Diary Game Season 3: June 25, 2021; Ang Maganda Naming Lugar

in Steemit Philippines3 years ago

Maganda gabi sa lahat, lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa ng aking post dito sa steemitphilippines Community, steemit platform. Kumusta na pala ang lahat? Sana ay nasa mabuting kalagayan tayo ngayon at hwag kalimutang pasalamatan ang ating Panginoon para sa panibagong araw.

Ang e post ko ngayong gabing ito ay tungkol sa magandang lugar namin dito sa bayan ng Manticao. Dagdag dito ang mga yaman na makukuha dito sa malinis at maganda naming ilog.
IMG20210619175258.jpg
Ito ang aming ilog, na nagsisilbing hangganan sa dalawang lugar. Dito sa lugar na ito nagsisipagligo ang mga bata at nagsisipaglaba ang mga matatanda. Malaki ang naitulong sa ilog na ito gaya namin dahil dito kami kumukuha ng pangunahing pangangailangan. Sa pag-iimbak lang ng mga buhangin at bato na nagbibigay sa amin ng income sa bawat araw.
IMG20210619175204.jpg
Maraming malalalim na mga lugar dito sa ilog, kaya masaya ang mga bata na naliligo dito. Malinaw ang ibang parte ng tubig, lalong-lalo na mga mababaw na bahagi nito.
IMG20210619175211.jpg
Ang mababaw na parte dito sa ilog ay nagsisilbing daanan namin upang makapunta makauwi kami sa aming bahay. Dito rin dumadaan ang mga papasok na mga sasakyan gaya ng mga sasakyang kumukuha ng mga bato at buhangin at iba pa. Dito rin naglilinis ng mga motorsiklo ang galing sa lungsod o galing sa bukid lalo na kong maputik ang lugar na pinuntahan nila. Dito rin naglalaba, naliligo at magselfie ang mga taong pumunta dito.
IMG_20210619_174231.jpg
Kong yamang-tubig naman ang pag-uusapan, marami rin ang makikita dito. Ilan sa mga ito ay mga alimasag na kong tawagin namin dito ay "kamangkas". Masarap itong kainin at magandang lutuin.
IMG_20210619_174305.jpg
Mga native shrimp na kong tawagin naman namin ay "ulang" , isa sa mga masarap at katakam-takam na kainin dito sa aming lugar. Masarap ito kong sinigang ang pagkakaluto. Sa mga kainan ay napakamahal ang ganitong uri ng pagkain.
IMG_20210619_174204.jpg
At ito naman ay ang shell na kong tawagin namin dito ay "suso" kalimitang niluluto ito sa gata o di kaya ay sinsahog sa bihon. Marami dito ang mga suso at nakikita ito sa gilid ng ilog.

Tunay talaga na mayaman ang aming ilog, dahil din sa tama at nag-aalaga ng tama ang mga tao dito sa ilog namin. Ang lokal na pamahalaan dito ay nagbabawal sa pagtapon ng mga kemikal at mga basura dito sa aming ilog, upang mapakinabangan pa ang ilog sa habang panahon.
jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you steemitcurator08..

 3 years ago 

Wow! isa lang ibig sabihin nyan Wyndel, healthy ang ecosystem ninyo dyan kaya lahat nagthrive. Ang sarap naman isang ikog na merong pwedeng pagkukuhanan ng pagkain. You are very blessed to have a clean and healthy river. Your community should always take care of our yamang tubig para lahat magbenefit.

 3 years ago 

Kaya sisikapin naming mapananatili ang kagandahan at kaayusan ng aming ilog ate.. 🤗🤗

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 95317.76
ETH 3302.38
USDT 1.00
SBD 3.31