Diary Game Season 3: July 18, 2021; Ang Aking Paglalakbay

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga sa lahat mga ka steemians. Kumusta na kayo? Medyo natagalan akong nagpost ulit dito sa steemit diary dahil may pinagkakaabalahan lang sa buhay. Sana masaya at maganda ang araw nyo ngayon.

Tuwing linggo, kinaugalian ko na ang maglakbay kahit saan. Sa bukid, dalampasigan o sa pampublikong lugar. Kahapon ang napili kong lugar ay ang maglakbay sa magandang lugar na puno ng mga kahoy at iba pang uri ng mga halaman at hayop.Mahilig ako sa mga paglalakbay lalo na kapag kalikasan ang pag-uusapan.
IMG_20210717_074943.jpg
Sa aking paglalakbay, napansin ko ang ganda ng kalikasan, mga puno na naglalakihan at mga ibon na nagliliparan. Magandang maglakbay lalo na kapaga maaga pa dahil presko ang hangin at malamig sa katawan. Talagang makakapagbigay ng payapang isip ang ganda ng lugar.
IMG_20210718_140122.jpg
Sa aking paglalakad ay may napansin akong insekto na gumagapang sa may dahon. Ako ay naaliw nito at kinunan ko ng letrato. Ito ang tintawag naming "labod" isang uri ng insekto na parang uod at gumagapang kahit saan. May ibang klase rin ng mga ito na ang kulay ay pula at humahaba. Matitingkad ang kanyang mga kulay at mabagal kumilos. Maraming ganito dito sa amin, minsan sa daan pa makikita.
IMG_20210717_074803.jpg
At may natagpuan na naman akong isang uri ng kabute, iba ito sa nagdaan kong nakita at napost dito sa steemit. Makapal ang kabuteng ito, may kulay gray, brown at white. Katulad ng ibang kabute, sa patay na kahoy rin ito tumutubo, at hindi ito makakain. Ang maganda lang dito ay pwedeng gawing palamuti sa bahay.
IMG_20210717_075012.jpg
Masukal na lugar ang pinuntahan ko, mahilig kasi ako sa mga ganito. Sa lugar na ito makikita ang mga ibat-ibang uri ng hayop gaya ng bayawak, ibon at mga insekto. Hindi naman ako nahirapang pumunta ditp dahil may daanan naman ng mga tao sa naturang lugar. Kaya madali lang ang pagpunta dito.
IMG20210717181436.jpg
Sa nagdaang araw ay naepost ko dito kong gaano ka putik ang daan na dinaanan ko. Pero laking tuwa ko na nang makita kong inayus na ang daan. Nilagyan ng buhangin at mga bato para mas maging maganda ang pagdaan ng mga sasakyan at tao. Sa ngayon wala nang mga putik sa daan at hindi na mahihirapang dumaan dito sa lugar.
jb123.gif

Sort:  
 3 years ago 

Iba tlga pag nasa nature kesa sa city na mausok. Sariwa ang hangin. Ingat palagi kuya @jb123

 3 years ago 

Salamat ate @jewel89 😊

 3 years ago 

Maganda meron kang mga larawan na ganito sa inyong lugar na untouched pa with progress or developments dahil dadating ang araw na eto ay mababago na dahil sa dami na ng tao.

 3 years ago 

Yes ate. Darating ang panahon ang makulay berdeng lugar, mamapalitan na ng mga nagtataasang bahay.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58186.66
ETH 2353.20
USDT 1.00
SBD 2.37