)

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post na nasa week 17 ngayon.

Paki basa po ang upadated rules and regulations.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat din po. 😊

 3 years ago 

Salamat sa invitation , amping sa laag.

 3 years ago 

Youre welcome at salamat nay. 😊

 3 years ago 

Ang Ganda! Isang biyaya ng kalikasan na dapat nating ingatan

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68728.62
ETH 3843.27
USDT 1.00
SBD 3.65